00:00Lusot na sa Senado ang panukalang budget ng Department of Public Works and Highways
00:04pero may nakita mga Senador na posibleng double appropriation sa ilang mga bagay na kanilang pinaaayos sa kagawaran.
00:14Ang sendo ng balita wala kay Luisa Erispe.
00:19Lusot na ang panukalang pondo ng Department of Public Works and Highways para sa fiscal year 2026.
00:25Ang kabuang budget, 568 billion pesos.
00:30Pero bago ito ma-isumite para sa bicameral conference, binusisi muna ng mga Senador ang alokasyon ng pondo.
00:36Unang siniguro ni Sen. Cheez Escudero, wala ng pondo para sa anumang flood control projects.
00:43Magkano po yung kabuang flood control funds na tinanggal mula sa panukalang NEP?
00:49Mga 255 billion, Mr. President.
00:52At sa magiging panukala ng kagalang-galang na chairman ng komite,
00:59ito'y nilagay presumably sa mga mas makabuluhang mga proyekto ayon sa mga panukala ng ating mga vice chairman.
01:07Halimbawa, sa edukasyon, sa health at iba pang mga kahalintulad ng mga departamento o mga gawain.
01:15Tama po.
01:15Tiniyak din niya na walang makakasingit na pondo para sa ghost projects.
01:20Pinuri naman ni Escudero ang naging matapang na administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
01:26dahil sa pagsasampan ng reklamo ng DPWH at Independent Commission for Infrastructure o ICI
01:32laban kay dating House Speaker Martin Romualdez, dating Congressman Zaldico at iba pa.
01:37Pinabati ko po ang administrasyon dahil sa hindi sila sumunod o nagpadala sa anumang script o saruswela
01:44para magkaroon ng diversyon at ilihis ang tunay ng mga salarin.
01:48Tulad ng nasabi ko po na ako ay unang huling tumayo at nagsalita dito sa Senado.
01:55Ayon mismo kay Secretary Dizon, sinundan, wala silang sinundang script at base sa kautusan ng Pangulo,
02:01pero sinundan lamang nila kung saan sila dinadala ng ebidensya.
02:06At dahil nga dito, sinampahan na po si Coe, Romualdez, Alcantara, Bernardo, Hernandez at iba pa.
02:14Pero kahit walang flood control, may nakita naman si Sen. President pro tempore pan filolakson
02:20na posibleng double appropriations at duplicate programs sa budget ng DPWH.
02:26Sa ilalim ito ng Convergence Special Support Program o CSSP.
02:31Bukod sa lumobo ng 39.6% ang pondo sa General Appropriations Bill
02:37mula sa National Expenditure Program ng CSSP.
02:40May dalawang programa sa ilalim nito na iisa lang ang mga proyekto pero parehas na may pondo.
02:47Paano natin i-explain ito na pareho-pareho nomenclature?
02:51Magkabukod pa yung kanilang budget, yung funding.
02:54Ang mga programa ay ang SIPAG na may 69.735 billion peso sa NEP
03:00pero umakyat ng 111.03 billion sa House version ng GAB o General Appropriations Bill.
03:07Tinapyasan naman ito ng 1 billion sa Senado.
03:10Ang lumalabas na duplicate program nito ay ang BIP na may 60.38 billion pesos na alokasyon sa NEP
03:17na naging higit 90 billion naman sa House pero natapyasan ng higit 2 billion sa Senado.
03:22Kung pagbabasihan ay 2025 GAA, parehas lang ang mga projects sa ilalim ng mga programa.
03:29Kaya ayon kay Lakson, dapat ayusin ito.
03:32I hope ma-rectify kasi I can go on and on. Marami pang projects.
03:38And I hope Secretary Vince will just take a look at all the project titles.
03:45Especially yung either exactly the same or pinage one phase two pa.
03:49Nangako naman ang DPWH si Silipi na taayusin ang pondo sa dalawang programa.
03:55Luisa Erispe para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments