Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pambihira o phenomenal para sa ma-experto ang sobrang lakas na ulan at biglang pagbaha sa Quezon City kahapon.
00:08Ang dami po na ulan, higit pa sa naitalang hourly average noong Bagyong Undoy.
00:13Kahit mga lugar na hindi gaano binabaha noon, nalubog ngayon. Nakatutok si Nico Wahe.
00:23Nambiglang umulan kahapon sa Quezon City, rumagasa ang baha sa ilang bahagi ng Barangay San Vicente sa Diliman.
00:30Pinasok ng tubig ang ilang bahay. Hanggang baywang ang baha sa ilang lugar.
00:36Ilang residente ang sinagip sakay ng rubber boat.
00:40Sa Barangay Loyola Heights, hanggang baywang ang baha sa Marytown, kaya nagtulong-tulong sa paglikas sa mga residente.
00:47Ang mga lugar na ito, malapit lang sa University of the Philippines.
00:52Mismong UP Diliman nga, hindi nakaligtas sa baha.
00:55Ang malagubat na pamosong lagun ng campus, naging totoong lawa ng bahain.
01:00Baha rin maging ang mga kalsada sa paligid ng universidad, tulad ng Katipunan Avenue.
01:05Ang Commonwealth Avenue, naparalisa ng baha.
01:08Hebigat ang trapiko.
01:10Lumutang ang ilang kagamitan at basura.
01:13Nagmistulang ilog na ang kalsada sa bahagi ng Quezon Memorial Circle.
01:17Ngayon din sa ilang bahagi ng EDSA.
01:22Ang bus na ito sa may EDSA busway bandang Quezon Avenue, pinasok ng baha.
01:29Mula EDSA, tanawang maladagat na sitwasyon sa bahagi ng Madre Ignacia at Summer Avenue.
01:34Tila umaalo ng tubig habang mabilis na tumataas ang baha.
01:39Sa lalim ng baha, bubong na lang ang kita sa pickup na ito.
01:43Nalubog din ang isang utility van.
01:45Sa taas ang tubig, kalahati ng street sign ang lubog.
01:50May sasakyan ding lumutang sa gitna ng baha sa Viluna.
01:54Sa barangay Katipunan, abot dibdib ng baha at kinailangan ng gumamit ng bangka ng mga residente.
02:00Sa Giaraneta Avenue, maraming sasakyan ang nalubog sa baha.
02:03Ang ilang stranded sa ibabaw ng mga sasakyan na gintay ng paghupa ng baha.
02:08May mga sumakay naman sa bangka para makatawid.
02:11Sa timelapse CCTV video na ito sa barangay Talayan, Riverside,
02:15kita ang mabilis na pagtaas ng baha.
02:17Sa loob lamang na mayigit 30 minuto, pinasok na ng tubig ang bahay.
02:22Paghupa ng baha, samot-saring basura naman ang naiwan
02:25sa bahagi ng West Riverside Street sa barangay San Antonio.
02:29Pero kalauna yung nilinis din ang LGU.
02:30Sa gitna ng maulang panahon kahapon,
02:35isang batang lalaki ang natangay habang naglalaro sa creek sa Marikina.
02:40Wala na siyang buhay ng matagpuan sa pasig.
02:42Nakatotok si Jamie Santos.
02:44Kita pa sa cellphone video ang bahagi ng ulo ng labing isang taong gulang na batang lalaki.
02:53Bago tuluyang lamunin ang malakas na agos ng creek sa SS Village, barangay Concepcion 2, Marikina.
02:59Ayon sa mga otoridad, naglalaro ang bata kasamang isang kaibigan
03:03sa gilid ng creek sa kasagsagan ng ulan kahapon.
03:07Nang biglang tumaas ang tubig, tinangay na siya.
03:10Sinubukan pa siyang iligtas ng nakatatandang kapatid.
03:13Dahil sa sobrang lakas ng agos, nakabitiw ang kapatid.
03:17Pero naitulak pa raw nito ang kalaro kaya nakaligtas ang isa.
03:20Biglang tumaas, edi nagabulan na po, inabul ko po.
03:25Hanggang makaabot kami sa pumping,
03:26doon, nayakap ko po siya.
03:29Kaso nakabitaw rin po, sobrang lakas ng agos.
03:32Ayon sa barangay, lalong lumakas ang agos sa creek
03:35dahil sa operasyon ng pumping station sa lugar.
03:38Medyo talaga po mataas ang tubig.
03:40Ang taas ng ba, ang lakas ng karin.
03:42Magdamag na naghintay ang ina ng biktima
03:44sa posibleng paglabasan ng tubig
03:47kung saan umaasang matatagpuan ang anak.
03:50Pero bigo silang makita ito kagabi.
03:52Binibay ko na, na basa ganito, ganito, ito uras.
03:55Tapos naglakad na ako, inabul ko na hanggang saan-saan.
03:59Wala, nangipaglaro siya pero hindi po talaga doon sa creek na bumababa.
