-ICI, ila-livestream ang mga pagdinig simula ngayong Linggo kung payag ang resource person
-Senate Pres. Sotto: Walang importanteng dokumento ang napinsala sa sunog sa Senate Building
-PNP: 90,000, lumahok sa iba't ibang kilos protesta kontra-katiwalian nitong November 30
-PAGASA: 1 o 2 bagyo, posibleng mabuo o pumasok sa PAR ngayong Disyembre
-Ilang kalsada, nalubog sa baha dahil sa mga pag-ulang dulot ng Shear Line
-Delivery van, 2 tricycle at motorsiklo, nagbanggaan sa Brgy. Sta. Cecilia; 4, sugatan
-Binatilyo, patay matapos magulungan ng truck; driver, tumakas
-Oil price rollback, ipatutupad bukas
-Motorsiklo, sumemplang habang lumalayo sa traffic enforcer; rider, natakot daw masita dahil walang helmet at lisensya
-3 bahay, nasunog sa Brgy. Commonwealth; residene, nagtamo ng mga paso matapos subukang apulahin ang apoy
-LTO: E-trike at E-bike ban sa mga pangunahing kalsada, iniurong sa January 2, 2026; Malawakang information drive, isasagawa simula ngayong araw
-Malacañang sa mga ahensya ng gobyernong nag-iimbestiga sa flood control issue: Huwag magpatumpik-tumpik
-Homecoming Parade ni Miss Universe 2025 3rd Runner Up Ahtisa Manalo, bukas na
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00In the end of the week, we are going to live stream on the independent commission for infrastructure.
00:13But the four congressmen are going to call on the executive session.
00:18We are going to live stream on Joseph Moro.
00:20Pagkatapos ng isang buwan, matapos unang i-anunsyo na ilal live stream mga pagdinig ng independent commission for infrastructure o ICI.
00:32Mangyayari na daw ito sa kanilang social media page ngayong linggo ayon sa ICI.
00:37We've set up the system, we've done our testing already and it's going to be available in YouTube.
00:45Pero hindi malinaw kung ano nga ba ang talagang mapapanood ng publiko dahil ang lahat ng apat na kongresistang ipinatawag ng ICI ngayong linggo, humingi ng executive session.
00:56Sabi ng ICI pagbibigyan nila ang hiling na executive session kung ang idadahilan ay pasok sa kanilang guidelines.
01:02Gusto namin ibalanse yung karapatan ng tao, taong bayan on information at the same time the individual rights of our resource persons.
01:14At kung sino man yung kanilang mamimension o madadawid sa kanilang testimony.
01:20So we were very careful about that.
01:23Basis sa panuntunan ng Korte Suprema, ilan sa mga maaaring hindi isa publiko na mga impormasyon ay mga may kinalaman sa National Defense or Security
01:33kung mailalagay sa alanganin ng siguridad ng isang individual, mga privileged information o posible itong lumabag sa right to privacy.
01:41Joseph Morong nagbabalita para sa GMA Integrated News.
01:47Piniyak ni Senate President Tito Soto na walang mahalagang dokumento ang napinsala sa sunog sa Senate Building sa Pasay kahapon.
01:54Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection ng Sanhinang Apoy na sumiklab sa ikatlong palapag ng Senado.
02:00Sabi ni Senate Secretary Renato Bantuga Jr., ipinaurong din ni Soto sa 1pm ang sasyon sa plenario sa Senado bukas mula sa orihinal na 10am.
02:09Ito'y para bigyan daan ng paglilinis at pag-iinspeksyon kung ligtas gamitin ang mga pasilidad sa Senate Building.
02:16Naka-alternative work setup din ang karamihan sa Senate staff ngayong araw kasunod ng sunog.
02:20Bulog na yan, mga korakotin! Bulog na yan, mga korakotin! Bulog na yan, mga korakotin!
02:28Bulog na yan, mga korakotin!
02:30Siyamnapung libo ang lumahok sa mga protesta kontra katiwalian sa iba't ibang bahagi ng bansa, ayon sa Philippine National Police.
02:38Sa Rally sa Luneta, may mga sinita dahil may takip sa mukha na bawal po sa lungsod ng Maynila.
02:45Balitang hati ed ni Jonathan Andan.
02:49At nakamaskara kayo, alam niyo naman bawal na dito sa Maynila.
02:54Sinita ng mga pulis ang grupong ito sa Calao Avenue sa Maynila dahil nakabalak lava o takip sa mukha.
03:01Nakamas kayo eh, may gasmas pa kayo.
03:03Bawal yan, sabi ng mga pulis.
03:06May bagong ordinansa sa Maynila na nagbabawal sa pagsusot ng balak lava o mga takip sa mukha,
03:11habang nasa pampublikong lugar para iwas krimen.
03:14Nasita rin ang suot nilang helmet at bulletproof vest na may nakasulat na press.
03:19Dinala sa Ermita Police Station ang tatlong lalaki na nagpakilalang independent media
03:23at miyembro ng grupong Kilosang September 21 o KS21.
03:28Depensa nila, hindi nila alam ang bagong ordinansa sa Maynila at wala silang masamang balak.
03:33May suspicion mata po sila na, yun nga dahil porque may gear po kami, na protective gear,
03:38baka may binabalak to po kaming masama po.
03:41Nagjo-journalist lang po lang ang mga tatlong kaibigan ko po.
03:44Tapos yun nga po, ayaw po rin nilang maniwala, gusto daw po talaga nilang i-verify.
03:48Ang reasoning lang namin, yun nga, protection lang.
03:51Kasi last time, ang daming kaguluhan sa ang daming na injury.
03:54Sa Luneta, may mga grupo rin sinita dahil may takip ang mukha pero hindi naman sila dinampot.
04:00Kaya tanong ng tatlong dinampot, bakit sila dinala sa presinto gayong tinanggal naman nila kaagad ang balak-laban ng masita?
04:15Kasi natin malaman kung talaga ang totoong member sila ng press.
04:20According din naman doon sa mga kaibigan nating media, bihira tayo makakita ng mga ganun na nakasuot.
04:25Lalo na sila, tatlo pa sila, tapos lahat nakakover yung mukha nila.
04:29In conclusion, nasupress lang po yung freedom of speech namin as media.
04:32Pinakawala ng tatlo matapos ang nasa dalawang oras na investigasyon at medical examination.
04:38Sabi ng MPD, hindi lang mga nakamotorsiklo kundi lahat.
04:41Sakop ng ordinansa sa Maynila na nagbabawal sa balak-laba o anumang takip sa muka sa pampublikong lugar kabilang ang kalsada.
04:49Jonathan Nandal, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
04:52Isa o dalawang bagyo ang posibli pang mabuo o pumasok sa Philippine Area of Responsibility bago matapos ang 2025 ayon sa pag-asa.
05:06Ngayong Disyembre, mataas ang chance na mag-landfall ng posibling bagyo.
05:10Maaari yung tumama sa Aurora, Bicol Region, Eastern Visayas o kaya sa Caraga Region.
05:16May namataan ngayong cloud cluster o kumpol ng mga ulap sa Pacific Ocean.
05:20May chance na itong maging low pressure area at pumasok ng PAR sa mga susunod na araw.
05:26Kaya manatiling tumutok sa mga weather update.
05:29Intertropical Convergence Zone ang magpapaulan ng husto sa Eastern Visayas at buong Mindanao ngayong lunes ayon sa pag-asa.
05:36Easter list naman dito sa Metro Manila at malaking bahagi ng Luzon.
05:40Habang ahanging-amihan ang nakaapekto sa Batanes.
05:44Nakataas ngayon ang thunderstorm watch dito sa Metro Manila,
05:47Bulacan, Rizal, Laguna at sa Cavite.
05:53Pusibling bigla ang ulan na may pagkulog, pagkiblat hanggang alas 10 mamayang gabi.
05:57Ito ang GMA Regional TV News.
06:05May init na balita sa Visayas at Mindanao, hatid ng GMA Regional TV.
06:10Walang bagyo pero ilang araw nang inuulan ang ilang bahagi po ng Cagayan.
06:15Chris, ano ang sanhidaw ng masamang panahon dyan?
06:17Connie Shearline ang nagpaulan sa ilang bahagi ng Cagayan.
06:24Sa Tuguegarao, nalubog sa Baha ang ilang kalsada gaya sa Central Riverside.
06:29Napilitang lumusong ang ilang residente nitong mga nagdaang araw.
06:33Ngayong lunes, bahagyan ang humupa ang tubig pero hindi pa rin ito madaanan ng mga sasakyan.
06:38Magsasagawa pa raw kasi ng clearing operations ang mga otoridad sa naiwang putik at basura.
06:44Nagkarambola naman ang apat na sasakyan sa barangay Santa Cecilia sa Taggawayan, Quezon.
06:51Sa investigasyon ng pulisya, patungo Bicol ang delivery van na may mga kargang bote ng tubig at alak.
06:57Sumalubong ito sa kabilang linya sa pababa at pakurbang bahagi ng Quirino Highway
07:02at nasalpok ang dalawang tricycle at isang motorsiklo.
07:06Isinugod sa ospital ang sugatang rider, mga driver ng tricycle at isang pasahero.
07:11Ayon sa pulisya, nasangkot din sa aksidente sa Atimonan ang nasabing delivery van nitong biyernes.
07:18Patuloy ang investigasyon. Wala pang pahayag ang truck driver.
07:25Patay ang isang binatilyo matapos magulungan ng truck sa Tondo, Maynila.
07:29Ang driver ng truck, tumakas.
07:32Balitang hatin ni Bea Pinla.
07:33Paalis na ang truck na yan sa gasolinahan sa Tondo, Maynila nitong Sabado ng madaling araw.
07:40Sandali pa itong tumigil sa gilid ng kalsada bago nagdirediretsyo ng takbo.
07:45Hindi malinaw sa kuha ng CCTV.
07:48Pero naggulungan na pala ng truck ang 16-anyos na lalaking kinilalang si Jomar ayon sa barangay.
07:54Nakatambay rao noon si Jomar sa gasolinahan kasama ang mga kaibigan niya.
07:58Kumatok daw si Jomar sa bintana ng truck.
08:01Pagdating nga noon na ayon na rin sa kwento, kumakatok daw yung bata.
08:06O doon din naman siya sumampa, kumatok lang siya.
08:08Nung pag abanti na ng truck, nasagi yung bata, din natumba na hilo.
08:13Nung natumba na yung bata, so medyo mapaikot siya.
08:16Ano yung kanyang paa?
08:18Yun na nga, nasagasaan na nga.
08:20Abate, tapos atras ganyan, sabay takbo po.
08:24Hindi rin nila nahabol yung sasakyan.
08:28Kasi ang bilis nga daw po ng takbo, tumakas yung driver.
08:33Naabutan ng nanay ng biktima ang anak na nakahandusay, duguan at wala ng buhay.
08:39Hindi ko po siya matitigan po ng gusto kasi napakasakit po sa akin yun, nibilang ina ko.
08:44Hindi ko po siya mayakap.
08:45Masakit po sa akin para po dunoduro yung puso ko na nakikita ko yung anak kung gano'ng ginawang, akala mo, hayo.
08:52Mas lalong masakit daw ang nangyari ngayong magpapasko pa naman.
08:56Po sana nalang iniling ko na matulungan po kami.
08:59Makonsensya naman po siya na sunguko na lang siya para ano.
09:04Kasi ginawa niyang hayop yung anak ko eh.
09:07Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang pagkakakilanla ng driver ng truck na tumakas matapos ang insidente.
09:13Bea Pinlock, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
09:17Preno muna ang taas presyo sa diesel at kerosene.
09:25Matapos kasi ang ilang linggong price hike ay may big time rollback.
09:30Base po sa anunsyo ng Shell, Sea Oil, Clean Fuel at Petrogaz.
09:352 pesos and 90 centavos ang bawas presyo sa kada litro ng diesel.
09:39Taas presyo naman po na 20 centavos para sa gasolina.
09:42Big time din ang rollback ng Shell at Sea Oil sa kerosene.
09:463 pesos and 20 centavos ang ibababa ng presyo niyan.
09:51Simula bukas din natin ang mahigit 46 pesos hanggang halos 69 pesos ang presyo ng kada litro ng diesel sa Metro Manila.
09:59Mahigit 50 pesos naman hanggang halos 74 pesos sa gasolina.
10:04Habang mahigit 73 pesos hanggang mahigit 94 pesos ang kerosene.
10:09Kuha sa CCTV ang pagdaan ng isang motorsiklo sa Arellano Street sa Dagupan, Pangasinan.
10:19Nang bigla itong magmaniobra.
10:21Nagtuloy-tuloy po umandar ang motorsiklo at sa isa pang angulo ng CCTV, sumemplang ang motor.
10:28Matapos niyan ay tumakbo palayo ang babae at batang sakay ng motor.
10:32Habang kumaripas naman ang rider.
10:35Sumuko kalauna ng rider sa Dagupan City Police Office.
10:38Paliwanag niya, tumakbo sila palayo sa kanakitan niyang traffic enforcer at polis sa takot na masitang walang helmet at wala pang lisensya.
10:48Pinagsabihan na ang rider ng mga otoridad tungkol sa naturang insidente.
10:52Pinagbabawal po ang pagmamaneho ng walang lisensya at walang helmet kapag nakasakay sa motorsiklo.
10:59Bawal din pong tatlo ang sakay ng motor.
11:01Sunog ang gumulat sa ilang residente sa barangay Commonwealth, Quezon City sa gitna ng selebrasyon nila roon ng pista.
11:11Tatlong bahay ang natupok.
11:14Balitang hatid ni James Agustin.
11:16Nabulabog ang pagdiriwang ng fiesta ng mga residente ng Odigal Street sa barangay Commonwealth, Quezon City.
11:24Matapos sumiklab ang sunog pasado na sumebe kagabi.
11:27Mabilis na kumalat ang apoy sa ilang bahay.
11:30Itinasang viewer fire protection ang unang alarma.
11:33Nasa labing walong fire truck nilang rumisponde.
11:35Dagdag ang labing tatlong fire volunteer group.
11:38Ang isang residente nagtamo ng mga paso sa braso, likod at muka.
11:42Matapos subukang apulahin ng apoy pero hindi niya kinaya.
11:46Dumaan siya sa bubong para makalabas mula sa nasusunog na bahay.
11:49Sa baba po kami, gumagawa po ako ng TV sa babae.
11:52Ngayon may sumigaw, umakit po ako.
11:53So pagkakit ko, medyo malaki na yung apoy.
11:56Siguro, hindi ko siguro na baka kayo kong apoy.
12:01Abang itong mga tagal, lalo kasi mahangin po eh.
12:03Medyo lumalakas po yung apoy.
12:06Mayroon mga kapit-bahay na tumulong na bigay sa akin ng mga tubig balde.
12:10Tapos kaya lang hindi ko napakaya yung init.
12:13Si Amor naman, ilang mahalagang dokumento lang nadala.
12:16Wala silang naisalbang mga gamit at damit.
12:18Laking pa sa salamat niyang nakaligtas sila ng kanyang limang taong gulang na anak na babae.
12:22Nagulat lang po kami na kinakatok na kami sa bahay, na malaki po yung apoy, nasunog.
12:28Buminis po kami, tumakbo kasi binuhat ko po yung anak ko.
12:31Nanginginig po po kami hanggang ngayon sa takot, panaiiyak po yung anak ko.
12:34Napulang sunog matapos ng halos isang oras.
12:37Ayon sa BFP, tatong bahay ang nasunog.
12:39Iniimsigan pa nila ang sanhinang apoy na nagsimula sa ikapat na palapag ng isang bahay.
12:44Ayon naman sa mga taga-barangay, umabot sa anim na pamilya ang naapektuhan ng sunog.
12:47Yung mga pamilya, if they are willing na pumunta sa mga evacuation area namin o malapit na covert court dito,
12:54doon sila muna.
12:55And yung mga pagkain naman, yung barangay naman nakaanda pagdating sa ganyan,
12:59pwede namin silang bigyan ng pagkain hanggang sa maging okay yung kanilang bahay na pwede na silang bumalik.
13:04James Agustin, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
13:10Ipinagpaliban muna ng Land Transportation Office ang pagpapatupad ng e-bike at e-track van sa mga pangunahing kalsada ngayong araw.
13:17Ayon kay LTO Chief at Assistant Secretary Marcos Lacanilau, iniurong ang implementasyon niyan sa January 2, 2026.
13:25Maglalabas daw muna kasi sila ng updated guidelines sa tama at wastong paggamit ng light electric vehicles.
13:31Gayun din ng mga lugar kung saan lang pwede itong dumaan.
13:34Kaugnay niyan, simula na ngayong araw, December 1, ang pagpapakalat sa mga tauhan ng LTO para sa malawakang information drive.
13:41Paglilinaw ng LTO, hindi bawal ang paggamit sa mga e-bike at e-trike.
13:46Bawal lang itong ibiyahe sa national roads o highways para matiyak ang kaligtasan ng lahat sa kalsada.
13:52Alam daw ng Malacanang na marami nang naiinip sa mabagal umanong usad ng imbestigasyon sa flood control issue.
14:06Kaya panawagan ng palasyo sa mga ahensyang nag-iimbestiga, huwag nang patumpik-tumpik pa.
14:12Balitang hatid ni Dano Tingcunco.
14:13Bago magpasko, marami dito sa napangalanan dito ay palagay ko nasa matatapos na yung kaso nila, buo na yung kaso.
14:28Makukulong na sila, wala silang Merry Christmas.
14:31Kasunod ng pangako ni Pangulong Bongbong Marcos na may makukulong ng sangkot sa kinurakot na flood control projects bago magpasko.
14:38Umapila ngayon ang Malacanang sa mga kinuukulang ahensya na huwag magpatumpik-tumpik.
14:43Dapat mabilis ang pag-aksyon.
14:46Kung kaya naman agad isampahan ng kaso at nandyan ang ebidensya, huwag naman patumpik-tumpik sa pahan ng kaso.
14:52May call sa lahat ng ahensya na involved dito, kumilos kayong lahat.
14:58Nasa Malacanang daw ang Pangulo at nakamonitor sa mga kilos protesta.
15:02Nakikinig daw ang Pangulo sa mga panawagan pati sa mga punang mabagalumanong ang usad ng imbestigasyon sa mga anomalya.
15:09Giit ni Castro, kailangan maunawaan ng publiko na may due process.
15:13Meron kasing pagkakataon na kailangan ka pa na ebidensya.
15:18Okay, kumpletohin yan.
15:20Yung mga nasampahan na kaso, it means sa mata ng ombudsman, kumpleto na to.
15:26Kaya isinampan na to.
15:28Tugo naman ang Justice Department sa mga nagahanap ng malalaking individual na makulong at managot sa flood control skandal.
15:35Kami man din po ay naiinip din, pero hindi po natin pwedeng madaliin ang isang bagay dahil lamang po sa gusto nating ma-appease ang publiko.
15:45Kung ang habol po natin ay kasong matitibay, natatagal at tatayu sa husgado.
15:50Sa ngayon may limang reklamo kaugnay sa flood control skandal ang iniimbisigahan ng DOJ.
15:55Tatlo sa mga ito submitted for resolution na.
15:58Dan at Ingkongkong, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
16:06Happy Monday mga mare at pare!
16:09The long wait is over dahil bukas na ang homecoming parade ni Miss Universe 2025 3rd runner-up at Tisa Manalo.
16:19Kinumpirmaya ng Miss Universe Philippines sa kanilang social media post.
16:23Ang oras at ruta ng parada, iaanunsyo nila soon.
16:27Si Atisa nag-comment ng See you all, Atis Tahins!
Be the first to comment