Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Pinaimbisigan din sa ICI ang mahigit 80 flood control projects sa Davao City,
00:06pati ang command center project na hindi raw mapakinabangan ng Land Transportation Office.
00:12Sa visa naman ng inspection order, may mga natagpuan dokumento tungkol sa flood control projects sa condo unit ni Saldico.
00:20May unang balita si Joseph Morong.
00:22Sa visa ng inspection order mula sa Makati Regional Trial Court,
00:30pinasok ng mga tauhan ng NBI at Philippine Competition Commission ng condo unit ni dating Congressman Saldico.
00:37Pakay ng NBI na makakuha ng mga ebidensya na magpapatunay sa umunay lutong bidding kaugnay sa flood control projects.
00:44Ayon sa source ng GMA Integrated News, may nakuhang mga dokumento na may kaugnayan sa bidding at flood control projects.
00:51Ayon sa NBI, pag-aaralan kung paano magagamit ang mga na-recover sa unit ni Co para sa case build-up.
00:58Sa Sandigan Bayan 6th Division, not guilty plea ang inihain ng siyam na dating opisyal ng DPWH Mimaropa
01:04na kapwa-akusado ni Co sa kasong malversation of public funds.
01:09Kaugnay sa P289M flood control project sa Nauan Oriental, Mindoro.
01:14Kahit non-bailable ang kaso, maghahain ang ilang abogado ng mga akusado ng petition for bail.
01:19Anila mahina ang ebidensya pero giit ng prosekusyon matibay ang hawak nilang ebidensya at tututulan nila ang petisyon.
01:28Sa Independent Commission for Infrastructure o ICI, nagsimula na ang live streaming ng mga pagdinig.
01:34Unang humarap si Laguna 4th District Representative Benjamin Agaraw Jr.
01:37na idinawit ng mag-asawang Pasifiko at Sara Diskaya sa panghihingi umuno ng komisyon o kickback.
01:43Hindi raw kilala ni Agaraw ang mag-asawa at itinanggi ang umunipag-advance sa kanya ng 9 million pesos
01:49sa pamamagitan ng isang Alvin Mariano.
01:52Kinumpirman ni Agaraw na isang kontraktor si Mariano.
01:55Ano po kaya ang motibo naman ng mga Diskaya? Why are they implicating it?
02:01Hindi ko po alam kung ano po ang motibo ng mag-asawang Diskaya.
02:05Wala po akong masabi kasi nga po, hindi po ako nakaupo doon sa sinasabi nilang panahon.
02:13Natural lang po, sa sarili ko po, ayaw ko pong palampasin ang kalapastanga ng ginawa ni Diskaya sa aking pagkataon.
02:20Ngayong buong linggo, tuloy-tuloy ang gagawin pagla-livestream ng ICI sa pagtestigo ng mga kongresista
02:27katulad na lamang ni House Majority Leader at Presidential San Congressman Sandro Marcos.
02:32Ipinapatawag din ng ICI si Davao First District Representative Paulo Duterte.
02:36Pinaimbestigahan naman ni Actishers Party District Representative Antonio Tino sa ICI
02:41ang listahan ng 80 proyekto sa distrito ni Duterte na nagkakahalaga ng 4.4 billion pesos
02:48mula 2016 hanggang 2022.
02:51Along the Davao and Matina Rivers.
02:54Doon sa 80, mahigit kumulang kalahati ay mga congressional insertions.
02:59Ibig sabihin wala sanep pero naipasok sa GAA.
03:04Hindi lamang mga flood control project ang mandato ng ICI na investigahan.
03:09Nag-high ng Land Transportation Office ng bulto-bultong dokumento
03:13kaugnay sa Central Command Center o C3 project na nagkakahalaga ng 946 million pesos
03:19pero ayon sa ahensya ay hindi nagkagamit.
03:22May mga dapat na kameras na dapat ilagay all over the Philippines.
03:27Wala po yung nangyaring yan.
03:29At saka hindi po siya, sa totoo lang, hindi po siya gumagana.
03:33Saka overpriced, may overpayment pa po ito na 26 million.
03:37Isa lamang yan sa tatlong proyekto ng SunWest sa LTO na pinunan ng Commission on Audit sa 2024 Annual Audit Report nito.
03:44Halos 2 bilyong piso ang halaga ng mga kontrata sa LTO ng SunWest.
03:49Kasosyo o kajoint venture ng SunWest ang tatlong iba pang kumpanya para sa C3 project contract
03:54na pinasok ni lahat ng LTO noong 2020.
03:58Batay sa audit report, sagot noon ng LTO sa COA,
04:00ibinigay ng supplier ang lahat ng requirement at wala o manong overpayment sa proyekto.
04:05Sa press conference, sinabi rin ng LTO na may iniimbestigan pa sila ang mga proyekto.
04:10Yun pong dalawa na tinatapos ko, which is yung infrastructure na dalawang building,
04:163-story each at 500 million, almost 1 billion yung dalawa.
04:21Overpriced po yun, 1,200 square meter floor area at 499,500,000 ang halaga.
04:31Roughly 400,000 per square meter, rough estimate.
04:34So, kitang-kita ko.
04:36Ito ang unang balita, Joseph Morong para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended