00:00Naka-enquentro ng militar ang isang grupo ng mga rebelde na inereklamong nangingikil sa mga residente sa Masbate.
00:06Patay ang isa sa mga rebelde habang tinutugis naman ang lima niyang kasama.
00:11Narito ang aking eksklusibong pagtutok.
00:16Ito ang natira sa pilagkukutaan ng mga rebelding New People's Army matapos itong makubkob ng tropa ng 96th Infantry Battalion ng Philippine Army.
00:27Napatay ng mga sundalo sa enkwentrong nagtagal daw ng limang minuto si Alexander Emaas alias Capacro, miembro ng Bicol Regional Party Committee.
00:38Ayon sa militar, isinumbong sa kanila ang ginagawa mo ng extorsyon ni Capacro kasama ang limang iba pang rebelde.
00:45Nangingikil po sila doon sa mga miyembro ng community at lalo na yung may mga negosyo.
00:55Marahil sawa na rin yung miyembro ng community doon sa kanilang mga pinagagawa.
01:00Kaya nai-report na rin po sila sa amin.
01:02Na-enquentro po sila dito sa bahagi ng barangay Kankahoran ng Baleno Masbate.
01:10Boundary na po ito ng Masbate City.
01:13Narito naman ang mga narecover ng mga sundalo mula sa mga rebelde.
01:17Nakuha rin po sa pinangyarihan ng enkwentro yung tatlong matataas na kalibre ng baril.
01:22Bukod sa mga two-way radio, cellphone at iba pang subersibong mga dokumento.
01:27Nasamsam na mga sundalo ang isang Ultimax, isang uri ng light machine gun, isang M14 at M16 rifle at mga bala.
01:35Tinutugis ang limang iba pang kasama ni Kapacro.
01:40Para sa GMA Integrated News, Emil Sumangil, Nakatutok 24 Horas.