00:00Sa ating balita, isang maagang pamasko ang regalo ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr. sa mga military at uniform personnel o MUP.
00:09Inanunsyo ng Pangulo ang pagtaas ng kanilang base pay o sahod na ipapatupad sa January 1, 2026, January 1, 2027 at January 1, 2028.
00:20Ito'y bilang pagkilala kasi sa kanilang servisyo sa gitna ng sunod-sunod na kalamidad at banta sa seguridad.
00:26Saklaw nito ang mga tauhan mula sa Department of National Defense, DILG, Philippine Coast Guard, Bureau of Corrections at NAMRIA.
00:35Simula sa January 1, 2026, ilalagay din sa P350 kada araw ang subsistence allowance ng lahat ng MUP.
00:43Ayon sa Pangulo, dapat lamang namabigyan ng makatarungang sahod at sapat na suporta ang mga tagapagtanggol ng bayan.
00:50Ipa, tubig o himpapawid, hindi kayo nagdadalawang isip na magsakripisyo ng inyong kaligtasan para sa kapakanan ng bawat Pilipino.
01:02Bilang pagkilala sa inyong walang sawang paglilingkod, dedikasyon at husay, ating itataas ang base pay ng MUP.
01:11Naniniwala ang administrasyong ito na ang mga nagtatanggol sa bayan ay nararapat rin protektahan ng pamahalaan.
01:19Makatarungan sahod at sapat na suporta, ito ang handog ng sambayanan sa ating mga tagapagtanggol.
01:27Mabuhay po kayo!
Comments