24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:07Live mula sa GMA Network Center, ito ang 24 Horas.
00:20Magandang gabi po, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:24Sinagot na ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga akusasyon ng kanyang kapatid na si Senadora Aimee Marcos na nagdodroga umano siya pati ang First Lady at kanilang mga anak.
00:37Sabi ng Pangulo, hindi niya kapatid ang nakita ng publiko sa TV. Sabay-sabing nag-aalala siya sa lagay nito. Mabilis na hirit ng Senadora, patunayang mali siya.
00:47Kaugnay naman sa mga bagong aligasyon ni dating Congressman Zaldico, hinamon siya ng Pangulo na umuwi at harapin ang mga kaso.
00:56Nakatutok si Ivan Mayrina.
00:58Ito ang reaksyon ni Pangulong Bongbong Marcos na tanungin siya tungkol sa pahayag ng kanyang kapatid na si Senadora Aimee Marcos sa rally ng Iglesia ni Cristo noong nakaraang lunes.
01:16Batid ko na na nagdadrag siya!
01:20Bukod sa Pangulo, idinawit din ang Senadora si First Lady Liza Aranata Marcos at kanilang mga anak.
01:26How do you respond to the drug use accusations made by no less than your sister, Sen. Aimee Marcos, against you and the First Family?
01:37Sir, were you hurt by her accusations and how do you explain these claims to the public?
01:48It's anathema to me to talk about family matters generally in public.
01:56I do not like to, we do not like to show our dirty linen in public.
02:08I'll just, but so I'll just say this much.
02:11For a while now, we've been very worried about my sister.
02:16When I say we, I'm talking about friends and family.
02:19And the reason that is, is because the lady that you see talking on TV is not my sister.
02:31And that is, that view is shared by our cousins, our friends.
02:39Hindi siya yan. Ano lang, hindi siya yan.
02:43So, that's why we worry. So we are very worried about her.
02:47I hope she can, I hope she feels better soon.
02:49Hindi na nabigyan pa ng pagkakataon ng media na malinaw kung anong ibig sabihin ng Pangulo sa pahayag na ito.
02:57Ilang minuto lang matapos itong sabihin ng Pangulo, agad sumagot si Senadora Aimee sa kanyang social media account.
03:03Sabi niya, siya raw ito, sabay hirit na kung ano-ano na ang nakikita ng kanyang ading o nakababadang kapatid sa Ilocano.
03:11Sabi pa ng Senadora, patunayang mali siya at gusto raw niyang mali siya.
03:15Nang tanungin kung nagkausap na silang magkapatid, sinabi ng Pangulo na magkaiba na raw sila ng ginagalawang mundo, political man o personal.
03:23May hamo naman ang Pangulo kay dating Congressman Zaldico na nagdawit sa kanya sa anomalya sa flood control projects.
03:30Bago humarap ang Pangulo sa press conference yung hapon, naglabas ng video si Zaldico na nagdedetalye na mga delivery ng bilyong pisong naging party umano ng Pangulo sa anomalya.
03:42Mahaba ng naging mga usapan natin tungkol sa fake news. Anyone can go online and make all kinds of claims and say all kinds of things, paulit-ulit.
03:54But it means nothing. For it to mean something, umuwi siya rito. Harapin niya yung mga kaso niya.
04:03Ako hindi ako nagtatago. Kung meron kang akosesyon sa akin, nandito.
04:07Naging matipid naman ang sagot ng Pangulo ng tanongin kung bakit pinag-resign sa kanyang gabinete,
04:12sina dating Executive Secretary Lucas Bersamin at dating Budget Secretary amin na pangandaman.
04:17Nilimitahan ang mga tanong sa Pangulo at hindi pinayagan ang mga follow-up question.
04:21The question about Chief Luke and myself, wala nag-uusap na kami.
04:29And we understand each other and we decided to keep it between ourselves. There's no bad blood.
04:36She sent me na because her name was dragged into the whole thing.
