Skip to playerSkip to main content
  • 1 day ago
Panukalang 2026 national budget, tatalakayin ng Bicam kahit weekend | ulat ni Louisa Erispe

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Titiyakin ng Senado na walang magiging insertion sa 2026 National Budget sa Bicameral Conference Committee Meeting.
00:08Inaulat ni Luisa Eriste.
00:11Extended hanggang sa December 23 ang sesyon ng Senado ngayong taon.
00:15Sa plenario, sinabi ni Majority Leader Sen. Miguel Zubiri,
00:19ang pag-usod ng kalendaryo ng Senado ay para sa ratifikasyon ng National Budget para sa 2026.
00:25Paliwanag naman ni Sen. Vicente Soto III na is kasi nilang bigyan ng sapat na oras ang kongreso
00:31para sa deliberasyon ng Bicameral Conference Committee sa budget.
00:35Iniurong din ang schedule nito mula sa December 11, ginawa ng December 12 hanggang 14.
00:40Ultimo Sabado at Linggo, isasagawa ang Bicam mahabo lang na mapasa ang panukalang pondo ngayong taon.
00:46The Bicameral Conference Committee will be finished, hopefully will be done by 13, 14, 14, 15.
00:57Ganun ang target eh. 14 or the 15th. Napatapos yung Bicam.
01:02Kasama Saturday, Sunday. Hindi pa tatawarin yung Saturday, Sunday.
01:06So, mauusog ngayon. Then, merong 7 days to print, tapos yung enrolled copy.
01:13At ang tansya namin, 22.
01:15Hindi na rin tulad dati na ang ipapasa sa Bicam ay summary lang ng panukalang pondo.
01:20Para walang mangyaring milagro sa Bicam, tulad ng mga nangyari noong mga nakaraang taon,
01:25na may mga nakakasingit na insertions, ang ipapasa na ng kongreso sa Bicam ay ang enrolled bill
01:31o ang mismong pipirmahan na ni Pangulong Ferdinand R. Margos Jr.
01:35Ito ang kauna-unahang pagkakataon na gagawin ito ng Senado at Kamara
01:39para matiyak na walang bahid ng korupsyon ang budget para sa susunod na taon.
01:44I and we, you know, and the President agrees with me
01:49that we will not approve a Bicameral Confidence Committee report na summary.
01:57Ayaw namin nun.
02:00Dahil doon pwedeng magkaroon ng milagro after all.
02:06So, what we will ratify is the enrolled copy ready.
02:11Di katulad ng dati, bye-bye camp.
02:14Bukas darating yung chairman, i-report.
02:16The innovation, you know, this year is that we will ratify an enrolled copy.
02:23Yung ready na ng signature ng Presidente.
02:27Sa ngayon naman, Anya, walang nagpupumilit na magsingit ng insertions.
02:31Pero kung meron man, hindi ito papayagan ng Senado.
02:34Mananatili sila sa prioridad na mabigyan ng malaking pondo,
02:37ang edukasyon, kalusugan at ekonomiya.
02:40Hindi ko papayagan. Wala naman so far.
02:42Medyo, alam naman nila siguro hindi talaga ako papayagan.
02:45That is the reason why we want an enrolled bill to ratify and not a summary.
02:51Dahil pag summary, tapos magpiprinting, ay nako, it has happened before.
02:56Pasasami yung priority, DepEd, education, health, agriculture,
03:03sapagkat ang food security at ekonomiya nakasalabay dyan.
03:07Yun ang priority na Senado.
03:08Nanindigan din ang Senado.
03:10Kahit may umalma, tuloy pa rin ang open BICAM
03:13o pagla-livestream ng deliberasyon ng komite.
03:16Ang mga uupo namang Senador sa BICAM,
03:18si Sen. Sherwin Gatchalian bilang Chairperson,
03:21Deputy Majority Leader naman si Sen. J.V. Ejercito.
03:24Kasama din si na Sen. Lauren Legarda,
03:26Sen. Francis Panghilinan,
03:28Sen. Mark Villar,
03:29Sen. Pia Cayetano,
03:31Sen. Erwin Tulfo,
03:32Sen. Camille Villar,
03:34Sen. Christopher Bongo,
03:35Sen. Aimee Marcos,
03:37at kasama rin si Sen. Ronald Bato de la Rosa.
03:40Dahil naman ilang linggo ng absent si Sen. Bato,
03:43nasa sa kanya kung dadalo ito sa BICAM o hindi.
03:46Si Sen. Jingoy naman,
03:47nagkusa ng nagbitiw bilang miyembro ng BICAM Committee.
03:51It's up to him kung atin siya o hindi.
03:52Pero si Sen. Jingoy mukhang hindi siya makaka-append,
03:56so nagsabi na siya na nagwi-withdraw siya.
03:58Samantala, naniniwala naman si Sen. Kiko Panghilinan
04:01na ang ipinasang 2026 National Budget ng Senado
04:05ay malinis at walang bahid ng korupsyon.
04:08Suggestion niya kung maaari,
04:10ay pwedeng i-adopt na lang ang versyon ng budget ng Senado sa BICAM.
04:14Nire-respeto natin yung prerogative ng House.
04:17But sana, we are able to fast-track this.
04:25And di naman natin pipilitin that they adopt a reversion.
04:29Biru lang naman yun.
04:30But that could be one way of speeding it up.
04:33Luisa Erispe, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended