00:00Nagdeklara na rin ang State of Calamity sa Lalawigan ng Pampanga.
00:04Para sa update, kumuha tayo ng update mula kay Mark Panga ng Philippine Information Agency, Pampanga.
00:11Isinailalim na ang buong Lalawigan ng Pampanga sa State of Calamity
00:15matapos aprobahan ng sangguniang panlalawigan
00:18ang Resolution No. 8 Series of 2025 na nagdeklara ng State of Calamity sa Lalawigan.
00:26Ayon sa pamahalaang panlalawigan ng Pampanga, mahalaga ang agarang deklarasyon ng State of Calamity
00:33upang mas mapabilis at mas maging efektibo ang pagtugon ng mga lokal na pamahalaan sa mga apektadong mamamayan.
00:42Sa pinakahuling tala, umabot na sa 184,654 ang bilang ng mga pamilyang apektado ng matinding pagbaha sa Lalawigan
00:52dulot ng walang tigil na pagulan na pinalalaan ng habagat at ng mga bagyong krising, dante at emong.
01:00Sa huling datos ng PDRRMO ngayong araw,
01:03tinatayang umabot na sa 470 milyon ang halaga ng pinsalang na idulot sa agrikultura.
01:10Kabilang dito ang rice, high-value crops, corn and cassava at ang fisheries.
01:16As of 8am, ngayong araw ay wala pang naitatalang casualty sa Pampanga
01:22at nagpapatuloy ang mahigpit na monitoring upang masigurong ligtas ang mga residente roon.
01:29Batay sa ulat, umabot na sa 24 milyon ang halaga ng tulong na naipabot ng DSWD
01:36sa pamahalaang panlalawigan ng Pampanga at ng iba't ibang non-government organizations
01:42sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyo, kabilang sa mga ipinamahaging ayuda
01:47ang food packs, inuming tubig, banig at tolda, pati na rin ang iba pang pangunahing pangangailangan ng mga evacuees.
01:56Ayon sa sangguniang panlalawigan,
01:58ang deklarasyon ay bahagi ng mas pinabilis at mas koordinadong tugon
02:02para sa mga nasalanta at para masimulan na rin ang rehabilitasyon sa mga apektadong lugar.
02:10Mula rito sa Pampanga, para sa Integrated State Media,
02:14ito si Mark Pangan ng Philippine Information Agency.