Skip to playerSkip to main content
  • 23 hours ago
Anak ng viral na jeepney driver, inalok ng trabaho ng DPWH; LTFRB-11, binigyang pagkilala din si Tatay Edwin

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nakapasa na, may trabaho pa.
00:03Yan ang kwento ng kababayan natin na inalok ng trabaho
00:07sa Department of Public Works and Highways
00:09nang makapasa sa Civil Engineering Licensure Examination.
00:14Ito'y matapos na rin mag-viral ang kanyang ama na jeepney driver
00:18na nag-alok ng libring pamasahe bilang pasasalamat
00:22sa nakamit ng kanyang anak.
00:24Ang kwento niyan silipin natin sa Sentro ng Balita ni Joyce Salamatid.
00:30Sa hindi inaasahang pagkakataon,
00:34isang nakakaantig sa pusong mensahe
00:36ang bumungad sa ilang commuters sa isang pampasaherong jeep
00:40sa Davao City.
00:42Sa isang kartolina, nakasulat na libre ang pamasahe dito.
00:46Ang dahilan ni mano jeepney driver,
00:49malayo na kasi ang narating ng kanyang anak
00:51na nakapasa sa 2025 Civil Engineers Licensure Exams.
00:56Sa madaling salita, may anak siyang Civil Engineer.
01:00Ayon kay Tatay Edwin, pasasalamat niya ito sa kanyang mga pasahero
01:04na naging katuwang niya ng 35 taon.
01:0935 years ng jeepney driver si Tatay Edwin
01:12at ang nagtaguyod sa pangangailangan ng kanilang pamilya
01:15ng ilang dekada.
01:17Ayon sa mga pasahero, napakabait ni Manu Chuper
01:20dahil nagpapasalamat pa siya sa mga pasaherong tumatangkilik sa kanya.
01:26Ang kanyang anak na si Dave Rusty Recososa
01:29ay nagtapos sa University of Mindanao.
01:32Sa kwento ni Dave, matagal nang sinasabi
01:35ng kanyang 52 years old na tatay
01:37na manlilibre siya ng mga pasahero
01:40kapag nakapasa siya sa licensure exam.
01:44Anya, sobrang natutuwa siya ngayon
01:46dahil maraming nakaka-appreciate
01:48sa ginawa ng kanyang papa.
01:51Kaya naman, ang mabuting ehemplo
01:53at nakaka-inspire na viral na kwento
01:56ni Tatay Edwin
01:58nakarating sa tanggapan ng LTFRB Region 11
02:02ang balitang ito
02:03at nakatanggap siya ng parangal
02:05at natatanging pagkilala mula sa ahensya.
02:09At hindi pa diyan nagtatapos
02:11dahil kahapon lamang
02:13mismo si DPWH Secretary Vince Dizon
02:16ang kumausap sa bagong engineer na si Dave
02:19para hikayati na maging bahagi
02:22ng ipatutupad na pagbabago sa DPWH
02:25alinsunod na rin sa kautusan
02:28ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
02:31Inaluk siya ng kalihin
02:32na maging civil engineer
02:34ng DPWH Davao Regional Office
02:38bilang una niyang trabaho
02:39sa pagiging ingenyero.
02:42Samantala, pinuri naman ni Secretary Dizon
02:45si Tatay Edwin
02:46dahil sa araw-araw niyang sakripisyo
02:49bilang driver ng jeep
02:50para lamang mapagtapos si Dave
02:53sa pag-aaral
02:54at maitaguyot ang kanyang pinakamamahal na pamilya.
02:58Thankful no kay Daddy Edwin
03:00kasi yung napaka-heartwarming no
03:03nakakatayo yung nakaka-anatayo yung nakakapaglambot ng puso
03:08yung ginawa ni Tatay Edwin
03:12na ginibe rin niya yung mga pasahero
03:14for one day
03:15nung pumasa ng board si Dave.
03:19Mahirap yun ha.
03:20Yung walang kita ng isang araw
03:22pero doon mo makikita talaga yung pagmamahal ng isang tatay
03:25at yung pride ng isang tatay
03:27na yung kanyang anak na pinaghirapan niyang mag-aaral
03:30kinakapagtapos, engineering pa man din.
03:33Hindi madali yan.
03:35Isa lamang si Tatay Edwin at ang kanyang pamilya
03:37sa patunay na malayo ang mararating
03:40ng mga patuloy na nagsisikap
03:42at lumalaban ng patas sa buhay
03:44sa kabila ng iba't ibang mga hamon.
03:48Joyce Salamadin
03:49para sa Pambansang TV
03:50sa Bagong Pilipinas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended