00:00Silipin natin ang isang Christmas Village sa Camarines Sur na hindi sa plaza o kaya'y mall makikita, kundi sa kampo ng militar.
00:10Iatid sa atin yan sa sentro ng balita ni Vanessa Nieva Paz ng Radyo Pilipinas, Naga.
00:18Napuno ng liwanag at kasiyahan ng division headquarters ng 9th Infantry Division ng Philippine Army sa Camp Elias Angeles dito sa Pili Camarines Sur
00:29matapos ang simultaneous Christmas lighting.
00:32Bukod sa mga sundalo at kanilang pamilya, bukas sa publiko ang Christmas Village na matatagpuan sa loob mismo ng kampo.
00:41Bawat puno, pathway at mga kubo na makikita sa kampo ay napalamutian ng kumukutikotitap na mga ilaw at iba pang mga dekorasyon na nakadagdag sa Christmas fields.
00:53Nagtagisa naman ng kani-kanilang talento ang mga spear troopers sa ginanap na past corral competition na nakadagdag pa sa kasiyahan ng nasabing aktividad.
01:04Ikinatuwa naman ng mga lumahok sa loob ng kampo ang mga makukulay na dekorasyon at makikita rin ang kasiyahan sa ngiti ng bawat isang nagtungo sa 9th ID.
01:14Ay nalulugod at nagpapasalamat dahil nagkaroon ng oportunidad na magkaroon ng pagsasama sa mga pamilya at nagpapasalamat kami sa pamunuan ng 9th ID.
01:24Nagpasalamat naman ang 9th ID sa mga bikulano sa patuloy nitong suporta sa kanilang kampanya sa rehyon.
01:32Ang simultaneous Christmas lighting at opening ng Christmas village dito sa 9th Infantry Division kung saan ang aktividad na ito ay paalala na sa dulo ng taon,
01:43anuman ang ating naging prioridad ay mayroon pa rin panahon para sa pagkakaisa at pagtutulungan.
01:50Ito po yung pagunita sa araw ng kapanganakan ni Jesus Cristo.
01:54Ngayong Kapaskuhan, umaasa ang Philippine Army na magsisilbing gabay ang ilaw ng Christmas tree nila tungo sa paggamit sa kapayapaan at kaunlaran sa rehyon.
02:06Mula rito sa Pili Kamarinasur para sa Integrated State Media, Vanessa Nieva Paas ng Radyo Pilipinas, Radyo Publiko.
Be the first to comment