24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Kahit may itinakda ng Maximum Suggested Retail Price o MSRP ang Agriculture Department,
00:05mataas pa rin ang presyo ng kanimbaboy sa ilang palengke sa Metro Manila.
00:09Sa NEPA Q-Mart, umabot po sa P350 ang kada kilo ng laman habang P420 kada kilo ng liyempo.
00:18Mas mataas po yan sa MSRP ng DA na P330 sa Kasim at Pigue at P370 para sa kada kilo ng liyempo.
00:26Mas mataas din sa MSRP ang presyo ng kanimbaboy sa Pretail Market sa Maynila.
00:33Umabot kasi ng P400 ang kada kilo ng laman habang P450 naman ang kada kilo ng liyempo.
00:44Bahagya pang mas mahal sa kanimbaboy ang kada kilo ng galunggong na umabot na ng P400 kada kilo.
00:51Ang sibuyas naman P300 ang kada kilo sa parehong mga pamilihan.
00:54At dahil palapit na nga ang Pasko, magpapakalat ang mga tauhan sa mga pamilihan
01:01para maiwasan ang hoarding, profiteering, panic buying at iba pang posiding kaguluhan.
01:09Dalawang linggo bago ang Pasko, ramdam na ang Christmas rush sa dinarayong Divisorya.
01:14At nakatutok si Dano Tingkongko.
01:16Masikip, maingay at matrapik ngayon sa Divisorya dalawang linggo bago magpasko.
01:25Pero sa mga gustong makasulit sa pagbili, sadyang malakas ang hatak ng DB.
01:30Si Nashila at Belna napagkasa ang P2,000 pesos na budget para may pangregalo sa kanilang Christmas party.
01:37Mga laruan, para sa dalawang pumbata may natira pang pasalubong para sa anak.
01:41Ang mga laruan kasi at ibang pangregalo, P35 to P200 pesos.
01:46Wala pang tawad yan.
01:48Sa damit pang bata, mayroong P50 pesos.
01:51Full sale price.
01:53Mas mura kasi. Kapag marami kang bibili, mas mura talaga.
01:56Dito pwede ka tumawa, diba?
01:58Sa iba naman, fix na yung prices nila.
02:01Si Jackie at asawa niya, DB rin ang punta pero hindi pa para sa pamasko.
02:06Wala mo pang Pasko.
02:07Wala mo?
02:10Kailan mo plano mo bilhin?
02:11Pag nakuha niya yung 13-month pay.
02:14Wala po, umuing. Tagol-tagol pa eh.
02:17Kailan mo na-alimbawa nakuha mo na yung 13-month pay mo.
02:21Nasa magkano magiging budget mo lalo?
02:23Pang ano?
02:24Siyempre.
02:25Pang pamigay.
02:26Siguro.
02:27Alisin mo pagkain ha?
02:28Alisin mo pagkain.
02:29Pang pamigay lang.
02:31Pang mga panggif.
02:32Siguro mga 7 kilo.
02:34Mula pang regalo hanggang palamutit, pambalot nandito na.
02:39Ang wrapper na 20 pesos for 5 pieces, lahat na ng klase.
02:43Pati paper bag na 10 to 15 pesos, kada isa, depende sa laki.
02:46Kung peperahin na lang ang pangregalo, may mga angpao na mula 1 peso sa laking kasha bariya hanggang 3 for 100 para sa pinakamalaki.
02:56Kulang pa ba ang dekorasyon sa bahay?
02:59Pwede pa maghabol ng Christmas tree dito na 2,500 hanggang 5,000 pesos, depende sa laki.
03:04Tadta rin niya ng mga pasabit na 3 for 100 hanggang 600 pesos na pack of 12, depende sa budget.
03:11May mga taka rin na 100 hanggang 150 pesos, ikaw nang bahalang magpinta.
03:17Ang ibang palamuti na mula 150 to 400 pesos, pwede pang tawaran.
03:22Pinapaubos na kasi ng ilang nagtitinda.
03:25Ang bintahan kasi mababa na, bagsak na bihe.
03:28Kasi sa dami-dami na nagtitinda at saka marami online.
03:31Ang mga kalakal namin may 250 na lang nga, may 200 na lang nga, basta may bibenta.
03:37Para sa GMA Integrated News, dahan natin ko ko nakatutok 24 oras.
03:42Unang weekend ng Desyembre, sakit sa ulo agad ang bumungad sa mga motorista dahil sa naparalisang traffic sa Marcos Highway kagabi.
03:51Mula sa Antipolo City, nakatutok live si Bob Gonzales.
03:55Bob, matindi pa rin ba ang traffic?
03:57Ivan, biro ng ilang netizen, e mukhang nagkasabay-sabay ang mga Christmas party nitong weekend.
04:03Kaya naman nagkabuhol-buhol ang traffic sa EDSA, pati na rin dito sa Marcos Highway.
04:07Kung hindi gapang walang galawan ang mga sasakyan kagabi sa Marcos Highway, Pamarikina at Antipolo.
04:15Merong inabot ng tatlong oras galing pang Mandaluyong.
04:18Hanggang limang oras ang kalbaryo ng iba.
04:20Muntik na raw silang magpamorningan sa daan.
04:23Ang ilang naipit, naglakad na lang.
04:28Tila napaaga nga raw ang alay lakad sa Antipolo.
04:32Naipon sa labas ng ilang mall ang mga commuter na naghihintay ng masasakyan.
04:37Nagkatuwaan na lang ang ilang netizen at inisip na mistulang higanteng Christmas lights ang ilaw ng mga nakatigil na sasakyan.
04:45Komento ng isang netizen, ang wala pang 30 minutong biyahe naging triple.
04:50Dinaig pa raw ang pag-uwi sa Laguna.
04:52Sagot naman ang isa, naglakad na lang sila pero traffic pa rin dahil sa mga rider na nasa daanan ng tao.
04:59Ang isa pa nga, sumakit na ang paa sa paglalakad.
05:03At biro ng isang netizen, sa haba ng traffic e nagkaroon na siya ng love life.
05:08Umabot ang pila ng mga sasakyan mula Kainta at Antipolo hanggang sa Marikina at Quezon City.
05:14Mismong si MMDA Swift Traffic Action Group Commander Bong Nebrija, kalahating oras daw na ipit sa traffic, gayong isang kilometro lang ang biyahe niya.
05:23Wala naman daw vehicular accidents at road reblocking kagabi, sabi ng MMDA.
05:27Sadyang marami lang sasakyan galing sa C5 at EDSA.
05:31Noong biyernes nga, bumigat ang rush hour traffic sa EDSA.
05:35Ayon sa MMDA, pinalala pa ito ng mga naitalang 23 road crash incidents at 8 stalled vehicle incidents mula alas 2 ng hapon hanggang alas 9 ng gabi.
05:46Lumuwag naman daw ang trapiko sa ibang bahagi ng EDSA bandang alas 8 ng gabi.
05:50Nakatutok na raw ang deployment ng traffic enforcers ng MMDA sa choke points at intersections sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.
05:59Kanina, maluwag na ang daloy ng trapiko sa Kainta Junction pa Marcos Highway.
06:02Sa eastbound lane ng Marcos Highway pa Antipolo, mabilis din ang biyahe kanina.
06:07Wala rin traffic bakiat ng masinag.
06:09May kaunting pila sa U-turn slot pero hindi raw nagtatraffic.
06:12Sa westbound lane, Pakatipunan, light to moderate ang trapiko.
06:16Ivan, kung dadaan naman kayo ngayon dito sa Marcos Highway, kahit medyo paulan-ulan na no, ay maluwag pa rin ang daloy ng trapiko sa magkabilang day. Ivan?
06:24Ingat, maraming salamat, Mav Gonzalez.
06:27Maggit tatlong milyong pasahero ang inaasang babiyahe sa Paraniake Integrated Terminal Exchange o PITX ngayong holiday season.
06:35At ang po sa pamunuan ng PITX, posibeng maramdaman ang dagsa ng mga biyahero simula December 19 hanggang January 5.
06:42Tingin po nila, hindi naman magkakasabay-sabay ang dagsa ng mga pasaherong magbabakasyon dahil meron pong long weekend pagtapos ng Pasko.
06:51Sa ngayon, available naman ang lahat ng biyahe pero marami na rin anilang nagpa-reserve ng bus ticket.
06:57At bukod naman sa supply ng mga bus at kaligtasan ng mga pasahero, nakamonitor din ang pamunuan sa hindi autorisadong pagtaas ng presyo ng mga ticket.
Be the first to comment