Skip to playerSkip to main content
  • 3 days ago
Dagdag sahod ng military and uniformed personnel, hindi suhol ayon sa Dept. of National Defense

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Iginiit ng Defense Department na hindi suhol ang base pay increase para sa Military and Uniformed Personnel.
00:07Yan ang ulat ni Patrick De Jesus.
00:10Bumisita si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Eastern Mindanao Command sa Kampanakan, Davao City,
00:17kasama si AFP Chief of Staff General Romeo Browner Jr.
00:21Sa Situation Briefing, iniulat sa Commander-in-Chief ang operasyon laban sa Insurgency Maritime Patrol,
00:30at disaster response sa rehyon.
00:32Nagkaroon din ng salo-salo ang Pangulo sa mga tropa ng East Mincoma
00:37at tiniyak niya ang pagpapalakas sa kagamitan at kapabilidad ng militar.
00:42Kasama na rito ang pagtaas ng base pay ng Military and Uniformed Personnel na kanyang inaprubahan kamakailan.
00:50Giit naman ng palasyo, hindi dapat gawing politika ang ibinibigay na suporta ng Pangulo sa mga sundalo.
00:58Sa harap na rin ito ng batikos na ipinubukol ng ilang grupo na anilay timing sa umuugong na destabilisasyon laban sa gobyerno.
01:08Ang pagkilala po sa mga kasundaluhan natin, hindi po ito nababatay kung anong po ang nangyayaring ingay ngayon.
01:13Mga political noise.
01:14Karapatan po nila at dapat lamang po kilalanin ang kanilang pagiging bayani ng ating bayan.
01:20Ipinagtanggol din ng Department of National Defense ang dagdag sahod ng MUPs na long overdue at hindi suhol.
01:29Napakahirap nung kanilang trabaho.
01:33Hindi ko maintindihan itong mga nagsasabi nun.
01:36Na medyo isipin naman nila yung kanilang sinasabi.
01:41Nasa yung malasakit natin para sa mga dumindepensa sa ating taong bayan at ating soberenya.
01:47Huling nagkaroon ng increase eh nung nakaraan na administrasyon pa.
01:53Nung panahon na yun, may nagsabi ba ng ganyan?
01:56Yun ang tanong ko sa kanila.
01:57Alinsunod sa executive order ng Pangulo, nire-repaso na ang implementasyon ng 15% base pay increase na ahatiin sa tatlong tranches simula 2026.
02:09The President has already triggered it with an order to create a technical working group.
02:16May tugon naman ang Malacanang sa mga nananawagan ng omento sa sahod ng mga ordinaryong manggagawa.
02:23Meron po tayo sa tripartite board, meron po increase.
02:27Hindi po ito makakaila.
02:29Yung sinasabi po nilang wage hike, 200 pesos, ito po ay saklaw ng Kongreso.
02:34Samantala, hindi iniaalis ng National Task Force and Local Communist Armed Conflict
02:40ang posibilidad na samantalahin ng mga komunistang grupo
02:43ang issue sa katiwalian para gamitin ang kanilang impluensya.
02:48Bagamat makatwiran ang mga protesta kontra korupsyon, sinabi ng NTFL Kaka, na dapat surihing maigi ang motibo ng ilan.
02:58They will try to capitalize on these valid issues to radicalize some of us.
03:05So we just have to be very vigilant also against this,
03:09without of course us discouraging people from supporting yung mga calls to get rid of corruption in the government.
03:22Sa pagtataya ng NTFL Kaka, humina pa sa pitong daan ang miyembro ng New People's Army
03:28na minsang umabot ang peak noon sa 25,000 miyembro.
03:33Ipinagmalaki rin ng NTFL Kaka sa kanilang ikapitong anibersaryo
03:38ang aabot sa dating 4,800 conflict-affected barangays na nakinabang sa Barangay Development Program
03:46at pagtulong sa mga dating rebelde sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program.
03:54Patrick Dezus para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended