Skip to playerSkip to main content
Nahaharap sa reklamong plunder o pandarambong si Dating Pangulong Rodrigo Duterte, pati si Senador Bong Go at kanyang ama at kapatid. Inihain iyan ni Dating Senador Antonio Trillanes IV dahil daw bilyon-bilyong pisong infrastructure projects na napunta sa kompanya ng mga Go. Handa raw ang senador na kasuhan ang mga kaanak kung mapapatunayang nagkamali. May report si Saleema Refran.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nahaharap sa reklamong plunder o pandarambong si dating Pangulong Rodrigo Duterte, pati si Sen. Bongo at ang kanyang ama at kapatid.
00:08Inihain niya ni dating Sen. Antonio Trillanes IV dahil sa bilyon-bilyong pisong infrastructure projects na napunta raw sa mga kumpanya ni Nago.
00:18Handa raw ang Sen. na kasuhan ang mga kaanak kung totoo ngang nagkamali.
00:23May report si Salimare Frank.
00:24Simbiga, na mga kahong-kahong dokumentong bit-bit ni dating Sen. Antonio Trillanes IV sa ombudsman,
00:34ang reklamo niyang plunder o pandarambong laban kinadating Pangulong Rodrigo Duterte, Sen. Bongo, pati ama at kapatid ng Senador.
00:42Ako sa Sione Trillanes, halos 7-bilyong pisong infrastructure projects ang napunta sa CLTG Builders at Alfrego Builders na hawak ng angkan ni Senador Gu.
00:55Undercapitalized nga raw o kulang sa puhunan ng dalawang kumpanya, kaya nakisosyo raw sa mga kontratistang may AAA license,
01:03gaya ng mag-asawang Curly at Sara Descaya. Ang mga proyekto sa joint ventures, aabot-umano sa 816 million pesos.
01:13Tatay at kapatid, binigyan mo ng bilyon-bilyon na kontrata. While you were in power, covered nila yun.
01:20Dagdag ni Trillanes mula 2008 noong Davao City Mayor pa si Duterte hanggang naging pangulo siya.
01:27Nakakorner ang mga kaanak ni Go ng nasa dalawang daang proyekto, karamihan nasa Davao.
01:33May flood control, mayroong mga road widening.
01:38Yung offense niya is hindi dapat sa tatay at kapatid ang nag-beneficio.
01:43Ang nakalagay sa ating batas, up to fourth degree of consanguinity and affinity, pero ito first degree ito, tatay ito at kapatid.
01:55Handa raw harapin ni Go ang reklamo. Todo tanggi siya sa parata.
01:59Meron naman pong kowa na pwede naman pong tumingin kung meron bang pagkukulang o meron bang irregularities dito sa mga proyektong ito.
02:09Kasuhan niyo po. Willing po akong kasuhan kahit kapamilya ko. Kahit sino pa yan. Nakialam ba ako? Hindi.
02:17Nakinabang ba ako? Hindi. Binigyan ko ba ng pabor ang aking pamilya? Hindi.
02:22Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remuya, nauna nang naihain sa DOJ ang reklamo.
02:28Pero ipinadala raw agad ito sa Ombudsman ni Nooy Prosecutor General Benedicto Malcontento noong si Remuya pa ang Justice Secretary.
02:37Hindi na nga ako nagkaroon ng pagkakataong makita ang mga papel na ito noong panahon na yun. Isang taon na yun eh.
02:43Dadan niya sa evaluation, fact finding, at preliminary investigation.
02:48Maaari raw makatulong ang reklamong ito sa investigasyon nila ng DPWH, sa CLTG, at sa mga diskaya.
02:56Nandiyan na ang dokumento at meron na siyang mga project number, mga identifying marks. Mas madali na namin mahahanap yan sa DPWH.
03:04Sa Nima Refra, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended