00:00Sa batala, hindi lamang makakatulong ang science and technology sa pagpapagaan sa pangaraw-araw nating pamubuhay.
00:08Kulibagin sa pagpapaunlad ng mga industriya ang kabuhayan ng marami nating kababayan, tulad na lamang ng ating shoe industry.
00:16Kung paano yan, alamin sa sentro ng balita ni Denise Osorio.
00:22Ipinakita ng Department of Science and Technology o DOST ang mga makabagong produkto mula sa Philippine Tropical Fabrics.
00:29Mula sa mga damit hanggang sa mas pinalawak na innovation sa footwear at bagong extraction technologies para sa mga local fiber.
00:37Sa Regional Science, Technology and Innovation Week 2025 sa NCR.
00:42Ayon kay DOST Secretary Renato Solidong Jr., mas malawak ang NCR leg dahil dito pinapakita ang kabuuang innovation ecosystem ng tropical fabrics.
00:52Mula sa raw materials hanggang sa fashion applications.
00:55Ang ating fashion show would focus on ang mga sapatos na ang materyales ay kadalasan banana ang cotton.
01:05Naminsan may halong leather or rubber soles.
01:10I think we can really use local materials in promoting our shoe industry.
01:16Bahagi ng layunin ng DOST ang pagpapalakas ng industriya ng sapatos.
01:21Hindi lang sa Marikina kundi pati sa iba pang reyon sa pamamagitan ng textile research na nakatuon sa pagbuo ng mas sustainable at preskong tela.
01:30Inilatag din ni Solidum na hindi lamang para sa fashion ang paggamit ng tropical fabrics.
01:35Nagagamit na rin ito sa disaster risk reduction gaya ng geotextiles na tumutulong laban sa soil erosion at landslides.
01:43Marami tayo ang mga agricultural products tulad ng banana, ng pinya, meron din tayong cotton.
01:50Nakadalasan kapag na-harvest na yung mga bunga sa pinya at banana, itatapon na lang yung mga dahon na hindi kaya yung chunk ng banana.
01:58Pero mas mapaparami ang kita ng ating mga magsasaka kung gagamitin natin ito. Ibig sabihin walang tapon.
02:05So what we're trying to do is although we focus on sa mga damit at sa sapatos, tinutulungan natin ang ating mga farmers, ganon din ang mga weavers, ang shoe manufacturers, and pagdating sa damit mga designer.
02:18Isa sa mga pinakabinibigyang pansin ng NCR LEG ay ang mga bagong fiber innovations ng Philippine Textile Research Institute o PTRI.
02:27Ayon kay DOST PTRI Science Research Specialist Philip Basat, karamihan sa tela sa merkado ngayon ay imported at polymer-based kaya mas mainit ang mga ito at hindi breathable.
02:39Pero ang mga fiber na galing sa dahon ng pinya, banana trunks, abaka, at ngayon meron na rin galing bamboo, ay mas presko, mas sustainable, at sumusunod sa Philippine Tropical Fabrics Law o RA 9242.
02:54Isa sa pinakamalaking breakthrough ng PTRI ang direct bamboo fiber extraction, isang teknolohiyang kauna-unahan sa bansa.
03:02Yung bamboo na naririnig natin, nakikita natin in the commercial space, are all usually regenerated cellulose, tinutunaw pa yung bamboo stock bago sila maging fibers.
03:14The technology of PTRI is the direct extraction of our bamboo fibers from the bamboo stocks, so completely omitting the step of regenerating the fibers.
03:24So from there, we can automatically get our fibers and use them for our fabrics.
03:29Sa supply naman, iginit ni Basat na stable ang sources ng pineapple at banana fibers, dahil galing ito sa agricultural waste na mga magsasaka at na mga kumpanya.
03:39Dagdag pa niya, mas mabilis tumubo ang bambu kaya malaki ang potensyal nito bilang susunod na major fiber source.
03:46Ipinagmalaki rin ng DOST ang SAFATOS program na layong gawing fully Filipino ang footwear industry ng bansa,
03:53mula raw materials, processing, design, hanggang sizing system ng mga Pilipino.
03:59SAFATOS actually stands for Shoes and Footwear Accessories R&D on textile-based omnibus solutions.
04:05The SAFATOS program is an entire ecosystem that we really want to establish.
04:10We wanted to strike while the iron is hot such that meron tayong innovations on textiles,
04:17so why not integrate that innovation in textiles to support the global strive for more sustainable footwear.
04:25Sa pamamagitan ng mga makabagong teknolohiya ng DOST-PTRI,
04:29magiging mas competitive ang local textile at footwear industries
04:33at makapagbibigay ng dagdag kita para sa mga lokal na magsasaka,
04:37manghahabi, at creative workers sa buong bansa.
04:41Denise Osorio, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Be the first to comment