Skip to playerSkip to main content
Bukod sa Christmas traffic, problema rin ng ilang commuter ang mas mahal na pasahe at mahirap na pag-book sa mga TNVS. Kaya ang isang grupo, nanawagan na sa LTFRB na kontrolin ito.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Bukod sa Christmas traffic, problema rin ng ilang commuter ang mas mahal na pasahe at mahirap na pagbook sa mga TNVS.
00:08Kaya ang isang grupo na nawagan na sa LTFRB na kontrolin ito.
00:12Nakatutok si Oscar Oida!
00:17Pahirapan na nga, mas mahal pa!
00:20Ganyan na raw ang karaniwang sinasapit ngayon ng ilang regular TNVS customer sa tuwing sasapit ang rush hour.
00:27Si Eri na taga North Caloocan, kung dati raw, nasa P250 lang ang singil ng sinasakyang motorcycle hailing service mula Agam Quezon City pa uwi sa kanila.
00:40Ngayon, inaabot na raw ng P340 pataas.
00:44Malaking factor po yung place, nasa mall, ganyan. Marami rin po kasing kasabayan magbook. Kaya agawan po talaga.
00:52Di hamak naman daw na mas mahal kung four wheels. Ayon naman kay Rhea Lynn na umuuwi naman ang San Jose del Monte sa Bulacan.
01:01Kung dati daw, pumapatak na ng P500 pesos. Lately, lumalagpas pa raw ito ng P800 pesos.
01:09Bale yung P800 po, isang buong araw na po namin sa work yun. And then kung ipapamasahe pa po namin sa four wheels, wala na po kaming pagkain.
01:18Ang masakla pa raw niyan. Pag-ihintayin ka pa ng siyam-syam bago makakuha ng masasakyan.
01:26Minsan po, aabot po ng one hour yung pagbubok. One hour, 30 minutes to one hour po.
01:30At habang papalapit ng papalapit umano ang Pasko, ayon sa grupong Digital Pinoy's, asahan na raw ang lalo pang pagsirit ng presyo ng singil ng mga TNVS.
01:42Mga surge fair kung tawagin na nakasalalay-umano sa availability ng masasakyan, tindi ng traffic at sama ng panahon.
01:51At ang pinapayagan sa batas, I think parang 1.5 or up to twice the fair ang pinapayagan.
01:58Pero sa nakikita natin, marami hong mga pagkakataon na lagpas pa ho dito yung itinataas ng pamasahe dahil sa surge pricing.
02:07Para sa Digital Pinoy's, hindi raw ito makatarungan.
02:11Kailangan yung mga TNVS platforms, yung mga operator, siguraduhin din nila na yung mga kanila hong mga sasakyan ay bumabiyahe ho sa oras na kinakailangan ho sila.
02:22Dahil isa ho sa mga basehan dun ho sa pagbibigay ng prangkisa para sila ho ay makapagbiyahe,
02:28ay yun pong kanila hong kahandaan na magservisyo sa ating mga mananakay sa anumang oras ng pagbiyahe.
02:35Kaya ay minumungkahi nila sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na kontrolin umano ang anilay labis na pagtaas sa singil.
02:46Kailangan daw magpatupad ng LTFRB ng matibay na mekanismong magpapanatili ng makatwiran at government-approved fare limits.
02:57Sinusubukan pa namin kuna ng pahayag ang LTFRB patungkol dito.
03:02Para sa GMA Integrated News, Oscar Oida, Nakatutok, 24 Oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended