Skip to playerSkip to main content
Hinimay ng GMA Integrated News ang statement of assets liabilities and networth o SALN ni Vice President Sara Duterte. Umakyat ng mahigit 1,000% ang kaniyang networth mula noong 2007 base sa kaniyang SALN. Sinilip din ang SALN nina Ombudsman Jesus Crispin Remulla at sinundan niyang sina Samuel Martires at Conchita Carpio Morales.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nagtala ng mahigit 88 million pesos na net worth nitong 2024 si Vice President Sara Duterte.
00:07Umakyat yan ng mahigit 1,100% mula noong 2007
00:12base sa paghimay ng GMA Integrated News sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALIM.
00:20Nakatutok si Maki Pulido.
00:21Sa pagsilip ng GMA Integrated News Research sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth ni Vice President Sara Duterte,
00:33makikita ang paglaki ng kanyang net worth mula ng una siyang pumasok sa politika hanggang nitong nakaraang taon.
00:39Mahigit 1,120% na pagtas yan sa loob ng labimpitong taon.
00:452007, unang pumasok sa politika si Vice President Sara Duterte ng mahalal bilang Vice Mayor ng Davao City.
00:52Sa kanyang Statement of Assets and Liabilities o SALN noon,
00:56nagdeklara siya ng real properties na nasa mahigit 3.7 million pesos,
01:00kabilang ang ilang lupa sa Davao City at condos sa Quezon City.
01:04Meron din siya noong personal properties na mahigit 5.4 million pesos at utang na nasa 2 million pesos.
01:10Kaya ang kanyang net worth noon lumalabas na nasa mahigit 7.2 million pesos.
01:16Nang maging mayor ng Davao City noong 2010,
01:19ang kanyang net worth umakyat sa mahigit 16.2 million pesos.
01:24Basa yan sa dineklara niyang real properties na mahigit 10.8 million pesos,
01:29personal properties na mahigit 10.7 million pesos at liabilities na mahigit 5 million piso.
01:35Hindi sumabak sa politika si VP Sara noong 2013.
01:38Pero muling nahalal na mayor ng Davao City noong 2016.
01:43Walang hawak na kopya ng SALN ni Duterte ang GMA Integrated News Research mula 2016 hanggang 2021.
01:50Nang mahalal na vice-presidente noong 2022,
01:54ang kanyang net worth nasa mahigit 71 million pesos na.
01:58Kabilang dito ang mahigit 50 million pesos na lupain, house and lot at condo unit
02:03sa pangalan niya at ng asawang si Atty. Manassez Carpio at kanilang mga anak.
02:07Meron din siyang personal properties na mahigit 23.8 million at mahigit 3.7 million pesos na liabilities.
02:16Sa huli niyang SALN itong 2024, nasa mahigit 88.5 million na ang kanyang net worth.
02:23Para sa GMA Integrated News, Maki Pulido na Katutok, 24 Horas.
02:27Hinimay rin ang GMA Integrated News ang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN
02:33ni na Ombudsman Jesus Crispin Rebulia at sinundan niyang sina Samuel Marteles at Conchita Carpio Morales.
02:41Nakatutok si Salima, Refran.
02:44Sa kanyang entry SALN ang pumasok bilang ombudsman itong Oktubre na nakuha ng GMA Integrated News Research,
02:53nasa mahigit 441.7 million ang kabuang net worth ni Ombudsman Jesus Crispin Rebulia.
03:00Malaking bahagi ng kanyang assets mula sa 300 million na minana niya sa amang si dating Cavite,
03:05Gov. Juanito Rebulia.
03:0783 million ang halaga ng kanyang real properties na karamihan mga bahay at lupa sa Cavite, Las Piñas, Makati at Baguio.
03:1552 million naman ang halaga ng kanyang mga sasakyan.
03:18Nilista rin ni Rebulia na may stock siya.
03:21May pagkakautang siyang 300,000.
03:23Sinilip din ang GMA Integrated News Research ang mga SALN ni Rebulia noong panahong una siyang naging congressman.
03:30Taong 2005, isang taon matapos mahalal,
03:33ang dineklara niyang net worth nasa 20.6 million pesos.
03:38Pagtaas siya na mahigit 2,041% sa loob ng 20 taon kung ikukumpara sa kanyang net worth ngayon.
03:45Tinignan din ang GMA Integrated News Research ang mga SALN na mga Ombudsman na nauna kay Rebulia,
03:51sina Samuel Martres at Conchita Carpio Morales,
03:54na parehong naging Supreme Court Associate Justice pago naging Ombudsman.
03:58Pero tangi mga SALN lamang noong nakaupo na sila bilang Ombudsman ang aming nakuha.
04:04Ang pinalitan ni Rebulia na si Martres ang naglagay ng restrictions noon sa pagsasapubliko ng mga SALN.
04:10Ang kanyang net worth nang magtapos ang termino noong Hulyo,
04:14nasa 78 million.
04:1548 million na dineklarang cash on hand, bank deposits, bonds at mutual funds ni Martres.
04:22Meron din siyang corporate shares sa 23 million na kanyang dineklarang inheritance.
04:26Nagkakahalaga naman ng 1.5 million ang kanyang mga bahay at lupa sa Quezon City, Rizal, Baguio City at sa Samar.
04:34Walang pagkakautang si Martres na magretiro.
04:37Ang kanyang huling net worth mas mataas sa mahigit 36 million
04:40kumpara noong umupo siya sa pwesto noong 2018 o mahigit 87% increase sa loob ng pitong taon.
04:48Si Carpio Morales nagtapos ang termino noong 2018 na may net worth na 80 million.
04:53Malaking bahagi nito, 54 million ay cash on hand, investments, pension at retirement benefits.
05:01Nasa mahigit 19 million ang real properties si Carpio Morales.
05:04Karamihan mga kondo units sa Taguig, Bakati, Maynila at Baguio City.
05:09Walang nilistang utang si Carpio Morales na magretiro.
05:13Kung ay kukumpara sa kanyang SALN ng umupo bilang ombudsman,
05:16dumago ang kanyang net worth na mahigit 96% sa loob ng pitong taon.
05:21Para sa GMA Integrated News, Sanima Refran, Nakatutok, 24 Oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended