00:00Sa iba pang malita ni isa-isa ng malakanyang ang mga butas sa naging revelasyon ni dating Congressman Zaldico
00:06sa kanyang in-rebus na video, kabilang dyan ang umano'y pecha at fake maleta story ng dating kongresista,
00:14si Claesel Pardilla sa detalye.
00:18Ang mga maletang ito na ibinalandra sa social media ni dating Akubico Congressman Zaldico
00:25naglalaman umano ng bilyong-bilyong pisong kickback na inihatig kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:32at dating House Speaker Martin Romualdez.
00:35Galing raw yan sa mga isiningit na pondo sa 2025 national budget.
00:40Sabi ng malakanyang, lalo lang ibinabaon niko ang kanyang sarili sa kasinungalingan.
00:47Ang mga pecha kasi sa larawan na ipinose ng dating mambabatas.
00:502024 ng Enero, Mayo, Agosto at Oktobre.
00:56Tanong ng malakanyang, paano nangyari yan?
00:59Gayong Nobyembre 2024 lamang nagsimula ang Bicameral Conference
01:03para sa deliberasyon ng pambansang pondo.
01:06Naisabatas naman ang 2025 General Appropriations Act
01:10noong atrenta ng Desyembre na karaang taon.
01:14Saan niya kinuha ang pera noong mga buwan ng taong 2024?
01:17Kung sa budget 2025 manggagaling, andi umano mga deliveries
01:21at mga maleta lamang ang pinakitang ito.
01:24Nasaan yung mga sinasabi niyang pera?
01:27Paano siya seryosohin si Sardico
01:29sa panawagan niya na paimbestigahan ang mga pangalang nabanggit niya?
01:33Kung ngayon pa lang sa video niya ay kitang-kita na
01:36ang mga gawagawang kwento sa ating pagsusuri.
01:39Dapat lamang maimbestigahan si Sardico
01:41para malaman nating lahat kung sa nanggagaling ang kanyang kasinungalingan.
01:45Ang malinaw ayon sa palasyo, binisto ni Ko ang sarili
01:49matapos tahas ang aminin na siya mismo ang gumawa
01:53ng isang dangbilyong pisong insertion umano sa 2025 national budget.
01:59Umamin si Sardico sa ginawa niyang mga insertions para sa budget 2025.
02:04Hindi na niya maitatanggi na siya ang taksil sa bayan
02:07na naglalagay ng mga insertions para nakawin lamang.
02:10Ang pagmemekos-mekos umano ni Ko sa National Expenditure Program
02:14o NEP 2025 ang ikinagalit ng Pangulo.
02:19Nagsabi pa siya na hindi niya makilala ang NEP 2025
02:22na gawa ng ehekotibo na pinasa noon sa Kongreso.
02:26Kaya nagvito ang Pangulo ng line items sa 2025 budget
02:29ng halagang 194 billion pesos.
02:32Kaya't ang sinasabing pag-insert ng 100 billion pesos
02:37ay taliwa sa sinasabi ni Sardico.
02:39Bakit mag-uuto si Sekretary Nina ng DBM
02:42na mag-insert na 100 billion pesos na proyekto?
02:46Una ng sinabi ni Pangulong Marcos
02:48na hindi niya papatulan ang mga allegasyon ni Ko.
02:52Ayon sa Pangulong,
02:53he won't dignify Sardico's allegations.
02:56Ang mga binitawan ni Sardico ay isang kasinungalingan, propaganda.
02:59Mas lumalaki ang kasalanan ni Sardico sa bayan.
03:02Hindi kinagat ng Malacanang ang paghuhugas kamay ni Ko
03:06na iginiit na walang natanggap kahit na isang kusin
03:09sa maanumalya o manong pagsisitang pondo.
03:12Panawagan ng Malacanang kay Ko.
03:15Patunayan niya ito, lalo pat nagsusumigaw ang mga yaman niya.
03:19Calizal Pordilia para sa Pambansang TV
03:21sa Bagong Pilipinas.