00:00Una po sa ating mga balita, nagatiin ng iba't ibang mga regalo si Pangulo Ferdinand R. Marcos Jr. sa ating mga kababayang nangangailangan sa Baseco Compound sa Maynila.
00:11At kabilang na rin yan ay ang pinating na servisyong medikal ng Baseco Hospital.
00:18Silipin natin yan sa sento ng balita di Clazel Parnilla.
00:21Mag-iisang taon nang tinitiis ng labanderang si Lola Clemensia, ang kirot na nararambaman sa kanyang tiyan.
00:32Mahirap talaga ang ano pag wala kang badyit, kinikita ko lang sa 300.
00:38Pero matapos ang matagal na pamimilipit sa sakit, ngayong araw nakapagpakonsulta na siya at nabigyan pa ng libreng gamot.
00:47Nagpasalamat nga kung may libreng, kasi wala naman akong inaasahan, dahil ako lang.
00:54Naiiyak na.
01:00Natutuwa lang ako nga, mayroon na akong naanoan ng gamot.
01:04Ang ospital kung saan nakapagpatingin si Nanay Clemensia, ang pinakaunang general hospital sa Baseco Compound sa lungsod ng Maynila.
01:13Ito ang President Corazon C. Aquino General Hospital na binisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw.
01:22Ikinatuwa ng Presidente ang tatlong palapag na ospital.
01:26Libre ang check-up, malinis, may aircon, limampung bed capacity, emergency room at iba pang pasilidad
01:35na nakapagservisyo na sa higit 7,000 residente simula ng buksan ito noong Setiembre.
01:43At para marami pa ang mabenefisyohan.
01:46Naglaan ng 15 milyong pisong tulong ang tanggapan ng Pangulo para sa Baseco Hospital.
01:53Ito ay ginawa ng ating local government. Kami naman sa national government.
01:58Lahat ng suporta, lahat ng benepisyo na maaaring gawin ng pamahalaan ay gagawin natin.
02:04Dahil dyan, ang konsulta para sa mga bata. Buntis, may sira ang ipin. Mapapalawak pa.
02:12At yung bibigay po ng ating Pangulo ay napakalaking tulong para ipandagdag sa mga bilihin na mga kinakailangan namin gamit para sa ospital na ito.
02:21Gamit pang opera, syempre, at mga makabagong gamit para sa OB-GYN.
02:27At sana, palaaring kami, bigyan din kami ng dialysis center.
02:31Tiniyak ni Pangulong Marcos ang patuloy na pagtutok sa kalusugan ng mga Pilipino na isa sa prioridad ng administrasyon.
02:40Hinikayat niya na magparehistro bilang membro ng PhilHealth para makatanggap ng mga kinakailangang servisyong medikal.
02:47Kabilang dyan ang Yakap Clinic. Wala nang gagastusin sa pagpapacheck-up at screening.
02:54Bayad na rin ang bill ng mga pasyenteng dinadala sa mga pampublikong ospital ng Department of Health sa tulong ng Zero Balance Billing.
03:03Pinalawak din ang benefit package ng PhilHealth.
03:05Halimbawa, ang dating hanggang 600,000 pesos na binabayaran ng ahensya sa mga nagpa-opera sa bato, itinaas na hanggang 1 milyong piso.
03:17May gamot up na rin kung saan maaaring makatanggap ng libreng gamot ang mga pasyente.
03:22Ang administrasyon po ito ay ginagawa ang lahat upang mapatibay natin ang ating tinatawag na healthcare system.
03:33Mga ospital natin, mga klinik natin, mga insurance natin, napakaraming pagkukulang.
03:39Kaya nung umupo ako bilang Pangulo, yan ang una kong naging priority.
03:44Sabi ko, tignan natin, matuto na tayo, dumaan na nga tayo sa COVID.
03:48Marami sa ating ang namatayan. Huwag na natin paulitin yan.
03:54Binisita rin ang presidente ang Binigno Aquino Elementary School para kamustahin ang mga estudyante at guro.
04:01Namahagi rin siya ng charity ba na naglalaman ng bigas at iba pang pagkain.
04:06Sa akin, zero parent, malaki na po siya.
04:09Ayan na talaga. Mas pa ngayon, may sakit ako.
04:13Iyaka.
04:14Sige lang.
04:16Totoa nga ako nakakuha.
04:17Dagdag din sa budget araw-araw.
04:21Aabot sa 2,500 charity ba ang naiabot ng Philippine Charity Swip 6 Office sa mga residente ng BASECO.
04:30Kaleizal Pawardilia, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas!
Be the first to comment