04:40We want to be sure that she's not in a position where she might be suspected of influencing all that.
04:46Nagpatawag ng press conference sa Pangulo para ipagmalaki ang transparency portal ng DPWH na kanilang inilunsad.
04:54Sa pamagitan nito, pwedeng hanapin ang alinmang proyekto ng kagawaran.
04:58Makikita rin kung kanino ang proyekto, sinong kontraktor, magkanong halaga, at kung ito ba itapos na.
05:04May mga larawan din ang proyekto makikita.
05:07Kuhan ng satellite imaging.
05:08Hakbang daw ito para sa transparency sa mga proyekto ng gobyerno at bunga ng mga natututunan sa imbisigasyon sa maanumalyang flood control project.
05:16Para sa GMA Integrated News, Ivan Mayrina nakatutok 24 oras.
05:22Sumukong na sa mga otoridad?
05:24Yan ang panawagan ng DILG kay dating Congressman Zaldico at pitong iba pang may arrest warrant
05:30kaugnay sa maanumalyang flood control project sa Oriental Mindoro.
05:35Babala ng DILG, mananagot pati ang mga tumutulong sa pagtatago nila.
05:42Nakatutok si June Veneracion.
05:46Nasa kustodiyan na ng gobyerno ang walo sa mga akusado sa maanumalyang flood control project sa Oriental Mindoro matapos maglabas ng warrant of arrest ng Sandigan Bayan.
05:58Kaugnay ito ng kasong paglabag sa Anti-Graphic and Craft Practices Act at Malversation of Public Funds.
06:04Bunsod ng umunoy substandard na 289 milyon peso road dike project sa bayan ng nauhan.
06:10Sa mga akusado, isa ang sumuko, pito ang arrestado.
06:14Sa walo pang pinagahanap, apat ang nasa abroad, kabilang si dating Congressman Zaldico.
06:19Sa impormasyon ng DILG at PNP, sa New Zealand ang last known location ni Aderma Anjali Alcazar,
06:26ang President and Chairperson ng Board of Directors ng San West.
06:29Nasa New York naman daw si Cesar Bonaventura, ang Treasurer ng San West.
06:34Si Montrexis Tamayo ng DPWH naman ay sinasabing nasa Jordan.
06:38Surrender to the nearest authorities. Surrender to the nearest police station.
06:45If we go on a manhunt after you, we cannot guarantee the results.
06:51For the sake of your families, for the sake of the country, surrender immediately.
06:56Inaasahan daw ng DILG na lalabas na ang red notice ng Interpol laban kay Co.
07:01We believe he's traveling with another passport. We do not know if he's using another name. So, biniverify pa namin.
07:10Now that we have the, now that he is the arrest warrant, the red notice can be out and then we will further determine kung nasan talaga siya.
07:20Sabi ng DILG, bukod kay dating Congressman Zaldico, kumontak na raw sa mga law enforcement agencies ang tatlong iba pang akusado na nasa abroad.
07:28At nagsabing nakahanda silang sumuko at magtungo sa mga embahada ng Pilipinas kung nasaan sila ngayon.
07:34We have to make it clear that no matter where you are in the world, we will find you.
07:40If you are at large, we will find you.
07:44Binalaan ng mga otoridad ang mga nais tumulong sa mga pinagahanap na akusado na mananagot sila sa batas.
07:49Binalaan, umpisa pa lang po ito. Marami pa pong parating na kaso, marami pa pong makakasuhan, marami pa po ang ma-aresto.
08:00Samantala, kinumpirma naman ni Rimulya na pagmamayari ng Vice Mayor ng Bansud Oriental Mindoro,
08:06ang bahay sa Quezon City kung saan na-aresto kahapon si DPWH Mimaropa OIC Chief Planning and Design Division, Dennis Abagon.
08:15Pero hindi niya pinangalanan ang Vice Mayor.
08:17We have determined that he is the owner of the property.
08:21Ang didetermine na namin kung ano ang nature ng kanyang stay sa lugar na yan.
08:25Kung he was renting or he was being hidden.
08:28Sa panayam ng GMA News kay Bansud Oriental Mindoro Vice Mayor Alma Mirano,
08:33inamin niyang siya ang may-ari ng bahay kung saan na-aresto si Abagon.
08:38Pero aniya, pinauupahan lang niya ang bahay at walang ugnayan kay Abagon.
08:43Nakipagtulungan pangaraw siya sa NBI para ma-aresto si Abagon at nagbigay ng pahintulot na pasukin ng bahay.
08:49Para sa GMA Integrated News, June Venerasyon Nakatutok, 24 Oras.
08:55Ibinunyag ni Sen. Ping Lakson na may mga gusto umanong magpabagsak ng gobyerno.
09:00Dagdag pa ng senador, inalok pa siyang maging bahagi ng itatatag na civilian military junta
09:07o yung gobyernong mga sibilyan at militar ang magpapatakbo.
09:11Nakatutok si Jonathan Andal.
09:15Saktong isang linggo bago ang malawakang kilos protesta sa November 30,
09:20kinumpirma ni Sen. Ping Lakson na may mga nagbabalakpabagsakin ng gobyerno
09:24sa pamamagitan ng civilian military junta.
09:27Inalok pa nga raw siya na sumali rito.
09:29Sa akin nga may nag-uudyok at gusto civil military junta.
09:34May mga nag-message sa akin, mga retired military, hindi ko na magbabanggit ng pangalan.
09:40Dinededma ko nga eh.
09:43Kasi meron pa nga offer na maging part ako ng junta eh, ng council eh.
09:48Kaya nga dinededma ko eh.
09:50Ang civil military junta ay isang pamahalaang pinapatakbo ng pinagsamang grupo ng mga sibilyan at opisyal ng militar
09:56matapos mapatalsik o mapalitan ng namamahalang administrasyon.
10:00Pero sabi ni Lakson, wala namang kumukontak sa kanyang aktibong sundalo at pulis na gustong sumali sa junta.
10:07Yung ibang groups kasi nag-couple sila, total reset.
10:10Parang wala ang presidente, wala ang vice president.
10:14Tapos maskin yung succession, hindi po pwede.
10:16So civil military junta.
10:18Sabi ni Lakson, natanggap niya ang alok na maging bahagi ng junta bago ang rally ng INCO Iglesia Ni Cristo noong nakaraang weekend.
10:26At mas umugong nang lumutang ang video ni Zaldico.
10:29Kaya tingin niya may nagkukumpas sa mga nangyayari.
10:32Kumukang orchestrated lahat yung series of events leading up to the INC rally.
10:38Kumukang coordinated, orchestrated and calibrated.
10:42Parang minamaksimize, para talaga magalit yung mga parang.
10:45Pero sino kaya ang mga nagkukumpas sa mga ito?
10:48Yung mga groups na interested, mga partisan, mayroon talagang obvious na moves na i-overtrend up.
10:55Mga kurakot, dapat man ito!
10:59Sabi ni Lakson, bagamat dapat magpatuloy ang galit ng publiko sa katiwalian sa likod ng maanumalyang flood control projects,
11:06hindi ito dapat humantong sa paglabag sa konstitusyon.
11:08Sabi naman na Senat President Tito Soto, hindi niya itong susuportahan dahil hindi makabubuti ang civil-military junta.
11:15It will be very difficult. Anything unconstitutional as far as running the government is concerned, we will turn it into a banana republic.
11:24Paglilinaw naman ang Koalisyong Trillion Peso March na magrarally sa linggo,
11:28hindi kasali sa kanila magiging panawagan ang pabagsakin ang pamahalaan o mag-resign ang mga nasa pwesto.
11:34Binasa ko rin sa aking opening statement, sa unity statement, lalong-lalo na,
11:41na hindi tayo sumusuporta sa pwersa na magtatatag ng military junta o revolutionary government
11:53o ano paman na papalitan yung ating government ngayon.
11:58In other words, we adhere to the call of the Constitution, democratic process ang ating sundin.
12:09Kung mag-resign man sila, dapat daw na ayon pa rin sa konstitusyon ang susunod na mangyayari.
12:14Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal nakatutok, 24 oras.
12:19Inalis na sa pwesto ang labing apat na polis na inarareklamo ng pagnanakaw sa Cavite.
12:25Ang isa sa kanila, akusado pa ng panggagahasa sa isang 18 anyos na babae.
12:30Arestado at dinisarmahan ang walo habang patuloy na tinutugis ang anim.
12:35Damay rin sa asunto ang kanilang commander.
12:37Nakatutok si June, venerasyon.
12:39Inaresto at dinisarmahan ang mga kapwa nila polis sa kanilang opisina sa Calambalaguna,
12:48ang walong miyembro ng PNP Drug Enforcement Group.
12:51Inarareklamo sila at aning pang at large ng rape at robbery ng isang 18 anyo sa babaeng biktima.
12:57Hindi pinangalanan ng polisya ang mga sangkot.
12:59Nakatakip na rin ang kanilang mga buka sa mga larawang ibinigay sa media.
13:03Pero sabi ng Cavite Provincial Police Office,
13:05itinuro ng biktima ang team leader ng grupo na may ranggong lieutenant na siyang nanggahasa umano sa kanya.
13:12Zero tolerance policy po tayo.
13:14Yan po yung ating paninindigan at justice will be served sa complainant.
13:19Nagsimula raw ito bilang isang lehitimong drug bypass operation sa Baco or Cavite noong Sabado, November 22.
13:26Pero nag-negatibo ang risulta dahil nakatakas ang target.
13:29At ang inabuta ng mga polis ay ang girlfriend ng sospek.
13:33Sa halip na umalis, pinasok daw ng mga polis ang bahay.
13:36Ang isa sa kanila, dinala sa kwarto ang biktima kung saan umano siya hinalay.
13:41Kinuha rin umano nila ang singsing at cellphone ng biktima at ilang pang kagamitan pati isang motorsiklo.
13:46Of course, dini-deny nila.
13:48But then again, lalapag na po yan sa korte.
13:52It's something that they have to answer in open court.
13:55Nabawi sa mga sospek ang cellphone at motorsiklo.
13:58Nakuha rin sa kanila ang iba't ibang kalibre ng baril at bala, pati na rin ilang pakete ng hinihinalang droga.
14:03Nire-leave na ang labing apat na polis na kasama sa operasyon.
14:06Damay din ang kanilang commander na may rangong colonel dahil sa command responsibility.
14:11Pero ang colonel, napagalamang hindi pala nagre-report sa opisina simula pa noong November 22.
14:16Kahit ang kanyang naka-file na leave ay para pa sana sa November 25 to 28.
14:20It would form part of the complaint po kasi iniwan niya, hindi siya nagpaalam, in-anticipate niya yung leave niya, umalis ng maaga.
14:29It would form part of the admin case po.
14:32Sinusubukan pa namin makontak at makuha ang panig ng mga polis at kanilang commander.
14:37Para sa GMA Integrated News, June Van Arasyon na Katutok, 24 Oras.
14:42Inilunsad ngayong araw ng Department of Agriculture ang isang master list registry system para mas mapadali ang proseso sa pagbili ng 20 pesos kada kilong bigas.
14:56Kung paano makakapagparehistro alamin sa pagtutok ni Bernadette Reyes.
15:03Mano-mano naglilista mga bumibili ng 20 pesos kada kilong bigas sa mga kadiwa store.
15:09Ayon sa Department of Agriculture, nakakatagal yan sa pagbili at may ilang nagpapabalik-balik kaya mahirap i-monitor kung sobra na sa limit ang nabibili.
15:19Kaya naman ngayong araw, formal nang inilunsad ng DA ang master list registry system kung saan maaari magrehistro ang mga benepisyaryo sa mga piling P20 bigas outlet.
15:30Sa susunod, maaari niya rin magparehistro sa mga LGU, mga piling paaralan, maging online sa pamagitan ng government app gaya ng egov.ph.
15:41Kailangan lang magdala ng ID at kapag rehistrado na, may ibibigay na QR code na gagamitin tuwing bibili ng benteng bigas, target ng pamahalaan na maabot ang 15 million na households sa taong 2026.
15:54Malayunin ang reducing system na ito na mas mapabilis at mapapadali ang pagkakailinan ng mga qualified beneficiary.
16:04Kailangan magkaroon kayo ng QR code para makapag-avail ng P20 rice for starting January 2026 hanggang June 2028.
16:15Sa gitna niya, sinisikap din daw ng DA na gawing mas abot kaya ang presyo ng ilang bilihin tulad ng karning baboy, sibuyas at carrots na mataas ang presyo dahil sa mahigpit na supply.
16:27Ang pulang sibuyas halimbawa, umaabot ng 300 pesos kada kilo o higit pa ka presyo na ng isang kilong baboy.
16:34Paisa-isa na lang po yung binibili, lalo na po yung sibuyas, napakamahal ngayon.
16:39Sobrang magastos. Sa mga sahog pa lang, halos ano na eh, pambili mo na ng ulan.
16:46Meron ng onion, red onion na 300, diba? I mean, 280, 200.
16:51Eh, ang cost nila to bring that in is only 60 pesos eh. Abuso naman yun.
16:56DA will ask for show cost and maybe DTI also, pero ang police powers ito na sa DTI actually nila sa amin.
17:02Kung matrace namin saan namang galing yung imported na item na yun na binibenta na mataas, malamang isuspend namin yung importation privilege ng kumpanya na yun.
17:16Pagpasok ng Disyembre, magtatakda ng maximum sa gesture retail price ang DA sa ilang bilihin.
17:23Ang target na presyo, 370 pesos kada kilo sa liyempo at 340 pesos sa Kasim at Pigue.
17:30120 pesos naman sa imported at lokal na sibuyas na puti at pula, 120 pesos din sa carrots.
17:38Pero daing na mga nagtitinda sa litex market sa Kasun City, mahirap ibenta sa ganitong presyo kung wala namang mapagkukuna ng mas mura.
17:46Kung may magbibigay sa amin ng mas mababa, like 100, siguro kakayanin. Pero ngayon kasi mataas talaga yung mukuha namin ngayon.
17:55Nag-range po ng 270, paano mabibenta namin ng 120?
17:58Magde-deliver sa amin ng babay kung matano presyo bigyan nila. Pero yung presyo ng gano'ng kaya na nang benta.
18:05Sa Marikina Public Market naman, may nagbibenta na ng imported na sibuyas sa halagang 120 pesos kada kilo.
18:12Pero hindi raw nila kayang iparehas ang presyo ng lokal na sibuyas.
18:16Paiba po araw-araw ang presyo namin eh. Hindi po pwedeng iparehas sa 120.
18:20Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, nakatutok 24 oras.
18:29Happy buhay naman ng chikahan mga kapuso.
18:32Sabay sa pagdidiwang ng National Children's Month, nilagdaan ngayong araw ang renewed partnership ng GMA Network Incorporated at Save the Children Philippines.
18:40Pinungunahan niya ni GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon Valdez at ni Save the Children Philippines CEO Atty. Alberto Muyot.
18:50Naroon din si Save the Children Philippines Ambassador Barbie Fortesa na isa sa mga nagbahagi ng advocacy message tungkol sa iba't ibang issue tungkol sa karapatan ng mga bata.
19:00Ang kabataan, they are the hope of our nation. They are the hope of the world.
19:08And we need to really listen to their voice kasi they are very empowered.
19:14We at GMA, we are here to make your voice heard.
19:21Papakinggan namin kayo at talagang gagawa kami ng paraan para marinig kayo ng buong bansa.
19:27I've become hopeful dahil ganito mag-isip ang ating mga kabataan today.
Be the first to comment