00:00Nakataas ang alerto ng Caraga Region sa harap ng banta ng Bagyong Verbena.
00:05Partikular na binabantayan ay ang banta ng pagbaha at pagguho ng lupa.
00:09Si Jezuel Sudario na Radyo Pilipinas sa Sandro ng Balita.
00:15Nagsimula ng magparamdam ang Bagyong Verbena sa Agusan del Norte.
00:18Alas 5 ng umaga nang magsimulang bumuhos ang malakas na ulan dito sa Cabadbaran City.
00:23Kaya naman ang Office of Civil Defense Caraga patuloy na nakaalerto
00:26lalot nakataas na ang Orange Rainfall Warning sa Caraga Region.
00:30Kabilang sa mga binabantayan sa matinding pagulan at pagguho ng lupa
00:33ay ang Agusan del Norte, Surigao del Norte, Surigao del Sur at Dinagat Islands.
00:38At para mahigpit na mamonitor ang lagay ng panahon at mga apektadong lugar,
00:42itinaas na sa Blue Alert status ang Caraga Regional Disaster Risk Reduction and Management Council.
00:47Batay sa Caraga RDRMC Advisory No. 1,
00:51ipinatutupad na ang iba't ibang preparedness actions at safety measures.
00:54Sa ngayon, suspendido na ang pasok sa eskwelahan at trabaho sa matanggapan ng gobyerno ngayong araw.
01:00Samantala, hinimok ng OCD Caraga ang publiko na manatiling alerto,
01:04lalo na ang mga nakatira sa mababang lugar at landslide-prone areas.
01:08Pinapayuan din ang mga residente na mag-ingat at maging handa upang maiwasan ng anumang sakuna.
01:12Pagtitiyak ng pamahalaan, handa ang lahat ng mga kinauukulang ahensya
01:16para agad makatugon sa pangangailangan ng mga maapektuhang residente.
01:20Mula sa Kabadbaran City para sa Integrated State Media.
01:24Jezriel Sudario ng Radyo Pilipinas, Radyo Publiko.
Comments