Skip to playerSkip to main content
  • 2 days ago
Dating Rep. Zaldy Co, posibleng nasa Portugal dahil matagal na itong may Portuguese passport, ayon sa DILG | ulat ni Patrick de Jesus

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nagpapatuloy ang paghanap sa iba pang-akusado sa flood control anomalies sa Oriental Mindoro.
00:05Base sa informasyon ng Department of the Interior and Local Government,
00:09nasa Europa si dating Congressman Zaldico.
00:12Iyan ang ulat ni Patrick de Jesus.
00:16Pinaniwala ang nagtatago ngayon sa Portugal si dating Congressman Zaldico.
00:21Ayon kay DILG Secretary John Vic Remulia, matagal nang may Portuguese passport si Co.
00:27Nakiusap kami sa lahat ng mga Pilipino sa buong mundo na kung makita nalang si Zaldico,
00:32kung pwede nalang picturan, padala ka agad, ipost ka agad sa internet para may idea tayo kung nasaan siya.
00:38Isa si Co sa mga may warrant of arrest,
00:40kaugnay ng kaso sa umano'y korupsyon sa flood control project sa Oriental Mindoro.
00:46It is a whole-of-government approach to get Zaldico.
00:48To what those measures are, I cannot speak of yet, but I think when it comes to repatriation, DFA should be deline.
00:54Kabilang si Co sa apat na akusadong nasa labas ng Pilipinas,
00:58pati na ang isang dating DPWH official na huling na-track sa Israel ayon sa PNPC-IDG.
01:06Nagpapatuloy naman ang manhunt operation sa tatlong opisyal ng San West Incorporated na nasa loob ng bansa.
01:13Noong biyernes nang tinangkang isilbi ang warrant of arrest laban sa kanila sa isang hotel sa Pasay City.
01:19Ngunit hindi sila natagpuan. Dalawa sa mga ito ay nagpahayag na ng intensyon na sumuko sa pamagitan ng kanilang kaanak.
01:28Although nakita natin na mataas ang posisyon nila sa company yun, but dami lang po yun.
01:36So basically, they do not have the money and capacity to pay for a lawyer ng sarili nila.
01:45May backchannel po na ano sa amin. And siyempre, wala po silang personal na abogado and apparently parang napabayaan.
01:54So they're takot also. We're trying.
01:57Siyam sa mga akusado ay una nang naaresto at nakahanda ang Philippine National Police na huliin ang iba pang sangkot sa flood control corruption
02:07mula sa ilalabas ng mga karagdagang warrant of arrest.
02:11With or without the protest rally, ang inyong pamahalaan, ang gobyerno, ang ating presidente at lahat ng law enforcement agencies
02:23ay gagawa ng paraan to ensure that there will be transparency and accountability lalong-lalo na dito sa flood control project.
02:33Sa gitna ng sunod-sunod na protesta kontra katiwalian, iginiit ng palasyo ang patuloy na pagtutok ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
02:43sa gumugulong na investigasyon habang tiniyak ng DILG na may mas malalaking personalidad ang pananagutin.
02:50Pagpunta na tayo doon sa Pating at Baliana, doon na tayo papunta. Malapit na yan, bigyan natin ng ombudsman ng karapatapat oras.
03:03Nakikiisa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga panawagang panagutin ang mga may sala sa mga iniimbestigahang irregularidad sa loob ng pamahalaan.
03:14Umabot naman sa halos 56,000 ang lumahok sa nasa 80 aktividad sa iba't ibang panig ng bansa kahapon kaugnay ng protesta kontra korupsyon.
03:25Ayon sa PNP, pangkalahatang naging mapayapa ang sitwasyon at walang naiulat na karahasan.
03:31Bukod sa deployment ng mga polis at iba pang kinaukulang ahensya ng gobyerno, kinilala rin ng PNP ang kooperasyon ng mga raliyista.
03:40Patrick De Jesus para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended