Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00The rest of the operation of the operation during the operation of North Sagaraib, Bulacan.
00:09Two of them burned the incident, but one of them is the BINATILIO.
00:13Saksi, Marie Zumali.
00:18Nagkalat ang mga yero at iba pang gamit.
00:21May nasirang mga bahay at may mga buhay na nawala.
00:24Bago magtanghali kanina nang magkaroon ang pagsasabog sa pagawaan ng paputok sa parangay partida sa North Zagaray, Bulacan.
00:31Malawak ang iniwan itong pinsala pero ang mas masaklap, dalawang nasawi.
00:36Isa sa kanilang 15 anos na si Ivan Bation.
00:54Doble dago kito para sa pamilya na pinaglalamayan pa ang mas batang kapatid ni Ivan.
01:03Tatlong araw pa lang ang nakalilipas matapos siya masawi dahil naman sa sakit.
01:07Nasabugan pati ang kabaong ng kapatid.
01:12Patay rin ang isang trabahador ng pagawaan.
01:15Limang nasugatan kabilang si Jennifer na nagtamo ng hiwa sa braso at sa likuran.
01:19Tumalusik na lang po yung mga yero sa bahay hanggang sa natamaan na po kami ng yero.
01:24Saan naman tulungan po kami? Kasi may patay kami.
01:27Nagsabay-sabay. Wala naman din kami pera.
01:29Sugatan din at nasa ospital ang kaanak niyang tinamaan ng yero habang nagsasampay.
01:33Yung pong bakanteng lote na makikita ninyo sa aking likuran ay ang mismo raw pinagmulan ng pagsabog ng pagawaan ng mga paputok.
01:41Kung makikita po natin, bakante na po siya.
01:43Pero ayon sa mga residente rito, ay puno raw po yan ng mga tahanan.
01:48Ibig sabihin, sa tindi ng pagsabog, talagang nasira, nawasak yung lahat ng mga tahanan na nakatayo po dyan.
01:57Katunayan, may mga natira pa po rito na mga yero na mga tumilapon mula po dun sa mga nasirang mga tahanan.
02:05At kabilang din po sa tindi ng pagsabog, ay umabot pa doon sa taas ng punong yan, yung isa sa mga yero mula dun sa nasirang tahanan.
02:18Ito pong lugar na ito kung saan naruroon yung pagawaan ng paputok ay nasa gitna lamang po ng residential area na mahigpit pong ipinagbabawal.
02:28Napaka-delikado po talaga. Pwede po siyang magdulot ng injury, yun pong pressure ng pagsabog, pwede pong sa tao,
02:39tsaka kahit po sa mga physical structure ng buildings, pwede po niyang agibain po yung structure natin.
02:47Ilang beses na raw kinausap ng mga residente ang pagawaan pero…
02:51Hindi naman kami pinakikinggan. Ilayo-layo sana. Inilayo naman ang bagya, kaya lang hindi naman kalayuan dyan, kalapit-lapit din.
02:59Base sa Republic Act No. 7183, dapat nasa 300 metro ang layo ng pagawaan ng paputok sa residential area.
03:07Lahat ng gusali ay dapat may sapat na ventilation, kailangan leak-proof at dapat may mga fire extinguisher.
03:13Kailangan din may kaukulang permit. Pero ang sumabog na pagawaan, wala raw permit ayon sa BFP Norsegaray.
03:20At ang tinitignang mitsa na pagsabog.
03:22Mga pulbura o posibleng mga stock na paputok. Base po dun sa aming pag-validate sa mga permit, wala po silang permit.
03:32Ayon sa Norsegaray MDRRMO, posibleng umabot hanggang 45 bahay ang nasabugan.
03:38Hinahanap pa ang mayari ng paggawaan ng paputok na posibleng maharap sa patong-patong na reklamo.
03:43Pwede po siya sa multiple homicide po kasi dalawa po yung namatay. So may kulong po yun.
03:50And then multiple injuries din po. So meron din pong kulong yun. At saka damage to properties.
03:57Para sa GMA Integrated News, ako si Mariz Umaliang Inyo, Saksi.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended