00:00Mga kapuso, nasa 1,500 po na special bus permits ang in-issue ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB para sa Holiday Exodus.
00:12Ito'y para matiyak na sapat ang mga bumabiyahing bus mula December 15 hanggang January 16, 2026.
00:20Ayon sa LTFRB, nagdagdag din sila ng Transportation Network Vehicle Service o TNVS sa mga paliparan para may masakyan agad ang mga pasahero.
00:31Nauna nang iniutos ng Department of Transportation sa LTFRB na dapat pagmultahin ang mga taxi at TNVS drivers na magkakansela ng booking ng mga pasahero sa kasagsagan ng holiday rush.
00:43Hindi raw dahilan ang matinding traffic at malayong pick-up o drop-off points para magkansela ng booking.
00:50Gusto mo bang mauna sa mga balita? Mag-subscribe na sa JMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Comments