00:00Magpapadala ng mga tauhan ang Philippine Marines sa mga lugar na madalas bahain sa Ilocos Norte
00:05bilang paghahanda sa posibleng epekto ng bagyong dante at bagyong emong.
00:09May report si Rani Dorilaga ng Radyo Pilipinas, Radyo Publiko, Lawag.
00:15Mas pinaiting pa ang 24-7 monitoring ng disaster response ng Philippine Marines sa Ilocos Norte.
00:22Ito ay dahil na rin sa posibleng epekto ng bagyong dante at bagyong emong sa lalawigan.
00:26At para matiyak ang kaligtasan ng mga residente rito,
00:30tatlong teams ng Philippine Marines ang nakahandang ipadala ng 4th Marine Brigade sa mga binabahang lugar sa Ilocos Norte.
00:38Itong ganitong mga eventualities, lalo na pag may paparating sa atin ang mga calamities nyo,
00:44mga 3 days prior, nagkakandak na agad kami ng personal inspection at readiness inspection
00:50ng lahat ng equipment namin pertaining doon sa disaster response team namin na ipinagamit.
00:57Bukod sa disaster response team, mayroon ding hiwalay na teams na binuo ng Philippine Marines
01:02para tumutok naman sa relief operation sakaling kailanganin na maghatid ng tulong sa mga maapektuhang residente.
01:10Apela pa ng Philippine Marines sa publiko, magipagtulungan sa mga kinaukulang ahensya ng pamahalaan
01:16at sumunod sa mga inilalabas na balita tungkol sa samaan ng panahon.
01:21Laging maging vigilant at mag-monitor sa updates sa ating mga news TV, sa mga radio
01:31at sa mga public announcement na ginagagaling sa local government unit.
01:36Mula rito sa lawag para sa integrated state media, rani durilag ng Radyo Pilipinas, Radyo Publiko.