00:00Itinanggi ng Navotas Police na tinorture nila ang dalawang inarestong sospek para mapaamin sa pagpatay.
00:07May mga nilabas din silang ebidensya gaya ng medical examination at CCTV footage bago at matapos ang krimen.
00:16Nakatutok si June Veneracion.
00:20Bula sa loob ng detention facility ng Navotas City Police Station,
00:24ipinakita sa amin ni Alias Dave ang peklat niya sa ulo dahil umano sa pan-norture ng mga umarestong polis.
00:40Pero sabi ng hepe ng Navotas City Police, walang torture at walang kinalaman ang mga polis sa sugat na tinumun ni Alias Dave.
00:54May mga hindi magandang pangyayari dyan, nagsisiga-sigaan.
01:00Si Alias Dave at isa pang sospek ay sangkot umano sa shooting incident sa Lusod noong November 3 kung saan dalawa ang patay.
01:08Sabi ng polis siya, matibay ang ebidensya laban sa kanila base sa mga nakuhang CCTV footage bago at pagkatapos ng pamamaril.
01:16Nakuha si Alias Dave ng mga otoridad noong November 9 at noong araw din yun ay nagbigay ng extrajudicial confession sa harap ng isang abogado
01:25para aminin ang kasalanan at ituro ang mga mastermind sa krimen.
01:29Wala bang pumili sa'yo, pumakot sa'yo para nakumpisa sa laban ng ngayari.
01:37Dalawa opisyal ang barangay sa Navotas umano ang pinangalala ni Alias Dave na nagbayad sa kanila ng halagang 30,000 pesos para itumba ang dalawang biktima.
01:45Kaya gusto nilang palabasin na tinorture namin ito noong kapulisan natin, pinilit.
01:53Kasi once na ma-release na itong at ma-dismiss yung kaso, automatic mawawala na yung anggulo na may nag-utos eh.
02:02Pagkatapos ma-inquest noong November 11, isinailalim si Alias Dave sa medical examination sa Navotas City Hospital.
02:10Hindi umano siya nakitaan ng sugat sa katawan.
02:12Pero sabi ni Alias Dave, pinagsuot siya ng mga pulis ng CAP kaya hindi nakita ang kanyang sugat sa ulo ng isa ilalim sa medical examination.
02:21At kahit noong kinuha na ng extrajudicial confession sa harap ng abogado.
02:25Sana po maman yung mga nag-torture po sa akin, sana po managot din po sila.
02:30Kasi alas mamatay-matay na po ako sa ginawa nila mam.
02:34Sabi naman ng mga pulis na nag-imbestiga, balinin sa kanilang konsensya.
02:39Isang abogado ang tumayong complainan sa Internal Affairs Service ng PNP sa ngala nina alias Dave at isa pang sospek na kasama niyang naaresto.
02:47Haharapin na lang mam kasi trabaho lang yung ginawa namin mam eh.
02:50Nagkandak lang kami ng investigation, yung procedure, para yung mga biktima mam is mabigyan natin ang ustesya.
02:58Gumagawa na raw ng paraan ng Internal Affairs Service ng PNP para baka kuhan ng sworn statement mula sa dalawang biktima umano ng police brutality.
03:07Tiniyak nito ang patas at masusing investigasyon.
03:10Para sa GMA Integrated News, June Veneracion Nakatutok, 24 Horas.
Comments