04:04Ganyo lang talaga siya.
04:05Kanina, pinuntahan ng Marikina Rescue at Philippine Coast Guard
04:09ang bahagi ng barangay Mayamot pero wala pa rin risulta.
04:13Hanggang makatanggap ng tawag ang mga taga Marikina.
04:16Sa barangay Santolan sa Pasig, natagpuan ang bata.
04:20Wala ng buhay.
04:21Isang bankero raw ang nakakita sa kanya.
04:26Ayon sa barangay, matagal nang ipinagbabawal ang paglalaro sa creek.
04:30Dahil sa nangyari, haharangan na raw ito para hindi na makapasok ang mga bata.
04:35Para sa GMA Integrated News, Jamie Santos, nakatutok 24 oras.
04:41Maulit kaya mga bigla ang pagulan kahapon sa Quezon City.
04:46Ano rin kaya magiging panahon sa iba pang panig ng bansa.
04:49Ang latest alamin mula kay Amor Larosa ng GMA Integrated News Weather Center.
04:53Amor.
04:54Salamat Ivan, mga kapuso.
04:58May namuuna naman pong bagong low pressure area sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
05:03So yun pong minonitor natin itong viernes.
05:05At ganoon din kahapon, araw po ng Sabado, ay nagdissipate o nalusaw na po yan.
05:09Tapos ito namang bagong LPA.
05:11Huli po yung namataan kaninang hapon.
05:14675 kilometers silangan po ng Borongan City sa Eastern Samar.
05:18Ayon po sa pag-asa, mababa pa sa ngayon ang chance na itong maging bagyo.
05:22At sa magiging paghilos naman po nito sa mga susunod na oras at sa mga susunod na araw,
05:27mababa po yung chance na ito na mag-landfall o tumama dito po sa lupa.
05:31Dahil paakyat po yan yung magiging galaw po nito.
05:34Pero habang umaangat itong nasabing LPA,
05:36posibleng pong maka-impluensya po yan doon sa pag-iral naman ng hanging habagat o southwest monsoon.
05:43Pwede pang magbago ang paghilos nito, kaya patuloy po kayong tumutok sa updates.
05:47Maging bagyumano hindi, magpapaulan po yung trough o buntot ng LPA.
05:51So yung mga bahagi po ng kaulapan niyan ay medyo po nakaka-apekto o maabot na dito sa ilang bahagi po ng ating bansa.
05:57Kasabay po niyan yung patuloy na pag-iral din at yung mga pag-ulan dadalhin nitong southwest monsoon o yung hanging habagat.
06:04So ito rin po yung nagdulot ng mga pag-ulan ngayong weekend.
06:07Yung trough ng LPA, hanging habagat at pati na rin yung localized thunderstorms.
06:12Base po sa datos ng Metro Weather, umaga pa lang po bukas may chance po ng ulan.
06:16Dito yan sa may Calabar Zone, Mimaropa, ilang bahagi po ng Central Luzon, Bicol Region at ganoon din dito sa Western at pati na rin dito sa may Eastern Visayas.
06:26Meron na po kagad mga malalakas na pag-ulan, kaya dobly ingat po sa mga posibleng pagbaha ulan slide.
06:32Sa hapon, halos buong Luzon na po ang uulan.
06:34May mga malalakas na buhos pa rin po tayong nakikita, lalong-lalong na dito sa may Northern and Central portions.
06:40Sa may Southern Luzon, kasama po dyan itong Calabar Zone, Mimaropa at Bicol Region.
06:45Pusiba rin po ang mga kalat-kalat na pag-ulan dito po yan sa Visayas at pati na rin sa Mindanao.
06:51Sa Metro Manila naman, pwedeng may mga pag-ulan na po sa ilang lungsod umaga pa lang.
06:56Meron na tayong nakikita mga kulay dito sa ating mapa kahit morning.
06:59Mag-monitor po ng advisories dahil pwede po yung maulit pagsapit po ng hapon at gabi.
07:05At ito po, ayon po sa pag-asa, posibleng magpatulo yung ganitong weather condition sa susunod na tatlong araw.
07:11Posibleng pong concentrated po yung mga pag-ulan.
07:13Dyan po yan sa may Calabar Zone, Mimaropa, ilang bahagi po ng Metro Manila at Bicol Region.
07:18At kapag po lalo na pong umangat yung minomonitor po nating low-pressure area dyan po sa may Northern Philippine Sea,
07:24posibleng pong makaranas na mga pag-ulan ang Northern Luzon.
07:28Patuloy po kayong tumutok sa magiging pagbabago sa mga susunod na araw.
07:32Yan ang latest sa ating panahon.
07:34Ako po si Amor La Rosa.
07:35Para sa GMA Integrated News Weather Center, maasahan anuman ang panahon.
07:41Hindi raw kinaya ng drainage system ng Quezon City ang dami ng ulan kahapon.
07:45Ang rainfall sa loob lang ng isang oras katumbas ng ulan sa loob ng halos limang araw.
07:52Kaya nalubog pati mga hindi bahaang lugar gaya sa bahagi ng UP at Ateneo.
07:57Nakatutok live si Niko Wahe.
08:00Niko.
08:00Ivan, nandito o ngayon sa Katipunan Avenue na isa sa mga binahang lugar dahil sa malakas na ulan kahapon.
08:11Nagtanong-tanong tayo dito kanina kung binabaha ba talaga sa lugar neto.
08:16Marami sa kanilang nagtaka dahil hindi naman daw talaga binabaha rito.
08:20Ayon sa QCDRRMO, hindi nga kinaya na kanilang drainage system ang malakas at maraming ulan kahapon.
08:26Ang mga mataas at bigla ang pagbaha sa 36 na barangay sa Quezon City kahapon,
08:36fenomenal o pambihira ayon sa UP Resilience Institute at UP NOAA Center.
08:41Batay sa datos ng pag-asa Science Garden, umabot sa 141mm ang dami ng ulan kahapon.
08:47Pinakamarami bandang alas 2 hanggang alas 3 ng hapon na nagbagsak ng 96.6mm ng tubig.
08:54Katumbas daw yan ng halos limang araw na pagulan kung pagbabasya ng minimum amount of rain tuwing Agosto na nasa 568.5mm.
09:03Mas mataas din sa peak hour ng bagyong ondoy noong 2009 na 92mm lang.
09:08Localized thunderstorm lang ang nagpaulan kahapon.
09:11Hindi siya yung katulad ng mga habagat na malaking area yung nasasakop.
09:17Ito ay mga usually kasi pwede kasi talaga siyang madalas na nangyayari na in a span of 2 to 3 hours,
09:24pwede tayong umabot na magkaroon ng mga malalakas na mga pagulan po.
09:28Ayon sa Quezon City Disaster and Risk Reduction Management Office,
09:32hindi kinaya ng drainage system ng lungsod ang dami ng ulan kaya nalobog maging mga hindi binabahang lugar.
09:37Nakita po nalaga natin yung need po talagang paitingin po yung preparedness at sya kayo ating infrastructure improvement para po sa areas na ito.
09:49Ongoing daw ang pagkumpleto nila sa kanilang drainage system na dinesenyo ng UP Resilience Institute.
09:552023 daw nang may turnover sa kanila ito at sinimulang gawin noong 2024.
09:59Sa Tandang Sora, may basketball court na ang nasa ilalim ay isa sa mayigit 160 detention basins na ginagawa ng LGU na kabilang sa drainage master plan.
10:10Ito yung itsura ng ilalim ng basketball court na tatawaging Tandang Sora Detention Basin
10:17o kasama doon sa nasa 160 plus na detention basin na ginagawa nitong LGU ng Quezon City na kabilang doon sa kanilang drainage master plan
10:28para maiwasan na nga yung mga pagbaha sa Quezon City kahit saklit lang yung mga pagulan.
10:33Ang tubig na kaya nitong ihold bago pakawalan, katumbas ng 1.2 million liters ng tubig o kalahating Olympic size swimming pool.
10:41Hindi pa raw maibigay ng Quezon City kung kailan matatapos ang proyekto dahil may mga hinihintay pang pondo.
10:47Ayon sa UP Resilience Institute, may ilang mga syudad na rin daw na nagpapatulong sa kanilang gumawa ng drainage master plan.
10:53Pero anila, dapat konektado ang mga drainage system ng mga lungsod.
10:57At bukod sa infrastruktura, dapat isaalang-alang sa flood control ang pagtatanim ng puno at pagpapalalim ng mga ilog.
11:03Palagay ko hindi naman natin completely ma-eradicate yung pagbaha na yan.
11:07But we can adapt, we can lessen it, and make it tolerable so that we can live with nature.
11:19Ivan, bandang alas 3 ng hapon kanina ay muli na namang bumagsak yung malakas na ulan dito sa ilang bahagi ng Quezon City,
11:27kabilang itong Katipunan Avenue, pero wala naman tayong nakitang pagbaha ngayon dito.
11:32Kaya tuloy-tuloy yung daloy ng trafik ko.
11:34Yan muna ang latest. Balik sa iyo, Ivan.
11:36Maraming salamat, Nico Wahe.
11:40Mabilis na nalubog sa bahang isang barangay sa Baras Rizal matapos ang pagulan doon kahapon.
11:46Umapaw na yung ating ilog. Bumara na yung mga water lili.
11:50Ayon sa isang residente, umapaw ang tubig sa tulay sa barangay Santiago sa loob lang ng limang minuto.
11:56Bukod sa pagulan, nagpapabaharin daw ang mga bumabarang debris mula sa bundok at mga water lili.
12:03Nagaranas din ang pagulan kahapon sa Tagbilaran City sa Bohol dahil sa lakas ang ulan.
12:09Dahil dito stranded ang ilang pasahero.
12:12May mga motorista namang sinuong na ang baha.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended