00:00Mga kapuso, nagbabarik po tayo dito sa Laloma, Quezon City,
00:04ang Lechon Capital of the Philippines,
00:06na kahapon lamang po ay diniklara ng Quezon City Government na ASF-free na.
00:1114 po yung naunang ipinatawan ng temporary closure order ng Quezon City Government.
00:18Pero yan po, dahil ASF-free na, may ilan, hindi pa lahat, nilift na itong closure order.
00:25Ito pong ating kinatatayon ngayon, isa yan sa mga nabigyan na o na-lift na yung kanilang closure order.
00:32Pero tulad ng nakikita natin, eh hindi pa ho nagpapatuloy ang kanilang operasyon
00:37at tahinig pa ang kanilang mga lechonan.
00:40Ang tanong ngayon na mga lechonero, lalo na yung mga hindi pa rin nawawala yung kanilang nalilift,
00:45ang kanilang closure order, kailan kaya sila muling makakapag-operate?
00:49At para sa kutin yan, mga kausap po natin ngayong umaga,
00:52si Ms. Margie Mejia, ang head ng Quezon City Business Permits and Licensing Department.
00:58Ma'am Margie, magandang umaga po. Welcome sa Unang Balita.
01:01Magandang umaga po sa inyo and thank you for having me this morning.
01:05Yes ma'am, ang tanong po ng mga lechonero dito, kailan ho kaya makakapagbalik operasyon
01:14yung mga mayroong mga temporary closure order?
01:17Kasi since diniklaran na natin ASF free, kailan ho kaya sila makakapagbalik operasyon?
01:23Sir, sa ngayon po, yung apat po, apat na po yung nabigyan natin ng lifting order
01:29nung kanilang temporary closure dahil po, unang-una po, na-declare na po na ASF free ang LALOMA.
01:37Pangalawa po, yung apat na po na yun ay nakapag-comply na po sa mga sanitary standards and requirements
01:43ng ating Quezon City Health Department.
01:45At gayon din po, nakapag-comply na rin po sila sa mga documentary requirements ng City Veterinary Department.
01:52Direcommendan na po sila na-lift yung kanilang closure orders.
01:55The others naman, patuloy po yung aming pag-guide at sa kanila, pagtulong
02:02para ma-meet nila yung mga kinakailangan para ma-lift na po, ma-issue na po sila ng lifting order.
02:11So, ano po, hopefully po...
02:13So, ibig sabihin, nasa kanila po, the sooner they comply...
02:17The sooner they can be opened. Yes, tama po yun.
02:25Okay. O para naman po sa mga mamimili, ma'am,
02:30paano kayaan nila masisiguro na yung binibilihan nila ay talagang pasado sa standards ng Quezon City Government?
02:37Pero mire, number one po, dapat may business permit po mula sa Quezon City Government.
02:43And pangalawa po, dapat po yung kanilang baboy, chicken bin po nila,
02:49kung yung binibentang baboy ay galing sa mga pumasa at na-inspect ng National Wheat Inspection Service.
02:57Ayun po yung mga dapat nating tingnan kapag pumibili tayo,
03:02hindi lang po ng Litson, kundi ganun din po ng mga karne ng baboy sa iba't-ibang pamilihan.
03:07Yes, ma'am. Halos two weeks din, ano, ang kanilang temporary closure.
03:18Moving forward, paano po kaya natin masisiguro na mananatiling ASF-free, mananatiling ligtas, malinis,
03:24ang mga Litsonan dito sa Laloma?
03:27Para hindi na ho maulit itong kailangan pa nating ipasarapan samantala yung mga tindahan ng Litson.
03:32Ayun naman po ang ating City Veterinary Department ay sustained naman po yung kanilang inspection,
03:39hindi lamang po dyan sa Laloma, kundi sa lahat ng parte ng Quezon City.
03:45And tinitiyak po natin, una, hindi po tatanggalin yung ating checkpoints dyan
03:51para masigurado na yung mga pumapasok na baboy ay may tatak nga po ng NMIS
03:58at regular din po mag-iinspect ang ating City Veterinary Department
04:03and ang City Health Department para po masiguro na sumusunod po sa mga regulatory standards
04:09itong ating mga manininda ng Litson sa Laloma.
04:13Ma'am Margie Mejia, ang head ng Quezon City Business Permits and Licensing Department.
04:23Maraming salamat po sa inyo. Magandang umaga.
04:25Thank you, Ivan. Thank you, Paul.
04:27Kapuso, huwag magpapahuli sa latest news and updates.
04:31Mag-iuna ka sa balita at mag-subscribe sa YouTube channel ng GMA Integrated News.
Comments