Skip to playerSkip to main content
Pinigilan daw makauwi ni Dating House Speaker Martin Romualdez si Dating Congressman Zaldy Co nang pumutok ang isyu sa budget insertions at flood control projects. Ilan lang iyan sa mga inilahad ni Co sa isang video kung saan idinawit din niya si Pangulong Bongbong Marcos. Mariin namang itinanggi ng Malacañang na ipinag-utos ng pangulo ang budget insertion. May report si Tina Panganiban-Perez.




State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00BUDGET INSERTION
00:30Sana po ay hindi nila ako mapatay bago ko mailabas ang lahat.
00:36Ginawa nila akong poster boy ng kanilang sariling kasinungalingan.
00:40Pasabog ang paglantad ni dating Congressman Zaldico mula ng pumutok ang issue sa flood control projects at budget insertion sa 2025 national budget.
00:50Sa video na pino sa kanyang social media accounts, idinawit niko si na Pangulong Bongbong Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.
01:00Nagsimula ito nung tumawag si Sekmina, pangandaman sa akin, nung nagumpisa ang BICAM process last year, 2024.
01:08Ang sabi niya, katatapos lang ng meeting nila, may Pangulo at may instructions na mag-insert o magpasok ng 100 billion worth of projects sa BICAM.
01:18Sabi raw sa kanya ni pangandaman, pwede niyang kumpirmahin ito kay Presidential Legislative Liaison Office Yusek Adrian Bersamin
01:27dahil magkasama raw si na Bersamin at Pangulong Marcos sa isang pulong ng araw na iyon.
01:33Tinawagan ko po agad si Yusek Adrian Bersamin at tinanong ko kung may instruction nga ba ang Pangulo na magpasok ng 100 billion during their meeting.
01:43Ang sabi niya ay totoo nga po.
01:45Right after our conversation, tinawagan ko po si dating Speaker Martin Romualdez at nireport ko ang instructions ng Presidente
01:56to insert the 100 billion projects.
02:01At sinabi niya sa akin, what the President wants, he gets.
02:05Ang listahan ng mga proyekto binigay raw sa kanya ni Bersamin sa isang pulong sa Aguado Building sa May Malacanang
02:12kung saan kasama rin si na pangandaman Romualdez at DOJ Yusek Jojo Cadiz.
02:19Tinanong ko po si Yusek Adrian kung saan galing ang listahan.
02:23Ang sagot niya galing kay PBBM mismo at binigay niya ito mula sa brown leather bag.
02:30Nung sinabi po ni Yusek Adrian Bersamin yung brown leather bag,
02:35naalala ko noong nasa Singapore kami right after the elections of May 2022 sa Hilton Hotel,
02:41kami ni dating Speaker Martin at PBBM habang pawi at pabalit ng Pilipinas,
02:48hinabol ang PSG, ang brown leather bag at ang sabi ni PBBM,
02:53maiwan na lahat huwag lang ang brown leather bag.
02:56Kaya naniwala ako na utos talaga ito ng Pangulo.
03:00Matapos ang ilang araw, sabi ni Ko, tinanong niya si na Romualdez,
03:04pangandaman, Bersamin at Cadiz kung pwedeng 50 billion pesos lang na halaga ng mga proyekto
03:10ang ipasok sa programmed funds.
03:13Habang ang natitirang kalahati, pwede anyang ilagay sa unprogrammed funds
03:18na Office of the President ang nagre-release.
03:21Hindi raw kasi pwedeng mas malaki ang budget ng DPWH sa sektor ng edukasyon
03:26alinsunod sa konstitusyon.
03:29Pagkatapos ng isang araw, tinawagan ako ni Sekmina at sinabi niya
03:33ang mensahe ng Pangulo, ipasok ninyo yan dahil pinangako na sa akin ni Speaker Martin yan.
03:40At hindi na pwedeng baguhin.
03:43Kumbaga, ang utos ng hari hindi pwedeng mabali.
03:48Again, I informed the Speaker and asked clearance about the instructions ng Pangulo.
03:53At ang sabi niya, wala tayong magagawa.
03:56Kaya po, nagtataka ako kung bakit sinasabi ni Pangulo na hindi niya makilala ang budget.
04:03Samantalang lahat na binawas at dinagdag sa mga ahensya ng gobyerno
04:08ay humihingi ng approval sa kanya si Sekmina Pangandaman.
04:12Hindi malinaw kung kailan at saan ni record ang video ni Ko
04:16na umalis sa bansa noong July 19, 2025
04:19para magpa-medical check-up sa Amerika.
04:23May plano raw si Ko na bumalik pagkatapos ng State of the Nation address ng Pangulo
04:27pero pinigilan umano siya ni Romualdez.
04:30Tinawagan ako ni dating Speaker Martin Romualdez at sinabihan,
04:35Stay out of the country.
04:37You will be well taken care of as instructed by the President.
04:42Noon naniniwala pa ako sa kanila.
04:44Kaya't hindi ako bumalik.
04:46Pero ang hindi ko alam,
04:48ang ibig pala nilang sabihin sa aaalagaan ka namin
04:51ay gagamitin ako bilang panakipbutas sa kanilang kampanya laban sa korupsyon.
04:58Ang mga pahayag ni Ko, tahasang itinanggi ng Malacanang.
05:03Tanong pa ng palasyo,
05:04kung sangkot ang Pangulo,
05:06bakit niya ibubulgar ang katiwalian sa flood control projects
05:10kung siya rin ang madiriin kalaunan?
05:13Lahat ng mga sinasabi ni Zaldico ay pawang mga invento lamang.
05:17Walang basihan, walang ebidensya.
05:21Umuwi muna siya sa Pilipinas
05:23at sumpaan ang kanyang mga sinabi
05:26at harapin ang mga demanda o kaso laban sa kanya.
05:31At kaugnay ng utos ng Pangulo
05:32na pagsisingit umano sa BICAM?
05:35Kung ang Pangulo,
05:37ayaw na rin kesa sinabi ni Zaldico,
05:40ay hari daw.
05:41Bakit po kaya sa insertion pa ilalagay 100 billion pesos?
05:45Kung pwede naman po itong isama mismo sa NEP?
05:47We reject any insinuations about it.
05:52The BICAM is purely under the power of the legislature.
05:56We respect and strictly follow the budget process
05:59and all our actions are above board.
06:03Naniniwala rin ang Malacanang
06:05na may ibang nasa likod ng pinasang pahayag ni Ko,
06:08pero hindi nila sinabi kung sino.
06:11Sinusubukan pa namin makuha
06:12ang panig ni Naromualdez,
06:14Bersamin at Cadiz.
06:16Tina Panganiban-Perez,
06:18Nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended