00:00Pwede nang iplano ang lakad sa susunod na taon dahil inilabas na ng palasyo ang listahan ng holidays para sa 2026.
00:09Sampung regular holiday ang nakakalendaryo na sa susunod na taon.
00:15Tig-apat ang special non-working holiday at additional special non-working days.
00:23Habang special working day naman ang EDSA People Power Revolution Anniversary sa February 25.
00:30May dalawa pang ibang holiday na ikakalendaryo pa lang ang Edil Fitir at Edil Adha na base sa Islamic Calendar.
00:38Ire-recommenda ang petsa ng mga yan ng National Commission on Muslim Filipinos sa Office of the President.
Comments