00:00Pinaigting pa ng pamahalaan ng pagprotekta sa ating yamang dagat.
00:04Sa katunayan, sa General Santos City, isang task force ang inilunsad at isang pagsasanay rin
00:10ang idinaos para sa pinaigting ng aksyon contra marine pollution at oil spill.
00:16Si Harlan Ferolino ng PIA Sox Surgeon sa Sentro ng Balita.
00:22Mas pinaigting pa ng Philippine Coast Guard ang kanilang kampanya para protektahan ang karagatan at yamang dagat ng bansa.
00:30Ito ay sa inilunsad na task force ingat-yamang dagat at isang marine pollution at oil spill response exercise sa Jensen Port sa pangunguna ng PCG.
00:38Layon itong palakasi ng kooperasyon sa pagitan ng pamahalaan, pribadong sektor, at mga mamamayan upang mapangalagaan ang karagatan.
00:46Sa pangunguna ni Vice Admiral Roy Echeverria ng Maritime Environmental Protection Command,
00:51formal na inilunsad ang task force sa General Santos City Port.
00:54Binigyang diin ni Echeverria na ang saranggani bay ay hindi lamang yaman kundi puso ng lungsod
01:00at tungkuli ng lahat na ito ay pangalagaan laban sa polusyon at iligal na pangingisda.
01:05So let's stop this destructive cycle before it's too late.
01:09Let's make sure task force ingat-yamang dagat becomes more than just another program.
01:15It must be a movement, a movement rooted in respect for our marine ecosystems,
01:25accountability for violators, and empowerment for communities.
01:32Kasabay nito, isinagawa rin ang marine pollution at oil spill response exercise
01:37na nagpakita ng mabilis na pagtugon at koordinasyon ng mga unit ng PCG, LGUs,
01:43at mga volunteer sa mga sitwasyong nakaka-apekto sa karagatan.
01:46Kapag meron po kaming mabalitaan or may dumating na information sa AMUA
01:51about those kinds of emergencies or situations,
01:55around 5 minutes ang pinakaminimum na namo na is makapag-dispatch dyan me.
02:00So communication is key.
02:02At the same time, ang tabang yud sa community.
02:04Dahil sa pagtutulungan ng pamahalaan, komunidad, at mga tagapangalaga ng dagat,
02:10masisiguro ng task force ingat-yamang dagat na mananatiling masagana
02:14at malinis ang karagatan ng Pilipinas.
02:17Hindi lamang para sa kasalukuyang hinderasyon,
02:19kundi hanggang sa mga susunod na salinlahi.
02:22Mula rito sa General Santos City para sa Integrated State Media,
02:26Harlem Ferrolino ng Philippine Information Agency, Soxergen.