Skip to playerSkip to main content
Tuloy-tuloy ang pangangalampag at mga kilos-protesta ng iba’t ibang grupo para wakasan ang katiwalian at mapanagot ang mga sangkot. Kabilang riyan ang ilang estudyante mula sa mga unibersidad.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga kapuso, tuloy-tuloy ang pangangalampag at makakilos protesta ng iba't ibang grupo para wakasan ang katiwalian at mapanagot ang mga sangkot.
00:09Kabilang riyan ang ilang estudyante mula sa mga universidad.
00:12Live mula sa Edja Shrine, nakatutok si Jamie Sados.
00:16Jamie!
00:21Emil, hindi pa rin humuhupa yung galit ng mamamayan laban sa mga sangkot umano sa korupsyon sa pamalahan.
00:27Kaya naman hanggang ngayon, patuloy ang kanilang panawagan na panagutin at ikulong ang mga itunuturong responsables sa pangungurakot sa kaban ng bayan.
00:39E! Kulong na yan mga kurakot!
00:42E! Kulong na yan mga kurakot!
00:46Nag-walk out sa klase ang mga estudyante ng Rizal Technological University o RTU para iprotesta ang anilay mabagal na aksyon ng gobyerno sa katiwalian.
00:56Huwag tayong matahimik dahil ang boses ay nasa atin, nasa kabataan po.
01:02Hiling rin nila sa Anti-Money Laundering Council na ilabas ang mga pangalan ng mga sangkot at ang kanilang mga yaman.
01:11Huwag ang mabataan!
01:14Nag-marcha rin ang mga estudyante ng UP Diliman.
01:17Nagpakita sila ng malaking sabpina para kay Pangulong Bongbong Marcos,
01:21pantapat sa sabpinang ipinadala ng polisya sa kanilang student council chairperson na nakiisa sa mga protesta noong September 21.
01:30Hindi kami natakot sa simpleng sabpina lamang ng Raymond Marcos Duterte,
01:35pero mas lalo kaming tumatapang, mas lalo namin gagawin yung paninindigan namin na nabanan, sigilin ang lahat ng korakot.
01:42Nagtipon-tipon din ang iba't ibang grupo sa EDSA Shrine tulad ng nakagawian kada biyernes
01:48para ipanawagan ikulong ang mga nagpapahirap sa taong bayan,
01:53kasabay nito ang mga pagkilos sa iba pang lugar sa bansa,
01:56para igiit din ang pagpapanagot sa mga sangkot sa katawilian sa flood control projects
02:01at pagbabalik ng mga ninakaw nila sa kaban ng bayan.
02:05Wala sanang mahirap kung walang nangungurakot.
02:07Na kailangan natin magkaisa this time kasi kailangan na pong mabuhay o magising
02:12ng bawat mamayan na hindi na ito inukulit-ulit.
02:14Pinaglalaroan na po tayo ng gobyerno.
02:16Habang pinagtatawanan nila tayo, yung hirap natin, yung mga pagod natin,
02:21ginagamit nila kung saan-saan lang.
02:22Babalik-balik tayo dito hanggat hindi na sasatisfy yung gusto natin.
02:27Gusto natin ng agad-agarang may makita tayong resulta.
02:32Pagpapakulong, di ba?
02:34Simpleng hilig ng mga tao.
02:36May managot, may makulong, at makuha natin yung atin.
02:44Emil, layon daw na mga kilos protestang itong nagsisilbing paghahanda
02:49at pagpapatindi sa malakihang rallying inaasahan sa darating na November 30.
02:54At yan ang latest mula rito sa EDSA Shrine.
02:57Balik sa'yo, Emil.
02:58Maraming salamat, Jamie Santos.
03:03Emil.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended