- 2 months ago
- #gmaintegratednews
- #kapusostream
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Thank you so much for joining us.
00:30Ang mga litratong ito ng mga hilera ng mga maleta, recibo raw ni dating congressman at House Appropriations Committee Chair Zaldico sa kanyang diretsyang pagdawid kinapangulong Bongbong Marcos at pinsan itong si dating House Speaker Martin Romualdez sa mga aniyay budget insertion.
00:47Sabi ni Ko, record ito ng deliveries na ginawa niya at ng kanyang mga tauhan.
00:52Wala pong perang napunta sa akin. Lahat po ng insertion napunta sa ating Pangulo at Speaker Martin Romualdez.
01:00Ako lang at ang aking mga tao, sila Paul Strada, Martin Syed, at ang aking mga security,
01:06ang nag-deliver papunta sa bahay nila Pangulong Bongbong Marcos at Speaker Martin Romualdez.
01:12Sa North Forbes Park, South Forbes Park, hanggang sa Malacanang.
01:17Hindi direktang sinabi ni Ko na pera ang laman ng mga ito, pero sinigundahan niya sa video ang pahayag ni Orly Gutesa sa Senado,
01:25na nag-deliver daw siya ng mali-maletang pera sa bahay ni Laco at Romualdez.
01:29Safi David ni Gutesa, sinabi niyang nag-deliver siya roon ng mahigit apat na pong maleta ng pera na tinawag niyang basura.
01:37Si Gutesa ang surprise witness si Sen. Rodante Marcoleta sa Blue Ribbon Committee Hearing noong September 25.
01:44Totoo po yung sinasabi ni Orly Gutesa na nag-deliver siya sa Forbes Park.
01:50Totoo din po ang sinasabi ni Orly Gutesa na nag-deliver siya sa Malacanang nung siya ay nasa Senado.
01:56Sabi pa ni Ko, sa isang daang bilyong pisong isiningit umano sa 2025 budget, ang nakuha raw ng Pangulo 25 billion pesos.
02:07After po ng approval ng budget sa General Appropriations Act of 2025, nagtanong po ako sa DPWH kung magkano ang kailangan na ibigay sa Office of the President o ang SOP na bigayan.
02:20Ang sinagot sa akin ay 25%. Ang ibig sabihin ito, 25% ng 100 billion ang SOP na kailangan ibigay kay BBM mismo.
02:34In total, 25 billion ang napunta kay Pangulong Buangbuong Marcos.
02:39May hamo naman si Ko, kay Ombudsman Jesus Querespin Remuria.
02:42Patunayan niya ngayon ang pronouncement niya.
02:47Imbestigaan niya ang Fraternity Brad at ang kanyang kaibigan na si Speaker Martin Romualdez.
02:53Imbestigaan din niya si President Bongbong Marcos.
02:56Sabi nga ni BBM ng SONA, let's do it right at mahiyan naman kayo, hindi po ba?
03:02May panawagan din siya sa Senado.
03:05Nananawagan din po ako sa Senado na investigahan ang 100 billion insertion ni Presidente.
03:10Alam ko po na hindi gagawin ni Ombudsman Remuria ang hamon ko.
03:15Pero magaling ang Senado sa investigasyon at ako ay naniniwala na dahil sa kanila, lalabas ang katotohanan.
03:23Inanong ng GMA Integrated News ang abogado ni Ko kung ano ang nagtulak dito na basagi ng katahimikan.
03:28Sabi ng Atty. Rui Rondain, hindi niya pa masagot ito dahil hindi pa rin niya nakokontak si Ko simula kahapon.
03:35Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal nakatutok, 24 oras.
03:41Ayaw patulan ni Pangulong Bambong Marcos ang mga pahayaag ni dating Congressman Zaldico.
03:46Ang sabi ng Ombudsman at ng Senado Blue Ribbon Committee,
03:49walang probative value o hindi magagamit sa investigasyon ang mga pahayag ni Ko dahil hindi ito pinanumpaan.
03:56Kaya muli nilang hamon kay Ko, umuwi na.
04:00Nakatutok si Nico Wahe.
04:15Ayaw patulan ni Pangulong Bambong Marcos ang pagdawit ni dating Congressman Zaldico sa kanya
04:20sa umano'y budget insertion sa 2025 National Budget.
04:23Sinabi yan ang Pangulo sa kanyang pagbisita sa mga sinalanta ng Bagyong Tino sa Negros Occidental.
04:29Ang malakanyang, tinawag na kanal ang unang video ni Ko.
04:32At hindi raw nagbago ng script sa ikalawang video ngayon.
04:36Here say o sabi-sabi lang daw ang pahayag ngayon ni Ko.
04:39Hamon nila kay Ko, umuwi na at panumpaan ng salaysay.
04:42Yan din ang pakiusap ni Ombudsman Jesus Crispin Remulia na hinamon ni Ko na investigahan si dating Speaker Martin Romualdez.
04:49Sabi niya Remulia, pinagsusumitin nila si Ko ng salaysay para ma-berifika at sumailalim sa tamang proseso.
04:55Pero pinili raw ni Ko na umiwas sa proseso at sa halip ay sa social media naglabas ng kanyang kwento.
05:00Matagal na raw hinihiling ng Ombudsman na ipresenta ni Ko ng maayos ang kanyang ebidensya.
05:05Kung ang dahilan daw ng pag-iwas ay takot, sabi ng Ombudsman, handa silang magbigay ng proteksyon.
05:10Inawag din ni Blue Ribbon Committee Chairman Ping Lakson ang mga pahayag ni Ko na kwento-kwento lang
05:15at walang probative value dahil hindi naman ito pinanumpaan.
05:34Sa tingin ni Tindig Pilipinas Convener Kiko Aquino D, dapat ilayunan ang Pangulong sarili sa investigasyon sa mga anomalya sa flood control projects.
05:52Hindi porken nagsalita si representative ko ay guilty siya, pero dahil parte na nga siya ng usapan, may nag-aakusat na sa kanya,
06:00hindi pwedeng involved siya sa pag-iimbestiga sa sarili niya.
06:03Ang tingin ko dapat mangyari ay i-recuse niya yung sarili niya sa lahat ng mga investiga.
06:08Mataling maniwala na magnanako ang isang Marcos, pero kailangang dumaan sa tamang proseso yung ganitong statements.
06:16Panawagan din ang Catholic Bishops Conference of the Philippines ang pag-uwi ni Ko.
06:20Hindi raw sapat ang paglalabas niya ng akusasyon sa social media.
06:24Mabigat daw masyado ang mga bintang nito, kaya dapat daw iharap ito sa mga kinukulang ahensya ng gobyerno.
06:29Panawagan din nila mag-ingat laban sa anumang pananamantala, kaugnay sa isyo,
06:34na maaaring magpasiglab ng emosyon at maka-impluensya sa politika.
06:37Patuloy naming hinihinga ng pahayag si Romualdez at iba pang personalidad na binanggit ni Ko.
06:42Para sa GMA Integrated News, Niko Wahe, nakatutok 24 oras.
06:48Ayaw na rin daw magkomento ni dating Speaker Martin Romualdez sa mga pahayag ni dating Congressman Zaldico.
06:54Ang sabi ni Romualdez na nanatiling malinis ang kanyang konsensya.
06:59Anya, sa nangyayaring embisigasyon mula ng public official, contractor o testigo,
07:05ang nagturo ng anumang pagkakamali sa kanyang panig.
07:08Hindi rin daw pinanumpaan ang pahayag ni Ko, kaya ayaw na niya magkomento tungkol dito.
07:15Nagtitiwala daw siya na magiging patas ang embisigasyon ng Independent Commission on Infrastructure,
07:21Department of Justice at Ombudsman.
07:24Handa daw siya makipagtulungan sa anumang prosesong na ayon sa batas.
07:28Si Budget Secretary Amena Pangandaman naman, nauna nang pinabulaanan ang mga paratang ni Ko.
07:39Sa ibang balita, sugatan ang isang lalaki sa Tondo Baynila matapos habulin at tagain na kanyang kumpare.
07:46Amit siya umano ng krimen, selos at nakatuto si Jomera Presto.
07:51Kuha sa CCTV ang pagdaan ng lalaking niyan na may dalang itak sa Bukang Liwayway Street, Tondo, Maynila, pasado alas 9.30 kagabi.
08:02Ilang saglit lang, may kita na ang ilang tauhan ng barangay na tumatakbo papunta ng nare-extension kung saan din unang nagpunta ang lalaki.
08:09Ayon sa barangay, hindi na nakuha ng sa CCTV pero hinataw na pala nito ang isang lalaki na dayo lang sa lugar.
08:16Bago ang insidente, dalawang beses binalikan ng sospek ang biktima at pinagbantaan.
08:23Hanggang sa umuwi saglit ang sospek sa kanilang bahay.
08:26Sa kuhang ito, may kita na ang sospek na lumabas sa kanilang bahay habang may bit-bit na itak.
08:31Hanggang sa tuluyan na nitong sinugod ang biktima.
08:34Nagkataon lang po na baliktad po doon yung talim, kaya tumama lang po sa may gilid ng kaliwang mata niya.
08:40Tapos after daw po noon, parang ginawa daw po nung biktima yung bangko ay yung ginagawa niyang panalag.
08:46Nausog po siya rito sa may tindahan, tapos mayroon siya nakitang bote.
08:52Yun daw po yung binabasad niya para ginagawa niyang pang-depensa niya para hindi makalapit sa kanya yung sospek.
08:59Sa kabila nito, apat na beses pa rin tinamaan ng itak sa kaliwang braso ang biktima.
09:04Mabilis na isugod sa ospital ang biktima na agad ding nakalabas sa pagamutan.
09:09Umuwi pa sa kanilang bahay ang sospek.
09:11Pero nang puntahan ng mga pulis ang bahay, hindi na raw sumasagot ang sospek at nakalakna ang gate ng bahay.
09:18Ayon naman sa kabilang barangay kung saan residente ang sospek.
09:21Bago ang insidente, nagsumbong sa kanila ang asawa nito na binugbog siya ng sospek na nooy nakainom.
09:27Pinayuan na lang namin yung asawa niya na umuwi muna sa kapatid niya.
09:32Para at least para hindi siya magulpin ang asawa niya.
09:36Napagalaman din na magkumpare ang sospek at biktima.
09:39Iyon ang nabanggit ng asawa niya na hinahanap niya na lagi daw si Tigas dahil barang nagsiselos siya.
09:47Patuloy ang follow-up operation ng polisya para mahuli ang sospek na maharap sa reklamong frustrated murder.
09:53Sinusubukan pa namin makuwang pahayag ng polisya.
09:55Para sa GMA Integrated News, Jomer Apresto nakatuto 24 oras.
10:00Mga kapuso, pasintabi lang po dahil sensitibo ang aming susunod na ibabalita.
10:08Nakuna ng CCTV ang pagsalpok ng AUV sa asong patawid lang sana sa gitna ng kalsada.
10:15At nagulungan niya ito, nagpatuloy lang sa pagmamaneho.
10:19Patay ang aso.
10:21Paala na po ng otoridad sa mga pet owner na maging responsable sa kanilang mga alaga.
10:25Gayun din sa mga motorista na maging alerto at maingat sa pagmamaneho.
10:30Nakaranas na mataas sa bahangil ang bayan sa Laguna nang biglang bumuhos ang ulaan kaninang umaga.
10:37Nakatutok si Bernadette Reyes.
10:42Malakas na ragasan ang baha na may bato ang gumising sa mga tagapangi Laguna.
10:47Kasunod ang biglang buhos ng ulaan kaninang umaga.
10:50Pansamantalang isinara ang bahagi ng National Road sa Barangay Dambon ang maharangan ng mga bato.
10:54Bukod sa bahay ng Pangil, mabilis ding tumaas ang tubig sa mababang bahagi ng bahay ng Pakil at Payte.
11:01Pinayuhan naman ang mga residente na maging alerto sakaling magkaroon ng landslide.
11:07Nakaranas din ang pagbaha sa bahay ng Fani, bunsod ng walang tigil na ulan mula pakagabi.
11:12Sa Barangay Bulihan, abot hita ang tubig na pumasok din sa ilang bahay.
11:24At sa Barangay Batuhan, naabot binti naman ang baha.
11:27Gumamit na ng rubber boat ang MDRMO para itawid ang mga residente.
11:31Ayon sa pag-asa, bunsod ang mga pagulan ng localized thunderstorms.
11:37Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, Nakatutok, 24 Oras.
11:43Magit isandaang individual ang naitalang nasawi sa pananalasan ng Bagyong Tino sa Negros Island.
11:49Kanina, binisita ni Pangulong Bombo Marcos ang mga nasalantang residente sa Negros Occidental.
11:55Nakatutok si Arian Prietos ng GMA Regional TV.
12:01Isang Negros Occidental sa mga napuruhan ng Bagyong Tino.
12:05Sa buong Negros Island region, mahigit isandaan ang nasawi, habang mahigit limampu ang nawawala.
12:12Sa tala ng Office of Civil Defense.
12:15Pinuntahan ng Pangulo ang evacuation centers sa Nakasilyana at nakipagkulong sa mga lokal na opisyal.
12:21Mahal na presidente, gusto naman mga hingi ng tulong sa iyo.
12:25Gusto naman makahingi ng relocation.
12:28Ngayon hindi na may kamakabalik doon sa may tabi ng ilog.
12:30Ang amon taning nga ma-provide down kami sa amon na kinanglanon, especially sa aton relocation site, and of course sa aton evacuation center, kagsa aton bagid mga water tank.
12:42Sa bayan ng Moises Padilla, nakita mismo ng Pangulong ang pinsanang iniwan ng bagyo sa isang eskwelahan.
12:50Halos wala nang mapakinabangan matapos pasukin ng baha ang mga classroom.
12:54The situation of the school, the school speaks itself kung anong nakita niyo amon ang bratsyago na amon.
13:05Kinumusta rin ng Pangulo ang mga sinalantang residente sa barangay poblasyon.
13:10Hiling ng alkalde ng bayan, mapaayos ang mga nasira nilang tulay.
13:26Nagpasalamatin kami na nag-adputin ang Presidente.
13:30At is, at is, at is, first-hand kung ano ang sitwasyon.
13:33Lako, agit na makabulig sa amon ang Presidente.
13:36He has all the resources and the authorities.
13:39Para sa GMA Regional TV at GMA Integrated News, Adrian Bretos, Nakatutok 24 Horas.
13:46Good afternoon mga kapuso, live ako ngayon dito sa SM MOA Amphitheater sa Pasay
13:57para sa highly anticipated Sparkle 30th Anniversary, ang Sparkle 30.
14:03Mayang-mayang lang, iatid namin sa inyo mga updates sa Star Studded Event na ito, kaya tumutok lang.
14:08Galing umano sa Calabarzon at Mimaropa ang mga baboy na nagpositibo sa African Swine Fever
14:16sa mga litsunan sa Laloma, Quezon City.
14:19Ayun po yan sa Agriculture Department.
14:21Sa kabila nito, tiniyak ng kagawara na sapat ang supply ng mga baboy ngayong holiday season.
14:28Nakatutok si Bernadette Reyes.
14:33Apat na araw ng sarado ang mga litsunan sa Laloma, Quezon City
14:37matapos magpositibo sa African Swine Fever ang mga baboy sa apat na litsunan.
14:42Tuloy-tuloy ang pag-disinfect sa lugar sa pag-asang makakapagbukas na muli sa lalong madaling panahon.
14:48Nagkokomplay po kami doon sa hinihingi ng City Hall for Slaughter House.
14:52Siyempre sa amin, as owner po, tapos doon po sa mga tauhan namin, mas lalo.
14:58Kasi po, siyempre, araw-araw po sila. Kailangan namin food, kailangan nila food.
15:03Sa kabila ng pansamantalang pagsasara ng mga litsunan sa Laloma
15:06dahil sa banta ng ASF, siniguro ng lokal na pamahalaan ng Quezon City
15:10na walang kaso ng ASF sa mga pamilihan tulad na lamang sa mga palengke dito sa Quezon City.
15:16Ito po ay isolated nga po sa Laloma at yung ibang pong mga itinitin ng karne at mga restaurants na nagsaserve ng karne sa Quezon City ay hindi naman po apektado.
15:27Safe pa rin po. Kung bibili po tayo ng karne sa ating mga palengke, hindi po sila apektado.
15:32Siniguro rin ang mga retailer na may tatak ng National Meat Inspection Service ang mga baboy bilang tanda na walang sakit ang mga ito.
15:39Malinis naman ang baboy namin, kompleto ng papilyan. Bago ilabas ng slaughterhouse yan, may mga permit po yan.
15:46Ayon sa Pork Producers Federation of the Philippines, mahalaga ang pagsisiguro na walang sakit ang mga baboy bago ibiyahe.
15:53Dapat alamin po natin kung saan ang galing yung baboy at bakit nakalusot. Sa shipping permit, dapat may ASF testing yan eh.
16:04Ayon sa Department of Agriculture, mula sa Region 4A and 4B ang mga may sakit na baboy.
16:10Sa kabila nito, wala naman daw magiging problema sa supply ng baboy.
16:13Pusigling nalusutan yung mga checkpoints leading to Quezon City, itong mga baboy na may ASF.
16:22Yung concern mismo ng laloma for the lead zone, baka magkaipitan.
16:27Siguro naman ano sila, magka-comply immediately sa mga recommendations.
16:32Kasi alam din naman nila na importante yung kanilang negosyo for the upcoming holidays.
16:37Tumaas naman ang presyo ng sibuyas.
16:39Sa mga aldan public markets sa Pangasinan, mula 140 hanggang 160 pesos pumalo na sa 240 pesos kada kilo ang pulang sibuyas.
16:48Paliwanag ng samahang industriya na agrikultura o sinag, magiging stable ang presyo ng sibuyas sa oras na dumating na sa bansa ang mga imported na sibuyas.
16:58Pini-assess namin kung up to well ang stocks. Pero itong November, meron pa naman. Wala tayong nakikita ang problema.
17:08Sa litex market sa Carson City, umabot ng 280 pesos ang kada kilo ng sibuyas ilang araw matapos manalasa ang bagyong uwan.
17:16Parang 160 to 180 lang, tapos naging 200, naging 210, 220, hanggang naging 240, 260 na po.
17:24May nakukunan naman po, kaso mataas po sa mga ipinagkukuha.
17:29Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, Nakatutok, 24 Oras.
Comments