00:00Ito ang GMA Regional TV News!
00:06Balita sa Visayas at Mindanao mula sa GMA Regional TV.
00:10Nagkasalpukan ang isang ambulansya at motorsiklo sa Cebu City.
00:15Cecil, ano nangyari?
00:18Rafi nagkasalubong sa intersection ang dalawang sasakyan sa National Highway ng Lungsod.
00:24Sa kuha ng CCTV, kitang nakabukas ang blinkers ng ambulansya.
00:28Huminto ang isang motorsiklo na nasa kasalubong na linya.
00:32Pero nang lumiko ang ambulansya, nagtuloy-tuloy ang isa pang motor.
00:36Bumaba ang driver ng ambulansya pero kalaunay umalis din.
00:40Basis sa embestigasyon, umuwi sa kanilang bahay ang rider pero binawian ng buhay kinabukasan.
00:46Wala ang pamilya ng biktima ng aming puntahan.
00:49Ayon sa kanyang kapitbahay at kaibigan, nakita niyang may mga pasa ang biktima at masakit ang katawan nang umuwi pagkatapos ng aksidente.
00:58Isa sa ilalim pa sa autopsy ang labi ng biktima.
01:02Hinahanap rin ng mga otoridad ang driver ng ambulansya.
Comments