00:00Inaproba na sa plenaryo ng Senado ang higit 1 trillion pisong panukalang pondo ng Department of Education para sa susunod na taon.
00:08Ayon sa Deped, kabilang sa tutugunan nito ay ang problema sa kakulangan sa mga silid-aralan.
00:14Si Luisa Erispe sa Sentro ng Balita.
00:18Pumasa na sa plenaryo ng Senado ang panukalang budget ng Department of Education para sa 2026.
00:24Higit 1.44 trillion pesos ang lumusot na halaga ng pondo para sa Deped.
00:30Ito na ang may pinakamalaking alokasyon para sa 2026 General Appropriations Bill at pinakamataas na pondo na nakuha ng Deped sa kasaysayan.
00:39Mula sa versyon ng kamera, nadagdagan ng 77.66 billion pesos ang pondo sa Senado.
00:45Malaking bahagi nito mapupunta sa konstruksyon ng mga classrooms.
00:49Ang target sa 2026, makabuo ng higit 25,000 na classroom.
00:54Not so good news, 22 now to 54 classrooms.
00:59Yung classrooms completed natin out of the, if I'm not mistaken, for this year's 1,700 yung target.
01:066,000 ang target. So out of the 6,000 target, 54 na ho ang nakoconstruct.
01:13In order for us to reach this 24,500, which I don't know if talagang it's a leap of faith to come up with such a figure, Mr. President,
01:25considering that right now we only finished 54 classrooms.
01:28And they are so proud of it, Mr. President.
01:32Kailangan natin ng radical na solusyon dito.
01:34Mugod sa classrooms, nadagdagan din ang pondo sa pambili ng textbooks at learning materials.
01:40Mula 11.26 billion sa NEP, ginawa itong 29.29 billion sa Senado.
01:46Dumoble rin ang budget para sa feeding program.
01:49At malaki din ang nilundag ng budget para sa disaster preparedness at school safety system
01:54na mula 665 billion, naging 3.67 billion pesos.
01:59Nag-asama din sa pondo ang benepisyo para sa mga guro at school personnel.
02:04At hindi naman natapyasan ang budget para sa aral program.
02:08Nagpapasalamat naman ang DepEd sa suporta ng Kongreso sa budget ng kagawaran
02:12at nangako na gagawin nila ang responsibilidad na ipatupad ang budget na may transparency, urgency at integridad.
02:20Luisa Erispe para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments