00:00Supportado naman ng Malacanang ang kautosang nag-oobliga sa mga opisyal ng Department of Transportation na mag-commute.
00:07Ayon sa Palacio, dapat maunawaan ng mga opisyal ng gobyerno ang nararanasan ng mga pasahero.
00:14Una ng ipinaliwanag ng DOTR na i-require rin ang mga transport official na gumawa ng report at rekomendasyong magpapabuti sa karanasan ng commuters.
00:25Kung ano man po ang magiging polisiya ng anumang departamento, kung ito naman po ay reasonable at hindi po nalalabag ang karapatang pantao, hindi po iyan hahadlangan ng Pangulo.
00:41At maganda lang po ang magiging adhikaan nito para kung sino man po ang mga public officials natin ay talaga maranasan na kung ano ang naranasan ng mga pangkaraniwang mananakay.