00:00Nahati at nagka-upi-upi ang isang kotse sa Taytay Rizal matapos sumalpok sa isang poste at gate.
00:07Nawalan umano ng preno ang driver na nasa ospital.
00:10Tatlong iba pa ang sugatan.
00:12At nakatutok si EJ Gomez.
00:23Nahati sa dalawa at uping-upi ang kotse niyan.
00:26Matapos sumalpok sa Manila East Road, Barangay San Juan sa Taytay Rizal, alas dos imedya ng madaling araw nitong linggo.
00:34Hulikam ang mabilis na takbo ng sasakyan na sumalpok sa isang poste ng ilaw.
00:40Sunod nitong sinalpok ang isang gate.
00:42Tatlong tao ang muntikan pang mahagip ng kotse.
00:46Bumagsak at nagpagulong-gulong ang isa sa kanila habang nakatakbo ang dalawa.
00:51Humambalang sa gitna ng kalsada ang sasakyan.
00:54Nakalas pa ang likurang bahagi nito.
00:57Kwento ng Saksing Security Guards sa establishmentong malapit sa pinangyarihan ng insidente.
01:02Nasa loob po ako dito sa guardhouse noong time na yun.
01:05Tapos nung gulat lang kung biglang ang lakas ng impact yung gate dito sa guardhouse.
01:10Napatayo ako. Parang nabibingi ako sa lakas ng impact talaga. Grabe.
01:14Parang lindol yung itong guardhouse ko.
01:16Parang kong nabibingi.
01:17Diyan siya o. Kumama sa ligid.
01:19Nadamay rin sa aksidente ang nakaparada niyang motorsiklo na nabagsaka ng nasalpok na gate ng sasakyan.
01:25Base sa investigasyon ng Taytay Police na wala ng kontrol sa sasakyan ang 25-anyos na driver.
01:32Yung driver po ng car is mabilis po yung takbo po niya.
01:36Na out of control po niya yung kanya pong minamanayong sasakyan.
01:39So ito po ay magiging self-accident ma'am.
01:42Sa lakas ng impact, nagkayupi-upi ang unahang bahagi ng sasakyan.
01:47Nakalas ang mga gulong at upuan.
01:49Wala namang natirang salamin sa windshield at nagkabasag-basag din ang mga bintana.
01:55Dinala sa ospitalang driver ng sasakyan.
01:57Nagtamo ng minor injuries ang tatlong nadamay sa insidente.
02:01Tumagal ng mahigit isang oras bago tuluyang naitabi ang sasakyan at muling nadaanan ng kalsada.
02:07Sinusubukan pa namin kunan ang pahayagang kaanak ng naaksidenteng driver.
02:12Ayon sa pulisya, posibling maharap sa reklamong damage to property ang driver ng kotse.
02:18Sa ngayon, wala pa namang pahayag ang tatlo na nasaktan sa aksidente.
02:23Para sa GMA Integrated News, EJ Gomez, nakatutok 24 oras.
Comments