00:00Nalubog sa baha ang ilang barangay sa Visayas at Palawan dahil sa Bagyong Verbena.
00:05Ang detalye sa report ni Gab Villegas.
00:11Makikita sa mga kuha ni Janice Banqua ang mga winasak na mga bangka sa Sityo Canipo
00:16sa barangay Bulalagaw sa Coron, Palawan, matapos ang pananalasa ng Severe Tropical Storm Verbena.
00:23Ayon kay Janice, hindi nila inaasahan na mangyayari ito sa kanila.
00:27Pinasok naman ang tubig baha ang mga kabahayan sa Bagos City sa Negros Occidental.
00:33Ayon sa uploader na si Kino at Rafael, umapaw ang tubig sa Taytay Bridge.
00:39Makikita naman sa aerial shot ang lawak ng pinsala ng Bagyong Verbena sa Socorro sa Oriental Mindoro.
00:45Kapansin-pansin sa video na nananatili pa rin lubog sa baha ang mga kabahayan at establishmento sa bayan.
00:52Natumba naman ang poste ng kuryente sa barangay Patuo sa Odyongan, Romblon sa kasagsaganang pagulan
00:59at dahil dito nawala ng kuryente ang Tablas Island na agad namang inayos ng mga tauhan ng Tablas Island Electric Cooperative.
01:07Nagmistulang dagat naman ang bahagi ng barangay Matandang Gasan sa Gasan Marinduque
01:13dahil sa walang tigil na pagulan dulot ng severe tropical storm Verbena.
01:18Makikita sa video na abot tuhod ang baha sa lugar na sinusuong ng ilang residente.
01:22Gav Villegas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments