00:00Nasa 46% ng Philippine exports sa Amerika ang tariff-free na.
00:05Ito'y matapos ang pagpapatupahan ni U.S. President Donald Trump ng reciprocal tariff exemption sa ilang produktong pang-agrikultura.
00:13Yan ang ulat ni Vel Custodio.
00:16Exempted na sa 19% reciprocal tariff ang isang milyong dolyar na halaga ng Philippine exports sa United States.
00:24Karamihan dito ay agricultural product exports ng Pilipinas.
00:28Kasunod ito ng executive order na inilabas si U.S. President Donald Trump noong November 14
00:33na nagpapatupahan ng reciprocal tariff exemption sa ilang mga produktong agrikultura.
00:39Ayon sa Department of Agriculture, malaking bagay ang reciprocal tariff exemption para sa mga magsasaka at agri-product exporters.
00:47Ang inasahan natin dito po, USEC, ay ang pagtaas ng agricultural exports sa U.S.
00:52Dahil po mahigit sa 200 kategorya ng agricultural products ang exempted, hindi na po tayo sa ilalim doon sa 19% U.S. reciprocal tariff.
01:05At ang pagbibigay ng karagdagang exemption ay magbibigay ng agara na ginhawa sa mga Pilipino magsasaka at agri-product exporters po natin.
01:14Sa kabuan, kasamang industrial products, umabot sa 46% ng total U.S. imports mula sa Pilipinas ang tariff-free na.
01:25Kabilang ang coconut-based products, pinya, mangga, mangustin, bayabas, sariwa at processed na saging, iba pang dried fruits at fruit juices, tuna fillet, confectionary goods tulad ng asukal at rice wafer products.
01:40Hindi na rin papatawa ng taripa ang kape, kokawa, kamatis, at beef o karni ng baka.
01:47Mahigit 60% naman ang U.S. tariff exempted export volume ay mula sa coconut at coconut derivatives.
01:54Karamihan po nito ay nasa coconut-based products na ngayon po ay kasama rin doon sa mga exempted agricultural commodities.
02:03At nagpapasalamat po tayo sa ating Pangulo sa kabuan po ng ating negotiating team para po dahil dito.
02:092024, umabot sa $12.12 billion ang export value ng Pilipinas sa U.S. na karamihan ay coconut-based products.
02:19Vel Custodio, para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.