Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Patay ang isang lalaki matapos paputokan umano gamit ang boga sa Mariveles, Bataan.
00:06Ayon sa polisya, nagpunta ang 44-anyons na biktima sa bahay na suspect para singilin ng 150-pisong utang pero nauwi ito sa pagtatalo.
00:16Dead on arrival sa ospital ang biktima at patuloy namang tinutugis ang suspect na nakatakas.
00:21Wagi ang ilang kapuso stars at personalities sa 41st PMPC Star Awards for Movies.
00:33Big winner si Dennis Trillo bilang Movie Actor of the Year para sa kanyang performance sa pelikulang Green Bones.
00:41Nakuha rin niya ang Male Star of the Night Award.
00:44Para pa rin sa Green Bones, kinilala naman bilang Movie Screenwriter of the Year si na National Artist for Film and Broadcast Arts Rikki Lee at GMA Public Affairs Senior Assistant Vice President Ange Atienza.
00:58Movie Editor of the Year naman ang editor nitong si Benjamin Tolentino.
01:03Panalo bilang New Movie Actor of the Year si Will Ashley para sa pagganap niya sa Balota.
01:08Itinanghal namang Takilya King and Queen sa na Alden Richards at Catherine Bernardo na bumida sa highest-brossing Filipino film of all time na Hello Love Again.
01:20Mga kapuso, 24 na araw na lang, Pasko na, at binigyan pagkilala ang mga nagwaging Belen sa ikalabing walong Belenismo sa Tarlac.
01:30Kanya-kanyang gimmick naman ang mga Christmas displays sa iba pang bahagi ng bansa.
01:35Ating saksihan.
01:38Katatagan at pagkakaisa ang mga tema ng Christmas lighting sa Talavera, Nueva Ecija.
01:46Nagningning ang Christmas tunnel kung saan ang pailaw, disennyong palay.
01:51Pagpupugay yan sa mga magsasaka at sa kanila mga sakripisyo at tagumpay.
01:56Bukod sa pailaw, may night market at food bazaar.
02:01Carnival naman ang tema ng Christmas displays sa manawag Pangasinan.
02:06Bukod sa giant Christmas tree, nagningning din ang Belen at buong plaza.
02:13Payapang daigdig ang tema ng Christmas lighting sa Mangaldan, Pangasinan.
02:17Buhay na buhay ang munisipyo na may malaki ring Belen.
02:20Nagningning ang bayan ng Bani sa Pangasinandal sa kanila mga pailaw.
02:26Ibinida ang Christmas tree na gawa sa kawayat.
02:30May bersyong mas maliit din na pinalamutian ng parol.
02:34Tampok din sa disenyo ang produkto nilang pakwat.
02:37Sa tarlak, ipinagdiwang ang pagkilala sa makukulay ng mga Belen sa ikalabing walong Belenismo.
02:45Dalawamput siyam na makukulay at nagningning na Belen ang pinarangalan sa iba't ibang kategorya.
02:52Bida ang pang world class na talento na ipinamalas ng mga tarlakenyo.
02:58Ramdam na rin ang paghahanda sa Pasko sa ibang panig ng mundo.
03:02Katulad sa Rio de Janeiro sa Brazil, kunsaan pinailawa ng isang higanting Christmas tree sa gitna ng dagat.
03:12Sintaas ito ng tatlongpung palapag na gusali.
03:16May kit dalawang milyong ilaw ang ginamit.
03:19Sinundan pa ng pagpapailaw ng makulay na fireworks display.
03:25Sa Austria, isang dream come true para sa isang pamilya ang Christmas Wonderland
03:30na naitayo nila sa kanilang lupain na pinailawa ng halos isang milyong Christmas lights at 250 palamuti.
03:41Gingerbread City naman ang nagpatami sa paghihintay ng Pasko sa London.
03:46Dinesenyo ng mga arkitekto ang nasa limampung gingerbread buildings,
03:50kunsaan ibinida ang ilang kilalang pasyalan katulad ng Big Ben.
03:56Meron ding gingerbread house competition sa Sweden.
03:59Halaw ang ibang disenyo sa Titanic at sa tanyag na museyong The Louvre.
04:05Para sa GMA Integrated News, ako si Sandra Aguinaldo.
04:10Ang inyong saksi!
04:17Engaged na si sparkle star Thea Tolentino sa kanyang non-showbiz boyfriend.
04:21Ibinahagi niya ang panibagong chapter na ito sa kanyang buhay sa isang Instagram post.
04:27Nangyari po ang engagement noong November 25.
04:30Nagpasalamat naman si Thea sa mga natanggap na pagbati.
04:33Sa isang post din sa Instagram, nagpakita si Carla Abeliana ng larawan na may suot na singsing habang may kahawak kamay.
04:44May caption ito na Bible verse tungkol sa plano ng Panginoon para sa bawat tao.
04:49Ang tanong ng mga netizen, engaged na nga ba siya?
04:53Hindi man ibinitali ni Carla kung anong ibig sabihin ng kanyang post.
04:56Bumuhos naman ang pagbati ng kanyang mga kaibigan at mga fans.
05:02Mga kapuso, salamat po sa inyong pagsaksi.
05:05Ako po si Pia Arcangel para sa mas malaki misyon at sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
05:11Mula po sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Filipino.
05:16Hanggang bukas, sama-sama po tayong magiging saksi!
05:26Mga kapuso, maging una sa saksi!
05:45Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Be the first to comment