24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Mga na hapon po, patay ang isang lalaki matapos saksakin ng tricycle driver sa Maynila.
00:07Ginawa raw ito ng suspect matapos batukan ng biktima.
00:12Nakatutok si Jomera Presto Exclusive.
00:18Nakipag-appear at handshake pa ang 28-anyos na si Elias Jason
00:22sa ilang kabataan sa Evangelista Street sa Santa Cruz, Maynila,
00:25mag-alas 4 ng madaling araw nitong Merkulis.
00:28Pero nang hindi makipag-appear sa kanya ang 28-anyos na si Elias Jovel,
00:32pinagbabato kanya ito ng ilang beses na sinundan pa ng ilang suntok.
00:37Nakalayo sa kanya si Elias Jovel.
00:40Maya-maya lang, nakita sa video ang pagdanak ng dugo mula sa tagilira ni Elias Jason.
00:45Nasaksak na pala siya ni Elias Jovel.
00:49Bago ang paninaksak, may kitang nagkakape ang suspect na isang tricycle driver at nag-aabang ng biyahe.
00:55Tila hinawi ng biktima at nang kaibigan nito ang ulo ng sospek,
00:59kaya ito napatayo at tila may dinudukot sa kanyang bulsa.
01:03Sa kasagsagan ng gulo, may kitang lalaking humawi sa ulo ng sospek
01:06na may hinugot rin sa kanyang bulsa at inabot sa isa pang lalaki bago sila umalis kasama ang biktima.
01:12Siyempre, naghahanap buhay.
01:14Eh, yun, napagtripan, nakaupo doon.
01:17Naisugod pa sa ospital ang biktima pero binawian din ang buhay makalipas ang tatlong oras.
01:21Kili-kili, tatlo tama eh.
01:23Sa tingin ng barangay, dinepensahan lang ng sospek ang kanyang sarili.
01:28Siyempre, kahit na sino naman, naprobok.
01:31Gagantit-gaganti.
01:33Makalipas ang apat na oras, natuntun si Alias Jovel na nagtaguraw sa mga bubong.
01:38Pusang loob naman siyang sumuko sa mga otoridad.
01:42Sabi ng isang saksi, dati nang may alitan ng dalawa matapos maging kasintahan noon ni Alias Jovel,
01:47ang naging kasintahan din ang biktima.
01:49Nag-selo siguro.
01:51Natagal na yan, nag-alitan doon.
01:55Naharap sa reklamong homicide si Alias Jovel.
01:57Sinong subukan pa namin siyang makuha na ng pahayag,
02:00gayon din ang pamilya ng biktima.
02:02Para sa GMA Integrated News,
02:04Jomer Apresto nakatutok 24 oras.
02:07Isang security guard ang nang-hold up sa mismong bangko na binabantayan niya
02:12at ang mga nahulikam na krimen sa pagtutok ni Darlene Cai.
02:19Abala sa trabaho ang mga empleyado ng bangkong ito sa Iba Zambales
02:23nang biglang lumapit ang gwardya nilang nakajuti.
02:26Pero maya-maya, bumunot siya ng baril at nagdeklara ng hold up.
02:31Inutusan niya ang manager at mga empleyado na pumunta sa vault.
02:34Inawa niya po yung 4,670,000 na pera sa vault.
02:40Then after that po, sumakay po siya ng tricycle.
02:42And nung makarating sa bandang Cusada Street,
02:45bigla na lang pong tumutok ng baril sa victim number 2.
02:49At doon po, tinangay na po ng tulo yan yung tricycle.
02:53Lunes nangyari ang pagnanakaw.
02:55Natagpuan kalauna ng polis siya ang inabandon ng tricycle
02:58habang ang suspect inareso nitong Webe sa bayan ng Santa Cruz.
03:02Nag-report po yung isang waiter doon regarding nga po doon sa presence ng isang lalaki
03:07na naglalabas ng baril.
03:10Doon po, na-aresto po yung ating suspect sa pangu-hold up dito sa siyang bangko
03:15at yung pagkakarnap po.
03:18Nahaharap sa patong-patong na reklamo ang suspect na wala pang pahayag.
03:23Talawang tindahan naman ang ninakawan sa Zambuanga City.
03:26Huli kam ang paglapit ng isang lalaki sa tindahan sa barangay Kabalway.
03:30Nagpanggap na bumili ang suspect pero pagtalikod ng tindero,
03:34dinukot at tinangay ng lalaki ang lalagyan ng pera na may lamang 1,500 pesos.
03:41Sa isang tindahan sa barangay Santa Maria,
03:44tinangay ang limang tray ng itlog na mahigit isang libong piso ang halaga.
03:48Agad siyang tumakas sakay ng isang motorsiklo.
03:50Tinutugis ang dalawang suspect.
03:52Para sa GMA Integrated News, Darlene Kai, nakatutok 24 oras.
04:00Sinimula na ng mauturidad ang pagsisilbi ng arrest warrant ng Sandigan Bayan sa mga dawit sa mga kinurakot na flood control project.
04:11Isa sa mga pinuntahan ng mauturidad, ang condominium unit ni dating Congressman Zaldico.
04:16Tinutukan niya ni Darlene Kai.
04:18Bit-bit ang arrest warrant, pinuntahan ng warrant and sabina personnel ng Taguig Police,
04:26ang bahay ni dating ako, Bicol Partilist Representative Zaldico,
04:30sa isang luxury condominium sa Taguig Pasadolas 11 kaninang umaga.
04:33Pero wala silang inabutan doon.
04:35Sabi raw ng naka-duty na manager ng gusali,
04:38wala roon si Ko at halos isang buwang selyado ang kanyang unit.
04:41Patuloy raw ang surveillance at monitoring efforts sa mga polis para hanapin at arestuhin si Ko.
04:47Kahapon inilabas ang Sandigan Bayan ng mga arrest warrant laban kay Ko at labing limang iba pa
04:51mula sa DPWH at Sunwest Corporation na pagmamayari ng pamilya ni Ko.
04:56Para yan sa mga kasong malversation of public funds through falsification at two counts of graft
05:00para sa umunay substandard na 289 peso road die project sa Nauhan, Oriental, Mindoro.
05:06Walang piyansa ang kasong malversation of public funds.
05:09Kasabay ng warrants, naglabas ng whole departure order ang Sandigan Bayan para sa lahat ng akusado.
05:15We released the warrants of arrest kahapon.
05:18It was received by the CIDG from the PNP-CIDG.
05:22So we expect them to serve and implement yung warrants of arrest.
05:26Now, as ordered, they are mandated to bring the persons of the accused before the court and then after ng yun.
05:35Hanggang ngayong hapon, wala pa raw natatanggap na impormasyon ng Sandigan Bayan na may dinampot na ang mga otoridad.
05:41We treat these cases like any other case.
05:44So ang presence namin this is Saturday is with or without pa itong mga flood control cases.
05:50Ito talaga yung regular duty namin.
05:53Sa isang mensay sa GMA Integrated News, sinabi ng abogado ni Zaldico na si Atty. Rui Rondain
05:58na nagtitiwala silang nasunod ang regular procedure para sa paglalabas ng arrest warrant.
06:03A-action na at haharapin daw nila ito.
06:05Sinabi kahapon ng Interior Secretary John Vic Remulia na may impormasyon silang nasa Japan SICO sa nakalipas na mga araw.
06:12Sa isa namang pahayag, sinabi ng DILG na kumikilos na sila sa utos ng Pangulo
06:17kaugnay sa pag-aaresto sa mga akusado ng mga kasong may kaugnayan sa flood control projects.
06:22Inutusan na raw ng DILG ang PNP na ipatupad ang mga arrest warrant ng naaayon sa batas at due process.
06:29Para sa GMA Integrated News, Darlene Kai nakatutok 24 oras.
06:36May red notice na ang otoridad sa tinutugis na si Cassandra Lee Ong na wanted dahil sa kasong kaugnay sa Pogo Hub sa Porac, Pampanga.
06:45Ang pinakahuling impormasyon sa lokasyon ni Ong, sa Japan daw siya huling na-track noong Enero.
06:51Nakatutok si Bernadette Reyes.
06:56Ngayon po si Cassandra Lee Ong, naka-release po siya.
07:03Paano po nangyari yun, Mr. Chair?
07:05Mr. President, actually nagulat rin ako.
07:08Ikinagulat kahapon ng mga senador ang impormasyong at large ngayon si Cassandra Lee Ong
07:14na may kasong qualified human trafficking kaugnay sa Lucky South 99 Pogo Hub sa Porac, Pampanga.
07:21Noong 19th Congress, nasa kustudiya ng Kamara si Ong matapos is-cite in contempt at dinala sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong.
07:30December 2024, nilif ng kumite ang contempt orders kay Ong dahil sa kanyang medical condition kaya nakalaya siya.
07:38So they are duty bound to release her.
07:41Otherwise, baka naman sila ang makasuhan ng arbitrary detention or ano pa ang mga ibang kasong paglabag sa krapata ni Cassie Ong.
07:50Base sa record ng Presidential Anti-Organized Crime Commission o PAOK, huling na-track si Ong sa Japan noong Inero.
07:58Pero ngayon, hindi na raw alam kung nasaan si Ong.
08:01That we are not privy anymore. So ngayon, we have to backtrack everything with regards to her movement.
08:09Sabi ng PAOK, tanging immigration lookout order para kay Ong ang meron noon at wala pang nakasampang kaso, kaya pwede pa siyang makalabas ng bansa.
08:19Abril na isampang kasong qualified human trafficking sa korte sa Angeles, Pampanga, laban kay Ong.
08:25Pati kay dating Presidential Spokesperson Harry Roque na tumulong para makakuha ng operating license ang Lucky South 99.
08:32Mayo naman na maglabas ang korte ng arrest warrant laban sa kanila. Sa ngayon, may red notice na laban kay Ong.
08:39Magko-collaborate po ang mga ahensya ng gobyerno sapagkat nakakalungkot nga po na nahirapan tayong hanapin ngayon.
08:49Bakit importante ang kongreso dito sapagkat sila po ang huling may hawak kay Catherine Cassandra Leong.
08:57Samantala nag-apply na rin ang red notice ang pamahalaan laban kay Roque na kasalukuyang nasa the Netherlands at humihingi ng political asylum doon.
09:07Alam ni Mr. Roque at alam ni Cassie Leong na yung kanilang negosyo ay instituted, incorporated for the purposes of conducting trafficking in persons.
09:17Kaya ahabulin po natin yung dalawang yun.
09:19Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, nakatutok 24 oras.
09:24Inihimlay na sa libingan ng mga bayani si dating Presidential Legal Council at dating Senate President Juan Ponce Enrile.
09:33Bumuhos ang pagdadalamahati ng kanyang mga kaanak at ilang malapit na kaibigan.
09:37Dumalo rin ang ilang opisyal ng gobyerno.
09:40Bago ang libing, nagkaroon ng funeral mass sa Santuario de San Antonio Church sa Makati City.
09:44Nagsilbing Defense Minister si Enrile noong administrasyon ni dating Pangulong Marcos Sr. at dating Pangulong Cory Aquino.
09:53Sa isang pahayag, kinundinan ng grupong SELDA ang Heroes Burial kay Enrile dahil sa naging papel niya sa paglalatag ng Martial Law.
10:01Kung kailan libo-libo ang namatay at nawala.
10:03Naka-pulupot pa sa isa't isa.
10:12Ang tatlong mahahabang sawa na tumambad sa mga taga-barangay si Kalao sa Lasam, Cagayan.
10:19Nakuha rin ang isang malaking igat o eel.
10:21Ayon sa uploader ng video na bulabog ang mga hayop ng excavator sa ginagawang flood control project.
10:29Namatay ang isa sa mga sawa matapos tamaan ang bucket ng excavator.
10:35Nagpapagaling sa ospital ang isang lalaking minor de edad sa Maynila matapos gulpihin at saksakin ng dalawang kapwa minor de edad.
10:43Nakatutok si Bea Pinla.
10:44Ang tila normal na gabi sa labas ng isang computer shop sa barangay 164, Tondo, Maynila.
11:00Nauwi sa gulo ng pagtulungang bugbugin ng dalawang minor de edad ang kapwa minor de edad na lalaking ito.
11:07Ang isa, sinunggaban pa sa leeg ang biktima habang pinagsusuntok ito ng kasabwat niya.
11:13Hindi nagaanong nahagip sa CCTV ang sumunod na nangyari.
11:17Pero kita ng tila mapansin na ng biktima na pinagsasaksak na pala siya sa likod.
11:22Yung biktima ko natin pumiglas hanggang sa napasubsob po.
11:27Ngayon, nung napasubsob, nagkataon naman ho nakita niya na bumunod ng balisong yung suspect 1 natin, yung CICL 1 po natin.
11:34Hanggang sa pinagsasaksak po siya, ang tama niya po sa likod eh.
11:37Aanim po.
11:38Tumakbo ang mga nanggulpin na itinuturing na Children in Conflict with the Law o CICL.
11:44Ang pinagugatan ng krimen, nakaalitan umano ng kamag-anak ng biktima ang kapatid na nananaksak.
11:50Sinitan ng biktima.
11:52Ngayon, yung nakaalitan ng kamag-anak niya na bata, nagsumbong sa kuya niya.
11:57Ngayon, yung kuya niya ho, may kasamang minor de edad din, kumagarumis bak doon sa biktima.
12:04Nagpapagaling sa ospital ang 16-anyos na biktima.
12:08Nahuli naman sa follow-up operation ang 15-anyos na nanunggab sa biktima.
12:12Habang patuloy na hinahanap ang 16-anyos na nanaksak.
12:17Sasampahan sila ng reklamang frustrated murder bago i-turnover sa DSWD.
12:22Para sa GMA Integrated News,
12:24Bea Pinlak, nakatutok 24 oras.
12:27Ipiradeport na ang 23 Chinese nationals na hinuli rito sa bansa dahil sa mga iligal na aktibidad.
12:36Ayon sa Bureau of Immigration, sangkot ang mga dinaport na Chino sa illegal pogo activities at cyber fraud.
12:42Wanted din daw sila sa kanilang bansa.
12:44Nito, Oktubre na ay sa batas ng anti-pogo law.
12:47Kasunod po ito ng anunsyon ni Pangulong Bobo Marcos sa kanyang State of the Nation Address noong 2024
12:52na tuluyan ang ipagbabawal ang mga pogo sa bansa.
12:58Maximum Security Camp ang pagdadalhan kay dating Babantarlak Mayor Alice Guo.
13:03Ora sa ilipat siya sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong.
13:07Sa isang panayam sa Superadio DZBB,
13:09sinabi ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Catapang Jr.
13:13na isasailali muna si Guo sa medical examination at limang araw na quarantine
13:18bago siya dalhin sa Maximum Security Camp.
13:21Nag-deploy na raw ng dagdag na team ang Correctional para tiyakin ang kaligtasan ni Guo.
13:25Iniutos ang Pasig Regional Trial Court na dalhin sa Correctional si Guo
13:30matapos sentensya ang makulong ng habang buhay dahil sa qualified human trafficking
13:35kaugnay sa Pogo Hub sa Bamban.
13:38Inaapila yan ng kampo ni Guo na hinihiling na manatili siya sa Pasig City Jail Female Dormitory.
13:45Sa November 26, nakatakdang dinggin ng korte ang mosyo ni Guo.
13:49Maraming bata at kids at heart ang nahumaling sa hobby na ito.
14:02Mga scale model ng kotse at sasakyan na pinapatakbo gamit ang remote control.
14:06Mga RC o remote control cars.
14:08Sa cafe na ito sa Cebu City, may samutsaring RC cars na pwedeng krentahan.
14:13May pickup, truck, pati na back home.
14:15Ang mga RC cars pwedeng patakbuhin sa binuunin ng mini construction site.
14:20Paandar!
14:21Yung may-ari, mahilig din siya sa mga RCs.
14:25Yung misis niya, mahilig din sa cafe.
14:27So pinaghalo nila kaya nabuo yung concept.
14:30Ang goal talaga ng may-ari para magkaroon din ng bonding yung family.
14:36Pag nasa bahay lang, puro na lang mobile phones ang hawak.
14:40So minsan hindi nagkakausap. At least dito, habang kayo naglalaro, nagkakausap kayo.
14:46It's a must.
14:47Kasi hindi lang yung mga kids mag-i-enjoy, pati rin mga parents.
14:52So, it's a win-win.
14:53Maraming mga pupunta rito. Hindi lang naman Filipino.
14:56May mga puro rin lang din na pumapos sa rito.
14:58Pero paano nga ba napapaandar ng mga remote control ang mga sasakyang ito?
15:01Ang mga RC car ay gumagana gamit ang remote control o transmitter na nagpapadala ng signal papunta sa kotse.
15:11Sa noob ng kotse, may receiver na tumatanggap ng signal at kumokontrol sa motor at servo nito.
15:16Alam niyo ba ng mga RC cars unang humarurot noong 1960s?
15:20Nang naimbento noong 1966 ng Italian Electronics Company na Electronica Giacotoli ang pinakaunang RC car sa mundo.
15:27Ang nitro-powered Ferrari 250 LM.
15:30Noong dekada 70 naman, nagsilabasa ng mga scale model o mas malilit na bersyon ng mga RC cars.
15:35Ito nagsimulang nauso ang mga RC cars bilang hobby.
15:39Ngayon, iba't ibang klaseng sasakyana ang pwedeng kontrolin ang mga remote control na nagdadala ng ngiti sa mga bata at mga kids at heart.
15:46Laging tandaan, ang buhay parang RC car lang din.
15:50Kailangan marunong kang magkontrol para ikaimusan.
Be the first to comment