Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Paglipat kay dating Bambantarlak Mayor Alice Guo sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong,
00:08hindi pa napatutupad. Kasunod yan, paghahain ang kanyang kampo ng mosyon para manatili siya sa Pasig City Jail Female Dormitory.
00:16Sa November 26, nakatakda ang pagdinig kaugnay nito.
00:19Iniutos ng Korte na ilipat sa Correctional si Guo matapos siyang masintensyahan kahapon ng habang buhay na pagkakakulong
00:27na sa kasong Qualified Trafficking of Persons.
00:31Cassandra Leong, nasangkot sa mga kasong may kinalaman sa human trafficking at illegal na pogo at large at wala na sa kustodiyan ng Kamara.
00:39Ito ang naungkat kanina sa pagdinig ng Senado para sa proposed budget ng Department of Justice o DOJ para sa taong 2026.
00:47Si Cassandra Leong po ba? Under detention pa rin ba siya ngayon, Mr. Chair?
00:51Ngayon po si Cassandra Leong, naka-release ho siya.
00:58Ha? Paano po nangyari yun, Mr. Chair?
01:00Mr. President, actually nagulat rin ako.
01:04Pareho tayong nagulat kasi tinututukan ho natin itong case.
01:08Agosto at Setiembre noong nakaraang taon ang dinetain ng Kamara si Ong
01:12dahil hindi siya nagsumite ng mga hinihingin dokumento noon ng Quad Cop.
01:15Pero nakalaya siya noong Desyembre matapos alisin ng kumite ang contempt order laban sa kanya dahil sa kanyang medical condition.
01:23Isa si Ong sa mga suspects sa qualified human trafficking, kaugnay sa ni-raid na Lucky South 99 Pogo sa Porac, Pampanga.
01:31Sangkot din siya sa kasong money laundering na inihain laban kay Aris Buo.
01:35Kumukuha pa rao ng informasyon ng Bureau of Immigration kaugnay sa Lucky South 99
01:39kay Cassandra Leong at pati kay Harry Roque na agad naman daw isusumite sa Senado.
01:44Desisyon na Appeals Chamber na International Criminal Court o ICC
01:48kaunay ng apela ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang interim release.
01:53Ilalabas sa November 28.
01:55Base sa inilabas nilang dokumento, ilalaha dito sa open court bandang alas 5.30 ng hapon dito sa Pilipinas.
02:02Noong Setiembre ay ibinasura ng ICC Pre-Trial Chamber
02:05ang hiling ni Duterte na palayain muna siya habang tinidinig ang kanyang kaso.
02:10Para sa GMA Integrated News, ako si Mariz Umaliang inyo, Saksi.
02:16Mga kapuso, maging una sa Saksi.
02:19Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba't ibang balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended