Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pino na ng Malacanang, ang hindi raw tugmang timeline sa mga larawang inilabas ni dating Congressman Zaldico.
00:07Ang tingin ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, may gumagamit kay Co para pabagsakin ng Pangulo.
00:14Ang sagot ng kampo ng dating Kongresista, sa pagtutok ni Maab Gonzalez.
00:21Kasunod ng pagdawit ni dating Congressman Zaldico kay Pangulong Bongbong Marcos sa umunay mga insertion sa 2025 budget,
00:28sa tingin daw ni Palace Press Officer Yusecler Castro, may gumagamit kay Co para pabagsakin ng Pangulo.
00:35Tingin ko nagagamit, nagamit, nagpagamit si Zaldico.
00:39Ito na yung ito kasi ang gusto ng mga gusto magpabagsak sa Pangulo, e mawala ang Pangulo.
00:46Diba?
00:46Kaya maaang gamitin ito, personal ko ito, ito lang yung nababasa ko.
00:51Pinangakuan na kapag kami ang naging nasa pwesto, mga palitan ng Pangulo, hindi ka na uusigin.
00:59Nang tanungin kung sino sa tingin niya ang gumagamit kay Co.
01:03Alam naman natin kung sino ba yung gusto magpabagsak sa Pangulo.
01:06Sino ba yung nagtanais na ipwesto ang iba sa kapalit ng Pangulo.
01:12Giit ng kampo ni Co, walang ganitong deal na nagpapagamit si Co.
01:16Ginagawa raw niya ito dahil oras na para gawin ang tama.
01:19Sa inilabas na video ni Co kahapon, ipinakita niya ang mga litrato ng mga hilera ng mga maleta
01:25na kanila raw i-deliver sa Pangulo at pinsan nitong si dating House Speaker Martin Romualdez.
01:30Sa ilalim ng mga litrato, may mga nakalagay na date at may katagaring cash out.
01:35Hindi ipinaliwanag ni Co kung ano ang ibig sabihin ng mga pechang nakalagay sa mga litrato.
01:41Sa maleta, wala po kayo nakitang anumang ibedensya kundi maleta.
01:44At sana masuri niyo po yung mga dates na nakalagay dyan sa kanyang video.
01:50Minilagay po siya na 2024.
01:52Tating January 2024 hanggang November 2024.
01:55E nagumpisa po yung Bicam Conference noong November 2024.
01:59So, papaano po manasabi na nagkaroon na po ng bigyan ng maleta
02:04kung 2025 budget ang pag-uusapan?
02:08Meron date din na maleta, mga January 2025, March, and May 2025.
02:14So, papaano rin pong mangyayari yun kung January 13 pa lang,
02:17na 2025, ay hindi na po siya head ng Appropriations Committee.
02:23Hindi na siya chair.
02:24So, saan magagaling yung kanyang power?
02:26Anong susunod na hakbang ng Malacanang?
02:28Kasunod ng mga pakayagdiko.
02:30Sampahan siya ng kaso kung dapat sampahan.
02:32Yan lang.
02:34Wala, wala.
02:35Kasi, ang Pangulo naman, lagi isan sa batas eh.
02:38Lagi naman yan sa, kung ano ang itinuturo ng ebidensya, may threat ba talaga?
02:45So, dapat tatunayan niya yan.
02:46Hindi pwedeng bibig lang yan.
02:47Kasi nalang magsalita.
02:48Yan.
02:49Pangalawa, kung mayroon talagang threat, ano ba ang sabi ng ombudsman?
02:54Po-protectionan ka.
02:56Wala siya dapat ikatakot.
02:57Ang kinakatakot lang yan, eh talaga masakdal siya, dalang ebidensya, eh papunta talaga sa kanya.
03:02Kahit sabihin natin yung mag-estate witness siya, dahil may mga nagsasabi kaming state witness siya.
03:07Wala siyang isasole, dahil wala siyang sinabing kinuha niya.
03:11Doon pa lang, talagang sinesafety niya na yung sarili niya.
03:15Nanawagan na rin si ombudsman Jesus Crispin Remulia na maghain ang sworn affidavit si Ko.
03:20Pero sabi ng abogado ni Ko, walang puntong gawin nito dahil hinusga na ani yan ang ombudsman ang kaso ng kliyente niya.
03:27Pilit din daw kung sasabihin naman ng ombudsman na kailangan nila ang sworn statement ni Ko para patutuhanan ang mga aligasyon niya sa videos.
03:35Dahil alinsunod daw sa ombudsman charter, ay kailangan niya imbestigahan kahit anonymous complaints.
03:41Kung gusto raw ng ombudsman, pwede siyang mag-imbestiga kahit walang sworn statement.
03:45Magsusumiti raw ng sworn statement si Ko kung naaayon ito sa layunin nila alinsunod sa procedural rules.
03:51Pero hindi raw niya papayagang magsumiti si Ko para lang makilaro sa aniay political games.
03:56Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez, Nakatutok, 24 Oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended