Skip to playerSkip to main content
Pinuna ni Vice President Sara Duterte ang aniya’y ‘crisis of confidence’ na kinakaharap ng administrasyong Marcos sa gitna ng mga protesta kontra-katiwalian. Buwelta naman ng Malacañang, “Huwag magmalinis.”


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pino na ni Vice President Sara Duterte ang anya'y crisis of confidence na kinakaharap ng Administrasyong Marcos sa gitna ng mga protesta kontra korupsyon.
00:13Buelta naman ng Malacanang, huwag magmalinis.
00:17Nakatutok si Marisol Abduraman.
00:19Ito ang pahayag ni Vice President Sara Duterte sa gitna ng kaliwat ka ng protesta kontra korupsyon.
00:49Karapatan daw ng mga mamamayan na magpahayag ng kanilang salo o binaban sa pamahalaan.
00:55Kaisa ako ng milyong-milyong Pilipinong na dismaya at nandidiri sa pamahalaang lulong sa insikuridad at walang kabusugang kasakiman.
01:06Ang karapatan nating magsalita at magpahayag ang sandigan ng demokrasya.
01:11Dapat itong pakinggan ng pamahalaan, hindi para isang tabi at baliwalain lamang.
01:19We Filipinos deserve better.
01:23Inungkat din muli ng BC ang kanya raw karanasan sa umunay ginawang pagmanipula ng House of Representatives sa budget ng Department of Education noong kalihim pa siya nito.
01:33Sa halip na sundin ang listahan ng Depend upang matugunan ang malalang kakulangan sa classrooms,
01:39misulang ginawang pork barrel ang pondong na kalaan para sa kabataang Pilipino.
01:45At pinaghati-hatian ng mga kongresistang malapit sa mga makapangyarihan.
01:51Pinili kong huwag sumali sa panggagago sa taong bayan.
01:54Sa aking pagbitiw bilang kalihim ng Depend, ininda ko ang kaliwat-kanan na atake kasama na ang impeachment para lamang mapagtakpan nila ang katiwalian sa 2025 budget.
02:06Sabi naman ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro.
02:11Ang Pangulo, uulit-ulitin natin na siya po ang nagpaumpisahan ng pag-iimbestigan na ito.
02:16Noon pa po, ay marami ng anomalya.
02:19Since 2020, sinabi na po natin na marami na pong ghost projects pero wala pong ganitong klaseng pag-iimbestigan nangyari.
02:28Kung sino man yung nagsasabing walang trust and confidence, siguro siya po ang mismo.
02:32Ang maglahad, kung mayroon siyang nakakaharap na anomalya,
02:37huwag magmalinis ang hindi malinis at huwag magpakabayani ang hindi bayani.
02:42Para sa GMA Integrated News, Marisol Abduraman, Nakatuto 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended