Skip to playerSkip to main content
Walang tubig-gripo hanggang 6 AM bukas ang mahigit 100,000 customer ng Maynilad sa Maynila, Makati, Pasay at Parañaque. Kung pila-balde ang maraming apektado, may ilang hindi raw alam ang water service interruption kaya walang naimbak na tubig.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Walang tubig gripo hanggang alas 6 ng umaga bukas ang mahigit 100,000 customer ng Maynilad sa Maynila, Makati, Pasay at Paranaque.
00:10Kung pila baldeh ang maraming apektado, may ilang hindi raw alam ang water service interruption kaya walang naimbak ng tubig.
00:19Ang sagot ng Maynilad at ginagawa nilang aksyon, tinutukan ni Bernadette Reyes.
00:23Kanya-kanyang bit-bit ng balde, drum, musky rice cooker pot, kaldero at iba pang pwedeng paglagyan ng iigibing tubig ang mga residente sa Paco, Maynila.
00:38Ganyan din ang sitwasyon sa Pandakan.
00:40Tatagal kasi ng 30 oras ang water service interruption sa mga lugar na sineservisyon ng Maynilad sa Maynila, Makati, Pasay at Paranaque.
00:49Mula yan ating gabi kanina hanggang alas 6 na umaga bukas.
00:53121,000 na customers ang apektado.
00:57Sabi nga nila, mawala na ng kuryente, huwag lang ng tubig.
01:01Mahalaga nga naman ito para makaligo, makahilamos o panghugas ng mga pinggan.
01:06Kaya naman sa training center na ito, lahat ng pwedeng pag-imbakan ng tubig pinupuno, kagaya na lamang ng bathtub na ito.
01:13Ang ilaw, magawa na pa, magpaypay ka lang, okay lang.
01:16Ang tubig, pag wala ang tubig, anong inumin mo, anong ipaluluto mo.
01:20O dati pa makaba ang pila, buti ka yung konti lang.
01:22Ang mga makakatulong naman kasi, kahit pa paano, pang gamit, pang hugas-hugas.
01:27Ayon sa Maynilad, nililihis nila ang tubo na nasa right of way ng Philippine National Railway kung saan magtatayo ng train station.
01:34Magtatayo po ng bagong Paco train station, ang PNR dito po sa site na ito.
01:40And yung pipe po namin is nasa loob po ng right of way ni PNR.
01:44So kailangan po namin siyang ilihis.
01:45Kailangan po siya i-realign para po makapagpatuloy po sila sa kanilang construction works.
01:51Ayon sa Maynilad, nagabiso sila sa mga apektadong residente sa pamagitan ng flyers, sa social media at sa lokal na pamahalaan.
01:59Pero reklamo ni Jonah, hindi niya raw ito nabalitaan.
02:03Nagulat po kami, pagbukas ng gripo, maghihilamos, magtututbrush, wala pong tumutulo.
02:08Eh yung iba po, nagkuha ng mineral, pang kape, pang inom ng tubig, pang hugas, pang hilamos.
02:15Hanggang sa naubos po yung stocks namin.
02:17Nag-deploy ang Maynilad ng 100 mobile water tankers at mayroon ding 16 na stationary water tanks
02:23para mag-supply ng tubig sa mga apektadong residente.
02:27Ang fire volunteer group na ito, nagmagandang loob na tumulong sa pagsusupply ng tubig sa mga lugar na walang tubig.
02:34Anong purpose po namin makatulong sa tao.
02:36So ito na yung pagkakataon, hindi lang po sa sunog, maging sa mga nawawala ng tubig.
02:40Sinusubukan daw ng Maynilad na maibalik ang supply ng tubig sa lalong madaling panahon.
02:46At sa sandaling bumalik na ang supply,
02:48Padaluyan po muna natin yung ating tubig hanggang mag-clear na po.
02:52Safe to drink po ang Maynilad water.
02:54Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, Nakatuto, 24 Oras.
Comments

Recommended