00:00Ilang senador iginit na dapat munang ma-authenticate ang video ni Zaldico.
00:06Ayon naman kay Sen. Laxon, maaring tumestigo si Ako sa Senate Blue Ribbon Committee
00:12habang nasa Embahada o Konsulado ng Pilipinas.
00:16Si Luisa Erispe sa Sentro ng Balita.
00:21Duda pa rin hanggang sa ngayon ang ilang senador sa video na inilabas ni dating Ako Bicol Representative Zaldico
00:28na may mga paratang hinggil sa budget insertions.
00:32Ayon kay Blue Ribbon Committee Chairman Sen. Ping Laxon,
00:36kung totoo talaga ang mga sinabi ni Ko sa video, importanteng ma-authenticate ito.
00:41Dapat din daw mapanumpaan ni Ko ang kanyang salaysay sa harap ng konsulado
00:46kung saang bansaman siya naroon at pwede rin tumestigo sa Blue Ribbon Committee hearing si Ko
00:52habang nasa Embahada ng Pilipinas o Konsulado.
00:55Kung hindi raw ito gawin ang dating kongresista,
00:58mananatili lang naratibo o kwento ang laman ng video kahit pagkaano karaming parte ang ilabas nito.
01:06May napansin din si Laxon sa pecha ng umanoy deliveries na ipinakita ni Ko sa kanyang video.
01:11Bakit raw karamihan dito ay 2024 na tila hindi akma sa insertions na dapat ay para sa 2025 budget.
01:20Pero sa ngayon, sinusuri na ni Laxon ang listahan ng umanoy 100 billion pesos na insertions raw
01:27ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa 2025 GA.
01:31Si Sen. Wingat Shalyan at Chairman ng Committee on Finance,
01:35sinisilip naman bakit may mga sumusulpot kasi na mga infrastructure project na hindi man lang dumaan sa mga LGU.
01:42Kaya nanawagan siya sa Department of Public Works and Highways na kung may proposed project,
01:47hindi daan muna sa mga LGU.
01:49Anya, sa 2027, dapat bago mailagay sa National Expenditure Program,
01:55ay masilip muna sa Regional Development Councils para maiwasan ang issue ng korupsyon.
02:00Luisa Erispe, para sa Pamansang TV, sa Bagong Pilipinas.