00:00Muling iginiit ng Department of Tourism ang commitment nito na matiyak ang kaligtasan at siguridad ng mga turistang Koreano na bumibisita sa Pilipinas.
00:10Isinusulong ni Tourism Secretary Christina Frasco ang iba yung pagtutulungan ng mga ahensya ng gobyerno at paglikha ng National Task Force on Tourist Safety.
00:20Ayon sa kalihim, noong 2024 ay nanguna ang South Korea sa pinakamaraming turista na nakapunta sa Pilipinas na umabot sa mahigit isa't kalahating milyon at nakapag-ambag sa pabansang ekonomiya ng 2.3 billion US dollars.
00:38Kaugnay niyan, nagpatupad na rin ang DOT na mga programa para mapaigting ang presensya ng pulisya at pagbutihin ang seguridad sa mga tourist destinations sa bansa.
00:49Samantala, available na rin sa Tourist Assistant Call Center ng DOT ang Korean-speaking agents na handang magservisyo sa mga South Korean visitors na nangangailangan ng impormasyon at tulong.