00:00Nilinaw ng Malacanang na walang kinalaman ang politika o eleksyon
00:04sa 20 pesos kada kilo na bigas na limitado lang munang mabibili sa Visayas.
00:09May sagotin sila sa pangkwestyon ni Vice President Sara Duterte sa programa.
00:14May report si Bernadette Reyes.
00:18Our President has given the directive to the Department of Agriculture
00:23to formulate this to be sustainable
00:27and tituloy-tuloy hanggang 2028.
00:32Matapos i-anunsyo ng Agriculture Department ang paglunsad ng P20 program
00:37o yung pagbibenta ng 20 pesos kada kilo na bigas sa ilang lugar sa Visayas
00:41simula sa susunod na linggo,
00:43dali-daling nagtungo sa Kaniwa Store sa Kasan City ang 70 anyos na si Lola Cindy.
00:48Tumatakbo pa ako kasi sabi ko habulin ko.
00:52Mas pagdating niyo?
00:54Wala pala.
00:55Wala siyang nabili dahil ang murang bigas sa ilang piling lokal na pamahalaan lang
00:59sa Western, Eastern at Central Visayas ibibenta.
01:03Sampung kilo kada linggo lang ang pwedeng bilhin ng bawat pamilya.
01:07Sa mga kadiwa store sa Metro Manila,
01:09kagaya nito, 29 pesos kada kilo ang pinakamurang bigas na mabibili.
01:13Pero para lamang ito sa mga piling sektor,
01:16kagaya nila lamang ng mga senior citizens,
01:18PWDs, mga miyero ng four-piece at mga solo parents.
01:21Tinatayang aabot sa 3.5 billion hanggang 4.5 billion pesos
01:26ang iaabo ng subsidiya ng gobyerno at piling LGU para sa programa.
01:31Tingin ang Federation of Reformers Cooperative maganda ang layunin ng programa
01:35para maibenta na ang stock na bigas sa mga warehouse ng NFA
01:39na nanganganib ng mabulok.
01:41Gayunman, malaking lugi raw ito sa gobyerno.
01:44Hindi kaya better used ito, or at least malaking bahagi nito,
01:48ang subsidy nito, para palakasin po yung productivity ng ating mga rice farmers.
01:54Tanong naman ang consumer group na Bantay Bigas,
01:57bakit sa Visayas na Anilay Mayaman sa Boto unang inilulunsad ang programa?
02:02Samantala, lahat naman daw naghahanap ng murang bigas.
02:05Double digit yung pagbaba ng kanyang trust rating at syempre yung pwedeng pabanguhin yung image ni BBM
02:12which will translate dun sa kanyang mga slate, senatorial slate,
02:19para matiyak yung boto para sa kanila.
02:23Nauna pa po itong napag-usapan ng DA, ng NFA,
02:29bago pa po lumabas ang mga survey ratings na yan.
02:32Sa Visayas lang din daw sinimulan ang programa dahil doon mas maraming nangangailangan ng murang bigas.
02:38Pero gagawin daw ito sa buong bansa.
02:41Sagot naman ang Malacanang sa duda ni Vice President Sara Duterte
02:44na baka sa Visayas may problema sa Boto ang administration slate.
02:48Matagal na po nilang ini-issue na mukhang hindi kakayanin ng Pangulo
02:53ang aspirasyon na magkaroon at mag-deliver ng bigas sa halagang 20 pesos kada kilo.
03:01Ngayon po, naunti-unting natutupad ang aspirasyon na ito ng Pangulo.
03:08Bakit muli na naman silang nagsasalita?
03:11Nagiging negatibo.
03:12Bernadette Reyes nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:17Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
03:20Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.
Comments