00:00Pag naraos ang protesta, kontra katiwilian ngayong araw ang ilang grupo sa gitna ng issue sa mga maanumalya o manong flood control projects ng gobyerno.
00:07Live mula sa EDSA Ortigas, may unang balita si Jomer Apresto.
00:12Jomer?
00:16Again, good morning. Narita ako sa bahagi ng EDSA Ortigas kung saan nakatakdao magkaroon ng kilos protesta.
00:22Mamayang alas 11 ng umaga ang ilang grupo.
00:24Ayon sa Bangon-Sambayanan Movement, layan ang kanilang protesta na ipanawagan kay Pangulong Bongbong Marcos at House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na magbiteo na sa kanilang pwesto.
00:34Base sa schedule, magkakaroon ng programa at noise barrage mula alas 11 ng umaga hanggang alauna ng hapon.
00:41Itutuloy yan pagdating ng alas 5 ng hapon kung saan inaasahan nilang mas marami raw ang lalahok sa programa.
00:46Bukod sa EDSA Ortigas, mayroon din mga grupo na magsasagawa ng kilos protesta sa harap naman ng Senado mamayang alas 9 ng umaga.
00:53Yan ay para ipanawagan ng solusyon sa problema sa mga flood control project ng gobyerno.
00:58Magkakaroon din ang kilos protesta sa UP Diliman pagsapit naman ng alas 10 ng umaga.
01:03Ayon sa National Capital Region Police Office o NCRPO, aabot sa 200 polis ang nakatakdang i-deploy sa EDSA Ortigas mamaya.
01:10Iginiit ng NCRPO na mahigpit nilang ipatutupad ang maximum tolerance para masiguro na ligtas ang publiko sa kabila na mga gagawing pagkilos mamaya.
01:19Igan, sa mga oras na ito, wala pa tayo nakikita mga grupo na naghahanda dito sa bahagi ng EDSA Ortigas,
01:27kaugtay ng kanilang gagawing kilos protesta.
01:29Pero mayroon na mga pulis na nakita tayo dito na i-deploy ng NCRPO.
01:34At sa ngayon, hindi pa naman mabigat ang daloy ng trapiko dito sa kahabaan ng lugar.
01:41Live mula dito sa EDSA Ortigas, ako po si Jomer Apresto para sa GMA Integrated News.
01:49Subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
Comments