Skip to playerSkip to main content
Mahigit 50 na ang patay kasunod ng matinding pagkasunog ng residential building sa Hong Kong. May ilang Pilipino ring apektado, ayon sa Overseas Workers Welfare Administration. 19 sa kanila ang kumpirmadong nasa ligtas nang sitwasyon.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mahigit limampu na ang patay kasunod ng matinding pagkasunog ng residential building sa Hong Kong.
00:06May ilang Pilipino rin apektado ayon sa Overseas Workers' Welfare Administration.
00:11Labinsyam sa kanila ang kumpirmadong nasa ligtas ng sitwasyon.
00:16Nakatutok si Darlene Cai.
00:20Sa dilim ng gabi, naglagablabang mga matatas na gusaling ito sa Wang Fook Court Residential Complex sa Taipo District sa Northern Hong Kong.
00:29Merkoles ng hapon, nagsimula ang sunog na tumupok sa 7 high-rise buildings na may 32 palapag.
00:37Pagputok ng liwanag, makapal na usok na ang bumalot sa complex.
00:43Magit 24 oras mula ng sumiklabang sunog, under control na ang apoy sa 4 sa 7 na sunog na apartment block.
00:49Ayon sa local fire department, hindi bababa sa 55 ang nasawi dahil sa sunog.
00:54Pinakamataas na bilang ng nasawi sa sunog sa Hong Kong sa loob ng mahigit 70 taon.
01:01Marami rin ang dinala sa ospital kung saan 16 ang kritikal ang kondisyon.
01:06Ayon sa mga otoridad, nasa 300 pang nawawala.
01:10Apektado ang nasa 4,600 residente na naninirahan sa mga natupok na gusali.
01:15Ayon sa Overseas Workers' Welfare Administration,
01:1770 hanggang 80 OFWs ang may rehistradong address sa Wang Fouk Courthousing Complex.
01:23Labing siyam na OFWs na ang kumpirmadong nailigtas.
01:27Nasunugan ang passport, nasunugan ang mga employment contract.
01:31At ito po ay agad-agad namang sinusolusyonan po na PCG and RMWO.
01:37Nagbigay na rin po tayo ng mga food packs at mga tulong po,
01:42mga dignity kits at kung ano pa pong kailangan nila.
01:45Isang OFW ang kasalukuyang nasa ospital kasamang kanyang amo at alagang baby.
01:51Siya raw ang boses sa gitna ng nag-viral na audio recording
01:54kung saan siya humihinin ng tulong sa gitna ng sunog.
01:57Hindi pa raw masabi kung totoong may mga Pilipino pang na-trap sa loob ng mga nasusunog na gusali.
02:03Iniisa-isa rin daw nila ang mga shelter na pinagdalhan sa mga naapektuhan ng sunog
02:07para tignan kung may mga Pilipino.
02:09What we're also trying to ascertain is whether they were actually in one court during the fire.
02:17Ayaw rin natin magpanik ng husto yung pamilya dito sa Pilipinas
02:20kasi naman, baka naman, in a certain likelihood, ay wala sila doon.
02:26Baka nasa ibang lugar sila.
02:29Nakikipagugnayan na rin daw ang UWA at DMW sa mga pamilya ng mga Pilipino
02:32na apektuhan ng sunog sa Hong Kong.
02:34Ayon sa mauturidad sa Hong Kong, mabilis ang paggalat ng apoy sa mga gusali
02:39dahil umano sa paggamit ng unsafe material sa renovation
02:43ng isang anilay grossly negligent construction firm
02:47tulad ng foam plastic material sa mga bintana.
02:50Inaresto ang dalawang manager at consulting engineer ng construction company
02:54na namamahala sa renovation ng mga gusali.
02:57Kumalat din ang sunog sa bamboo scaffolding na nakapalibot sa mga gusali
03:01na karaniwang ginagamit sa Hong Kong.
03:03Ayon sa Chief Executive ng Hong Kong, may binoong task force na tututok sa imbestigasyon
03:09kabilang kung sumusunod ba sa standard ang mga proyektong gumagamit ng bamboo scaffolding.
03:15Para sa GMA Integrated News, Darlene Kay Nakatutok, 24 Horas.
Comments

Recommended