00:30Pamakailan, isang masarap na kwento ng pagkakaibigan ang dinala ng Korean Cultural Center sa pamamagitan ng espesyal nilang Hanshik Workshop.
00:42Isang interactive program ito na layong palawakin pa ang appreciation ng mga Pilipino sa Hanshik, ang authentic Korean cuisine.
00:50Inspired by the hit K-drama Bon Appetit, Your Majesty, tampok sa workshop ang fusion ng traditional Korean ingredients lalo na ang duenjang o fermented sauces na kinikilalang bahagi ng UNESCO Intangible Cultural Heritage.
01:05Pinangunahan mismo ni Chef Lily Min ang hands-on cooking session, kung saan hindi lang pagluluto ang natutunan ng mga kalahok, kundi pati ang cultural meaning ng bawat sangkap.
01:16Dito, mas naipaliwanag ang konsepto ng jang culture na itinuturing na puso ng napakaraming Korean dishes.
01:23Sa pamamagitan ng Hanshik Workshop, mas lalo pang tumitibay ang Korea-Philippines friendship hindi lang sa kultura at sining, kundi pati sa lasa at tradisyon na patuloy na ibinabahagi sa isa't isa.
01:36At sa bawat pagkaing pinagsasaluhan, malinaw na makikita, ang kultura hindi nagbabago, kundi mas lumalago.
01:44Kaya tuloy lang sa pagtuklas, pagtikim at pag-appreciate, dahil dito nagsisimula ang mas malalim na koneksyon ng bawat kultura at rehyon.
Be the first to comment