Skip to playerSkip to main content
Nasa 30 luxury vehicle ang hinuli at in-impound ng Land Transportation Office dahil paso na o wala umanong rehistro.


May ilan ding walang lisensya ang nagmamaneho.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nasa 30 luxury vehicles ang inuli at in-impound ng Land Transportation Office dahil paso na o wala uminong rehistro.
00:07May ilan ding walang lisensya ang nagmamaneho.
00:11Nakatutok si Dano Tingkungko.
00:16Mula biyernes hanggang kahapon, hindi na bababa sa 30 luxury vehicles ang in-impound ng Land Transportation Office.
00:24Lahat ng ito, ayon sa LTO, wala o paso na ang rehistro.
00:28Tatlo sa bawat sampu naman ang nahulihan ng walang lisensya ang nagmamaneho.
00:33Magtataka kayo, ang mahal-mahal na sasakyan, walang rehistro.
00:38Pangalawa, walang driver's license ang karamihan.
00:42Kaya po talagang in-impound.
00:45Dahil impoundable offense ang pagmamaneho ng sasakyan paso ang rehistro,
00:50walang ibang sunod na hakbang ang mga may-ari ng mga sasakyan kundi ayusin sa LTO
00:55ang mga papeles ng kanila mga sasakyan bago mabawi ito.
00:58Wala namang sasakyan pag-aari ng politiko o celebrity sa mga hinuli nitong weekend.
01:03Puro pribadong individual ito, kabilang ang isang minamaneho ng isang Chinese at isang dala ng isang Estonian.
01:10Tatlo naman sa mga nahuli ang isinasa ilalim sa mas masusim verifikasyon para malaman kung smuggled o hindi.
01:16Lahat po ito unregistered at karamihan po dito wala po silang daladalang kopya ng papel nila ng sasakyan.
01:24May gadget kami, computer kami dala so alam namin ho eh.
01:29Pala isipan daw sa LTO ang dami ng mga nahuhuling luxury vehicle na wala o paso na ang rehistro.
01:35Nilinaw din ang LTO na wala silang espesyal na operasyon laban sa mga luxury vehicle.
01:40Bahagi lang anila ito ng regular nilang operasyon.
01:43Pero hindi maikakailang kumpara ngayon maraming enforcer ang ilang sa mga mamahaling sasakyan
01:49dahil sa posibilidad na makasita ng politiko.
01:52Dati, hindi ekstriktong nai-enforce yung batas.
01:57Takot sila na tanungin kasi minsan mga, siyempre may mga kilalang tao.
02:05Iba yung pag maparamol luxury vehicle, minsan politiko o minsan mataasang katungkulan sa gobyerno.
02:12Nai-intimidate lahat. Kaya sinimulan ko yung paghuli eh.
02:16Para mabawi ng mga may-ari ang kanila mga sasakyan, kailangan nilang ayusin ang rehistro
02:21at bayaran muna mga karampatang multa sa LTO na 10,000 piso pataas.
02:26Kailangan nung patunayan nila yung ownership nila doon sa sasakyan.
02:29Titignan po natin yung legalidad.
02:31Na paano, kasi kung wala kang proof of ownership eh, ba't namin bibigay yung kotse sa'yo?
02:37Kung hindi mapatunayan ng magpapakilalang may-ari na kanila ang sasakyan,
02:41hahanapin ng LTO ang may-ari sa loob ng nakatakdang panahon.
02:45Kung lumagpas sa deadline, ay posibleng ipasubasta ang sasakyan.
02:48Para sa GMA Integrated News, daan natin kung ko nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended